Chapter 51: Revelation

1248 Words

"This will sting," malumanay na sabi ni Sophie bago idinampi sa sugat na nasa gilid ng labi ni Tyrone ang bulak na may alkohol. "Ouch!" reklamo nito, bahagya pang inilayo ang mukha. "S-sorry," sabi niya bago dinahan-dahan ang paglilinis sa sugat ng kaibigan. "Hindi mo na lang sana kasi pinatulan. Alam mo namang pagdating sa 'yo, mainit talaga ang dugo ni Rob." Hindi sumagot si Tyrone. Ibinaling lang nito ang tingin kay Will na naroon din sa sala malapit sa pinto, matamang nakamasid sa kanilang dalawa na nakaupo sa mabahang sofa. Bumaling siya kay Will. "Puwede bang sa labas ka muna, Will?" paki-usap niya. "I promise I'll be fine," dugtong pa niya. Sandaling nag-atubili si Will, sa huli ay tumango rin. "I'll be right outside the door," anito bago tuluyang lumabas ng apartment ni Tyrone

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD