Nang madala siya sa presinto agad nyang tinawagan si Sam at Adam upang puntahan ng mga ito si Ava gusto nyang malaman kung ano ng nangyari sa dalaga at para masiguro at makampante siya. Halos wasakin niya ang buong presinto upang makabalik roon, gigil na gigil syang nakahawak ngayon sa rehas gustong gusto na nyang makalabas at puntahan si Ava ngunit kailangan muna dumaan ang lahat sa tamang proseso. Nahagip ng mata niya ang isang babae luhaan ang mga mata at naghehesterya sa galit, nang magtagpo ang mata nila hindi ito nagpapigil at kaagad na lumapit sa kanya. "Why did you killed my sons?" Sigaw na bungad nito sa kanya, galit na galit itong inabot siya ngunit dahil sa rehas hindi ito makalapit. "I just did the right thing!" Aniya sa malamig na tinig. "Right thing?" sarkastimong ani nito

