MARTA'S POV I'm Marta. Isa ako sa mga kabataan ni ate Naomi sa kanyang cell group. Ako rin ang pinakamatagal na youth sa kanyang poder. Ang iba kong kasamahan noon ay unti-unti nang nawawala. Ako na lang ata ang natira sa batch ko, hanggang sa dumating na sina Alexis, Jude, at iba pa. Lately, hindi na namin masyadong nakakasama si ate Naomi. Minsan na lang din kaming nagkakaroon ng spiritual discussions. Miss na namin siya, sobra. At mas lalong namiss namin si ate Naomi nung maghiwalay sila ni Mr. Pogi. At first talaga, nasasayangan ako sa relasyon nilang dalawa. Gusto ko din naman si Mr. Pogi para kay ate Naomi e, kaya lang hindi naman pwedeng ipilit ang hindi dapat. May magandang epekto rin naman ang breakup nila. Kasi mas nabibigyan kami ni ate Naomi ng oras. Mas blooming din si at

