Pakiramdam ni Maya, na ngalas ang mga kasu-kasuan niya sa sakit na nararamdaman. Hindi siya makakilos ng maayos, gusto niyang mapamura sa sakit ng p***********e niya. Kung puwede lang n'yang basagin ang mukha ng lalaking katabi niya na ang sarap na ng hilik ginawa na niya. Nakakapamura ang ginawa nito sa kanya, nang una puro sarap. Sabik na sabik siyang mapag-isa ang katawan nila. Alam niyang masakit talaga ang first time pero hindi naman niya ini-expect na wawasakin nito ang chipipay niya ng ganun. Damang-dama niya ngayon ang hapdi, kirot at panghihina ng katawan dahil sa labis na sakit na nararanasan niya. Hindi manlang ito nag-ingat kahit alam niyang alam nitong virgin siya. Bayo kung bayo ang ginawa nito at kahit anong kagat niya sa braso nito hindi makabawas ng sakit.
Ni konting sarap wala na siyang naramdaman pero dahil sa goal na kailangang niyang isagawa, tiniis nalang niya ang lahat ng sakit. Kanina kabado na siya talaga ng makita kung gaano ito kalaki na isip naman niya na baka hindi naman nito ipapasok lahat tulad sa mga p*rn na panood niya na kalahati lang ang inilalabas masok, pero ang lalaking ito hindi na nga nag-ingat ipinag sagadan pa nito. Inutusan pa siyang kagatin ang braso nito na ginawa naman niya alang-alang sa sperm na kailangan niya. Pikit mata niyang tiniis ang sakit para lang sa goal na nais niya. Habang ito ay sarap na sarap siya naman ay parang gusto ng mawalan ng malay, pakiramdan niya pati itlog nito gusto na nitong ipasok sa kanya, alog na alog ang buong katawan niya pakiramdam niya makakalas ang buto niya sa singit sa bawat gigil nitong pag-ulos. Buti nalang talaga nilabasan na din agad ito kaya at nakatapos, after nitong labasan agad na itong nakatulog sa ibabaw niya habang na pumipitik-pitik pa sa loob niya ang sandata nito.
Parang hinihiwa ang katawan niya sa sakit pero kapag na iisip niya ang mukha ni Arianna, minumura niya ito sa pang-aagaw nito sa kanya ng mommy niya. Ang pagkasira ng buhay niya dahil sa pagiging subungera nito, kaya lahat ng sakit handa niyang tiisin ngayon wag lang talagang matuloy ang kasal nito at mapahiya sa buong mundo. Napalingon siya sa lalaking katabi napakaguwapo talaga nito jackpot talaga kapag na lahian talaga siya nito kaya kahit literal nitong winasak ang chipipay niya okay lang kapalit naman ay magandang lahi.
"Naku pasalamat ka guwapings ka, kung hindi putok sa aking ang nguso mo. Ngayon." napangibit pa si Maya na dahan-dahan na kumilos habang napapamura na bumaba ng kama, parang siyang tanga na paika-ika na nag punta ng banyo, damang-dama niya ang masaganang katas na inilabas lahat ni Alex sa loob niya kanina. At na iilang siya sa pakiramdam na basang-basa talaga siya, ngunit pag dating niya sa banyo akala niya katas parin ni Alex ang naagos sa hita niya pero nakita niyang hindi lang pala yun katas ng lalaki kundi dugo na din na marahil nasugatan talaga siya dahil sa ginawa nito.
Nilinis muna niya ang katawan at binalot ng puting robe ang hubad na katawan, kailangan niyang bumalik sa kama at matulog para kinabukasan pag magising ito. Pag-uusapan nila ang nangyari sa kanila at ipapakilala n'ya ang sarili niya bilang step-sister ni Arianna. Kinuha na muna niya ang cellphone sa bag niya para i-text kay Donna na mission accomplish na siya at mag pciture na rin syempre para ma isend nya kay Arianna.
