Pagdating sa suite ng binata bumangad kay Ava ang katahimikan, kahit papano'y naging magaan ang kanyang pakiramdam sapagkat nakilala na niya ang kanyang Ama, Tama nga ang kanyang kutob o isang lukso ng dugo na sinasabi ng iilan. Nilapag niya ang kanyang pinamili sa kusina at nagtungo sa silid mamaya na malang siya magaasikaso sapagkat hindi na talaga kaya ng kanyang mga mata ang labis na antok. Ipinikit niya kaagad ang kanyang mga mata lumipas ang ilang sandali kaagad ring hinila ng antok si Ava. Nagising si Ava sa isang kaluskos na nanggagaling malapit sa pinto tumayo siya at binuksan iyon bumungad sa kanya ang isang lalaki hindi niya matukoy kung si Jacob ito o hindi agad syang napaatras ng makita na may patalim ito sa kanang kamay. Mas binilisan pa ni Ava ang pag atras upang hin

