"Ba't ang daming tao?" Naiilang na tanong sa'kin ni Josh nang makapasok kami sa lobby ng church. It was a Friday night, ang gabi na inaabangan naming Youth Fellowship Night kung saan may mga dayong missionary team mula sa Canada. Maraming tao ngayon, pero halos lahat ay mga kabataan: high school at college students. May mga youth leaders rin mula sa ibang simbahan, at mga young couples. Gaya ng napag-usapan, niyaya ko si Josh sa fun night at masaya ako sapagkat pumayag siya. I invited him many times before pero ngayon lang niya pinaunlakan. Lord, may magandang dulot din pala ang pagkakaroon niya ng deperensya sa mata. Hindi naman sa kinatutuwa ko ang posibleng pagkabulag ni Josh, pero in one way or another, it's a blessing in disguise. Sa maraming pagkakataon, ang mga problema ay nagdud