Ngunit nag taka siya dahil sa sampung miscol ni Donne sa phone niya na inilagay niya sa silent mode kanina para walang abala sa kanila ni Alex. Napatingin siya sa rilo 1:30am na, tulog na kaya ito. Sinubukan niyang mag return call, hindi naman kasi ito tatawag ng 10 times kung hindi importante, naka ilang ring pa bago ito sumagot.
"MAYA! Anong ginawa mo?! Bakit hindi ka sumasagot?! Alam mo ba kung anong nang—” bungad agad ni Donna na halos sumigaw na kaya bahagya pang nailayo ni Maya ang phone sa tenga sa lakas ng boses ng kaibigan.
“Bakit ka ba sumisigaw?!” mahinang usal ni Maya saka napalingon sa tulog na lalaki.
“Nandito ako sa hotel, parang di mo naman alam ang ginagawa ko dito."
"Oh my God, Maya," bulalas pa nito na pasigaw uli, kaya naman nag salubong ang kilay ni Maya at kumunot na ang noo.
“Ano bang problema mo, Donna?" nagtatakang tanong ni Maya na biglang na alarma ng kumilos ang lalaki at dumapa ng higa.
"Bukas na tayo mag tsimisan, baka magising pa—."
“Sino?!” kumunot lalo ang noo ni Maya sa tanong ng kaibigan.
“Si Alexandro! Sino pa ba?… si Alex. Yung groom ni Arianna. Mission accomplished na ako girl, kaya bukas na ako mag kukuwento dahil ang sakit ng katawan lupa ko. Kailangan ko—." hindi na natapos ni Maya ang sasabihin ng marinig ang sunod-sunod na mura ni Donna na para na itong na wawala sa sarili.
“Hoy! Donna? Ano bang problema mo."
"Mayaaa!" usal pa ni Donna na parang lumong-lumo ang tono.
"Bakit ba kasi? Kinakabahan ako sa'yo?"
“Hindi si Alexandro ang groom ni Arianna, Maya… Oh my God, mali tayo!” pakiramdam ni Maya nanlamig ang buong katawan niya sa narinig.
“Anong… anong ibig mong sabihin? Hindi si Alex... Sigurado akong si Alex ang groom ni Arianna."
“Hindi! Nakita ko si Arianna kagabi bago ako umuwi sa amin, magkasama sila at ipinakilala pa niya sa akin si Alejandro ang fiance' niya." wika pa nito. Napalunok naman si Maya na napalingon sa lalaking natutulog sa kama.
"Yung lalaking nakita natin kagabi, si Alexandro! Magkapatid sila! Kuya siya ni Alejandro na fiance' ni Arianna. Malaki ang pagkakahawig nila ni Alejandro. Hindi siya ‘yung groom!”
Pakiramdam ni Maya may naugong na malakas na serena ng bumbero ang tenga niya. Ibig sabihin magkaibang tao si Alexandro at Alejandro. Pakiramdam niya gusto niyang mag-collapse ng mga sandaling iyon, paano na? Mission failed! Anong gagawin niya, hindi puwedeng mabuntis siya ng lalaking ito. Wala iyon sa plano, bakit nangyari na Alejandro ang pangalan ng fiance' ni Arianna. Samantalang naririnig niya sa usapan ni Arianna at ang bestfriend nitong si Jean ang pangalan na Alexandro Alex for short. Kilig na kilig pa ang dalawa kapag nag-usap. Bingi lang ba siya? Alexandro ba talaga ang nadidinig niya sa usapan ng mga ito baka naman Alejandro talaga siya lang ang nag assume na Alexandro na coincedentally na may tunay na Alexandro na kapatid din ni Alejandro.
“Maya? Are you still there? Maya!” tawag pa ni Donna pero hindi na niya magawang sumagot.
