My eyes bleed into tears, until I realized that God is still in control. Nang humarorot palayo ang sasakyan ni Josh, hindi ko na mapigilan ang umiyak ng malakas. I know this is better. I know that God wants me to do it, even so, ang sikip-sikip ng dibdib ko sa sobrang sakit.
Breaking up with Josh had the same impact when my parents died. Honestly, mas masakit pa yata ngayon.
Napasandal ako sa malapit na poste sa parking space. Pakiramdam ko nasa loob ako ng isang drama serye, at ako yung bidang babae na iniwanan ng kanyang boyfriend. Kaya lang, ako yung nakipagbreak. At ako nga ang mas nasasaktan.
Iyak ako ng iyak at wala akong lakas para umalis sa lugar na yun. May iilang tao na rin ang napadaan ngunit hindi ko ininda ang hiya. Ang alam ko lang, I'm so broken to a point that I don't know what to do next.
Lord, I finally did it. Is this what You want? I did it. But why does it hurt so much?
Halos nahihirapan na akong huminga sa lalim ng aking pag-iyak.
Goodbye, Nao.
Hindi ko na ba makikita si Josh pagkatapos nito? Pwede bang magkita kami kahit break na kami? Pwede bang ganun?
Napaubo ako sa pag-iyak, kaya naman napaupo na ako sa floor at hinalungkat ang shoulder bag ko. Hinahanap ko ang aking panyo. Nang makita ko na ang panyo ay biglang may humintong sasakyan sa harapan ko. When I look up, nagulat ako ng sobra at napahinto ng tuluyan sa pag-iyak.
"Cruel girl. You're the one who wants breakup, and yet you cry like this." He says while taking out his handkerchief, then he uses it to gently wipe my tears. I look at him and when I feel his fingers on my face, I feel his warmth. I know he's real. Not just my imagination.
"B-bakit ka bumalik?" Naiiyak kong tanong kay Josh. He wasn't looking at me though. He's busy wiping my tears. "Hindi mo ba na gets, nakipaghiwalay na ako sayo."
But he stopped when I asked him. He looked at me.
Matagal din bago siya muling nagsalita. He kept on staring at me until I felt my foolish heart thumping hard like a wild pet.
"I know." He only said. My sadness is reflecting on his eyes.
"Bakit ka nandito? Wala ng kasalang mangyayari. Ayoko na. Wala ng tayo, Josh. Tanggapin na natin, pakiusap. Wag mo na akong pahirapan." Naiiyak ko pa ring explain sa kanya.
Ang lalim ng buntong-hininga niya. And I know he's also having a hard time accepting it, hindi niya lang masyadong pinapakita.
"You missed one thing, Nao." Malungkot niyang sabi. Hindi na niya pinupunasan ang luha ko. He's doing nothing anymore, except staring at me. Nagtaka ako. Isn't he mad?
He added, "I was your brother first before I became your man."
Parang tumigil ang mundo ko sa pag-ikot when Josh said that, and suddenly, I felt like I was a bad girl.
"I understand why you're breaking up with me, Nao. I made it hard for you, didn't I? Know this Nao, you can break up with me as your lover, but you can never run away from me as your brother. Because Nao, you and I are family."
Just then, I found myself crying all the more.
"I'm sorry that I left you earlier." Yun ang huling salita na narinig ko mula kay Josh. Then he helped me get in on his car.
Lord, why can't it be? Why can't he be a Christian, why can't he accept You on His own?
SA BAHAY ni Josh pa rin ako tumuloy. Wala din naman akong matutuluyan. At tama siya, kahit maghiwalay man kaming dalawa, I can't refuse the fact that he was my guardian once. At siya lang ang tanging pamilya na maituturing ko. I can't deny that fact. In the end, hindi ko siya maiiwasan.
