“No! Probably not…” Isang malamig pero kontroladong boses ang sumabat mula sa likuran nila. Sabay na napalingon sina Trixie at Alex. Nakatayo roon si Maya. Hindi galit ang mukha niya pero hindi rin kalmado at halatang hindi din na tutuwa. Yung tipong expression na sinusubukang maging composed pero halatang sasabog any moment. Nakasalubong ang mga kilay niya nang bahagya, at nakahawak ang isang kamay niya sa bewang, habang ang kabilang kamay ay hawak pa ang maliit na tuwalya na pangpunas kay Trixie. “M-Mommy…” mahinang bulong ni Trixie, pero hindi naman mukhang takot pero mukhang alam niyang may nasabi siyang mali. Humakbang si Maya palapit, steady ang lakad, pero ramdam ang tensyon ng bawat hakbang. “Trixie,” aniya, mahina pero matalim, “Are you interviewing Mr. Santibañez like he’s