Unti-unti niyang iniangat ang sarili at lumingon sa lalaki sa kama. Ang sarap ng tulog nito halatang mahimbing ang tulog. Ang mga labi nito ay bahagyang nakabuka, at ang likod ay dahan-dahang tumataas sa bawat paghinga. Walang kamalay-malay sa gulong ginawa niya.
“Holy sh*t…” bulong ni Maya, sabay tuptop ng bibig niya. Ang mga kamay niya ay nanginginig sa sobran kabang nadarama.
“Mali… mali lahat…Paano to Donna. Uuwi na ako, babye muna."
Agad n'yang pinatay ang call at nag mamadaling kinuha ang damit sa sahig, at nagsimulang magbihis nang mabilis halos hindi na niya maisuot nang maayos ang dress niya sa sobrang taranta. Habang nag-aayos, paulit-ulit niyang iniisip ang kinasasangkutang gulo.
Paano kung malaman ng De Santibañez family ‘to? Paano kung malaman ni Arianna? Paano kung malaman ni Mama?
Hindi ito basta simpleng pagkakamali. Isa itong malaking kahihiyan, kasiraan at mahahalata na pinalano niya ang lahat. Okay lang sana na kung si Alejandro ito, kaya niyang harapin ang eksandalo at galit ng lahat pero kung ibang tao? Paano?
Dali-dali niyang kinuha ang bag niya. Bago umalis, tumingin siyang muli sa lalaki. Si Alexandro… hindi ito ang groom to be na kailangan niyang agawin. Sana lang hindi nito maalala ang mukha niya or sana sanay ito sa nga s*x and run or mga one night stand para wala siyang maging problema. Sandaling bumalik siya sa gilid ng kama at sandaling tumitig sa lalaki, umaasa pa rin siya na baka mali lang si Donna. Maitim at makapal ang pilik-mata mata nitong malalantik, matangos ang ilong, may maliit na hiwa sa dulo ng kilay na mukhang may hikaw na nakalagay dun na inalis lang nito.
At doon siya nakaramdam ng matinding takot. Hindi dahil sa lalaki. Kundi dahil sa sarili niya. Habang nakatayo roon, lalo nyang napagtanto na hindi nga ito ang lalaki sa picture sa kuwarto ni Arainna, although ang laki ng pag kakahawig ng dalawa sa unang tingin. Kaya pala hindi niya ito makilala kanina sa bar kasi hindi nga ito ang lalaki sa picture sa kuwarto ni Arianna kahawig lang talaga.
“Ano ‘tong ginawa ko?” mariin pang impit na tili ni Maya na natuptop pa ng dalawang kamay ang bibig. Nabitawan niya ang cellphone, pero agad din itong pinulot. Sa sobrang kaba, pinilit niyang magsulat sa maliit na notepad na nakita niya sa lamesa ng hotel saka nag mamadaling nag sulat.
Please don’t look for me. What happened last night was a mistake. I’m getting married soon, and I don’t want to ruin my future life or your future too. Forget me, just like how I’ll try to forget everything that happened. Thank you...
Kagat-labi niyang inilapag ang note sa mesa sa tabi ng kama. Huminga siya nang malalim saka nag mamadali ng umatras at malalaki ang hakbang na nag tungo sa pinto. Binuksan niya iyon saka dahan-dahan at halos walang ingay na lalabas pero bago siya makapag sarado ng pinto narinig niya ang ungol ni Alexandro na parang kinakapa pa nito ang tabi ng kama.
“Sh*t,” bulong niya saka mabilis na lumabas ng suite at halos takbuhin na n'ya ang elevator.
Kahit anong lamig ng aircon ng hallway ng hotel basang-basa pa rin siya ng pawis. Halos madapa pa siya sa pag mamadali habang papunta sa elevator. Todo pinipindot pa siya ng “Down” button nang paulit-ulit na parang nasa isang shooting siya ng horror film. Nang bumukas ang elevator, agad siyang pumasok, at nang magsara ito, saka lang siya nakahinga ng maluwag na sapo pa ang dibdib na na sumandal sa wall ng elevator. Sa sobrang kaba niya kahit anong sakit ng gitna niya pakiramdam niya nalimutan na niya pero ngayon dama niya ang kirot nun ngayon. Agad niyang kinuha ang cellphone niya ng tumunog iyon at si Donna ang nag text.