That night, hindi kami sabay kumain ni Josh. Masakit daw kasi ang ulo niya at gusto ng magpahinga ng maaga. Sina Manang Greta na lamang ang kasabay ko. Hindi ko na rin kinulit si Josh na bumaba upang kumain kasi alam kong iniiwasan niya lang ako. After all, we just broke up. I know na ako ang dahilan kung bakit masakit ang ulo niya.
"Miss Naomi, pinapatapon ni sir Josh ang wedding brochures kanina. Anong nangyari?" Tanong sa'kin ni Manang Greta habang kumakain kami sa hapagkainan.
"H-hindi ba sinabi ni Josh sa inyo, Manang?" Nagtataka kong tanong.
"Naku hindi, eh. Tinanong ko siya kung bakit, pero uminit ang ulo at hindi naman sumagot. Kaya yun, tinago ko muna ang brochures sa kusina kasi baka hanapin mamaya."
"Tinapon ko na po yun, Manang. Nagkataon na narinig ko ang usapan niyo ni sir Josh, kaya ako na lang ang naglakas-loob na gumawa." Biglang sabat ni Cyrus, yung bagong driver. Kasabay din kasi namin siyang kumakain. Usually, pag kasabay ko si Josh hindi talaga siya nagpapasabay ng kain sa mga katiwala. Pero kapag ako lang mag-isa, niyayaya ko silang sumabay. Noon kasali din sina Manang Lydia at Mang Edwin, kaso lumipat na sila sa kanilang bahay simula ng magkasakit si Mang Edwin.
"Ano bang nangyayari, hija?"
"Wala na po kasing kasalan na magaganap, Manang. Kaya yun." Sinagot ni Cyrus ang mga salitang hindi ko mabigkas. Halos mailuwa naman ni Manang Greta ang kanyang mga mata sa gulat.
"Susmeta, wala ng kasalan? Bakit ganun at wag kang sasagot Cyrus ha, kanina ka pa singit ng singit, eh!" Hiyaw ni Manang habang inirapan ang binata.
"Kanina niyo pa kasi ako ine-exclude sa conversation niyo, kaya ako na lang ang sumisingit." Explain naman ni Cyrus.
"Totoo ba, miss Naomi? Hindi na matutuloy ang kasal niyo ni sir Josh? Bakit naman?"
"Mahabang estorya po, Manang. Sa susunod ko na lang po iexplain, busog na kasi ako at pagod. Gusto ko ding matulog ng maaga." Sabi ko habang tumatayo. Katatapos ko lang ng pagkain ko.
"Brokenhearted yan, kaya maagang matutulog." Narinig kong komento ni Cyrus. Hindi ko na lang pinatulan dahil tumungo na ako sa kwarto.
I found myself standing in front of Josh's room. Gusto ko sanang kumatok at tingnan kung ano ang kalagayan niya. Sabi ni Manang Greta sumakit na naman daw ang ulo niya.
Kakatok sana ako pero naalala ko na kahihiwalay ko lang sa kanya. Malamang masakit pa para sa kanya ang makita ako. Pero hindi ako mapalagay hanggat hindi ko alam kung okay lang siya, hindi niya kasi pinatawag si Dr. Lee kanina.
Kahit hindi ko siya makita, siguro dapat itext ko man lang. Nag-aalala din ako. Hinablot ko ang phone mula sa pants ko at nagtype ng text para kay Josh.
Me: Gising ka pa ba?
Matagal-tagal din akong naghintay sa reply ni Josh. Kalaunan, sumuko na rin ako at tumalikod na upang umalis nang biglang nag beep ang phone ko.
Si Josh, nagreply!
Josh: Yes. Why?
Me: Masakit daw ang ulo mo sabi ni Manang Greta. Sorry Josh, kasalanan ko ba?
Josh: Don't say sorry.
Magtataype na sana ako ng reply, nang biglang nag popout muli ang kasunod na text ni Josh.
Josh: And one more thing, stop calling me Josh. Let's go back to what we were once. Call me KUYA.
CALL ME KUYA.
Sa text niyang yun, biglang kumirot ang puso ko.