MARTA'S POV Dear Lord, lately hindi ako mapalagay sa kaiisip at kawo-worry. Hindi pa kasi gumigising si ate Naomi hanggang ngayon. Hanggang kailan po ba siya tulog? Sana po wag Niyong patagalin. Marami po ang naghihintay sa pag gising ni ate Naomi, lalo na si kuya Josh. Naniniwala po ako sa paniniwala ni ate Naomi, na may pag-asa pang magbago ni kuya Josh no matter what the people say. Kawawa naman po si kuya Josh kung mananatili siyang ganun. Ang hiling ko sana ay ipagpatuloy ang dalangin ni ate Naomi nung gising pa siya: Baguhin Niyo po si kuya Josh. Gaya ng paggamit Niyo kay ate Naomi, gamitin Niyo din po ako na maimulat kay kuya Josh ang Iyong katotohanan. Kahit sa konting paraan lamang. Hindi po kami ni ate Naomi ang makakapagpabago sa kanya, tanging Ikaw lamang. At hindi po kami