“ Maya, please call me. You need to leave. Now! Baka makita ka ni Arianna, nandiyan sila sa hotel na ‘yan. Mag-aasikaso sila ng prenup! Tiyak isusumbong ka nanaman nun sa mama mo." muntik ng malaglag nanaman sa kamay niya ang cellphone sa nabasa. Bakit naman inuulan siya ng kamalasan ngayon. Siya pa ba ang kinakarma, e wala pa nga siyang ginagawang masama? Bakit naman ganun.
“Hindi… hindi puwedeng totoo ‘to…Kainis! Kainis!" tili na ni Maya na sapo na ang ulo. Bago bumukas ang elevator sa lobby, pinilit niyang ayusin ang buhok at mukha niya at nagpanggap siyang kalmado, pero ang kamay niya ay nanginginig pa rin. Nag lakad siya ng deretso at tinitiis ang matinding kirot ng gitna niya.
Paglabas niya, diretso siya sa exit pasakay na siya sa kotse niya natanaw pa niya si Arianna sa lobby at kasama ang isang lalaking maayos ang kasuotan at kamukha ng lalaking nakatalik niya kanina lang. Parang gusto niyang maiyak sa galit at sugurin na lang ito at sabunutan. Hindi niya alam kung ano bang kasalanan niya bakit siya kinakarma, bakit binagyo siya ng kamalasan. Dahil ba ginagamit niya ang mga lalaki para sa convenient n'ya. Pinarurusahan na ba siya ng langit dahil sa ginagawa n'ya sa mga lalaki?
Habang papalayo ang kotse niya sa hotel, hindi niya mapigilan ang mapaluha. Naramdaman niyang humahapdi pa rin ang p********e niya, pero mas masakit ang loob niya dahil sa kapalpakan na ginawa niya. Hindi lang siya nagkamali ng plano.
Nagkamali pa siya ng tao. At sa maling taong ‘yon, iniwan niya ang bahagi ng sarili niya na hindi na niya mababawi at malaki ang chance na dalahin niya ang bunga ng kagagahan niya.
-
-
-
-
-
"Delete all of them at kapag meron nang hingi ng footage ikaw na ang bahalang mag gawa ng alibi." utos ni Arianna sa head ng security ng hotel na pag-aari nila.
"Masusunod po ma'am."
"Thank you! Ayoko lang na mag cause ng gulo ang kapatid ko sa kasal ko." tumango muli ang head ng security.
"Considered it done ma'am Arianna." muling sagot nito.
"Love," napalingon naman si Arianna sa nobyo saka senenyasan ang security na umalis na.
"What's wrong?"
"It's nothing Aly, medyo may problema lang daw sa mga CCTV camera namin dito sa hotel. Inaalam pa ng security department." pag sisinungaling ni Arianna.
"Let's go! It's really late, ihahatid na muna kita sa suite mo bago ako umalis, may flight pa ako for Toronto bukas." tumango naman si Arianna na sumunod humawak na sa kamay ng nobyo saka sila sumakay ng elevator.
"Nga pala nandito na pala sa bansa ang Kuya Alex?"
"Huh! Kelan dumating?"
"Hindi ko alam, binanggit lang sa akin kanina sa lobby, naka check in siya rito sa favorite spot niya." tumango naman ito.
"Are you paying him a visit?" tanong ni Arianna na sinagot naman ni Aly ng iling.
"Some other time nalang it's almost morning, mapapagalitan lang ako nun kapag binubulabog ko pa ang tulog nun. Tatawagan ko lang siya mamaya." ngumiti naman si Arianna na tumango saka ngumiti na tumingin sa reflection nya sa salamin.