"This is Mr. and Mrs. Manseras, Josh. Sila ang parents ng donor, Mary Manseras." Pakilala sa'min ni Dr. Lee kinabukasan. "Hi, I'm Josh. And this is Naomi." Nakipag-handshake naman si Josh sa mag-asawa at ganun din naman ako. Matipid na nakangiti si Mrs. Manseras habang si Mr. Manseras ay walang imik. Sabay na kaming umupo sa harap ng table ni Dr. Lee. Natutuwa ako at nakipagkita talaga sila sa'min, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahin. "Anak namin ang may gustong idonate ang mga mata niya in case may mangyari sa kanyang operasyon." Panimula ni Mr. Manseras at mataman na nakatingin kay Josh. "When we listed her name on the donors' list, kinontak kami ni Dr. Lee, informing us na good match ang mga mata niyo. Well, it's good to know personally kung sino man ang makakatanggap sa cornea ni

