Chapter 5

4503 Words
Tahimik lang si Ava habang lulan ng private plane. Nalulungkot siya ng hindi niya mawari siguro'y dahil sa pabalik na siya ng Pilipinas at hindi na muli pang makakatapak ng ibang bansa ngunit kahit ganoon naging masaya sa huling mga sandali, nakita at nasaksihan niya kung paano naging kakaiba ang ugali ng binata mula sa pagiging malupit at walang awa nito patungo sa isang ordinaryong tao. May ganoon rin palang tinatago si Jacob siguro nga'y masyado lang itong subsob sa trabaho at nakalimutan ang sarili na bigyan ng laya. Kahit na malungkot na nilisan ang Singapore masaya naman siya sa saksihan sa kasama. Apat na oras ang byahe mula Singapore patungong Pilipinas ngunit tila'y napakabilis lang dahil kalalapag lang ng kanilang sinasakyan sa NAIA airport, bumaba ang binata at sumunod siya. Nakaabang na sa kanilang pag dating ang dalawang itim na sasakyan. Lumapit ang binata sa kanya at may inabot nang tanggapin ni Ava at tingnan nakita nyang Cheque ito. "Ano ito?" Aniya. "That's for the trouble I made in your life Ava, you're free now." "Huh paano diba sabi mo magpapa DNA test pa tayo isa pa hindi ko kailangan nito?" "No need, accept it Ava."Anito ng hindi siya tinitingnan. "This the car that will take you to where you will stay." Tukoy nito sa isang sasakyan. Parang may kumurot sa puso ng dalaga sa totoo lang ayaw nyang mawalay sa binata ngunit wala syang magawa dahil sa katotohanang hindi puwede. "Okay thank you!" Akmang papasok na siya ng hawakan siya nito sa braso ngunit hinintay niya itong pigilan siya ngunit walang lumabas sa mga labi nito na kahit isang salita sa huli binitiwan siya ng binata at lumakad patungo sa isang sasakyan. Umalis ito at sumakay ng walang lingon sa kanya tanaw na niya ang sasakyan nito palayo, nagbalik lang sa realidad ang isip niya ng magsalita si Ben. "Get inside Ms. Ava" utos nito sa kanya at binuksan ang pinto pumasok siya saka ito umikot sa passenger seat. Nakarating siya sa apartment binuksan ang ilaw, sobrang tahimik kung ano yung itsura nito ng iwan niya ganoon rin kapag balik niya ano pabang aasahan niya gayong siya lang naman ang nakatira rito. Nagtungo siya sa banyo at nagpalit ng damit bigla syang nakaramdam ng lungkot, kaya ang ginawa niya inayos nalang nya yung mga damit na binili sa kanya ng binata sa ganoong paraan hindi niya maisip ang binata. Bukas na bukas luluwas siya ng Sagay Bacolod upang puntahan ang ina malungkot man na iwan ang Maynila at ang binata ngunit mas mahalaga sa kanya ang ina, hindi na rin siya aakyat ng stage upang tanggapin ang diploma. Nang mapagod sa paglilinis si Ava agad rin siyang nakatulog dala ng jetlag nang magising kinabukasan nagtungo siya sa airport at bumili ng ticket. Hindi niya ginalaw ang binigay sa kanya ng binata itatago nalang niya iyon at kung may pagkakataon na magkita silang muli ibabalik niya iyon sa binata. Nang maging maayos na lahat mula sa pag check ng luggage hanggang sa ticket sumakay narin siya papasok ng airplane. Mabigat ang kanyang pakiramdam sa pagalis ngunit may kanya kanyang buhay sila na dapat unahin. Sa kaunting panahon na nakasama ang binata nahulog na ang loob niya rito na hindi naman dapat ngunit sa kanilang dalawa mas higit ang kanyang pagkatalo. Gaya nga ng sabi ng mga kaibigan nito "He's a womanizer" Nabanggit rin ni Rob na may kasintahan ito at siya, naging kasiyahan lang ng binata ng panandalian. Nang lumapag ang ereplanong sinasakyan walang inaksaya sandali si Ava at nagtungo sa kanyang ina kung saan ito na confine, Nang makita ito sa kalagayan parang ulan na bumuhos ang mga luha ni Ava sinisi ang sarili na, ganito ang itsura ng habang nagpapakasaya siya, Halata na pumayat ito, lumalim ang mga mata at maaaninag dito na may karamdaman itong malala. Tulog ang ina ng pumasok si Ava kaya pigil niya ang iyak upang hindi ito magising. Nagulat si Aling Tess ng mabungaran si Ava, lumabas sila ng silid dinala siya nito sa hallway. "Hija, kumusta ka?" Hawak nito sa kamay niya "Ayos lang ho." "Bakit ngayon kalang pumarito?" "Marami hong nangyari habang nasa maynila ako." "Ay oo sabi ng pumunta dito hindi ka daw makakapunta sapagkat busy ka sa pagasikaso ng iyong pagaaral." Si Ben siguro ang tinutukoy nito. "Opo ganoon na nga." Iwas niya ng tingin sa ginang. "Nobyo mo ba iyon Ava? Napaka gandang lalaki, siya ang nag asikaso sa ina'y mo." Gulat napalingon si Ava rito. "Ano pong pangalan?" "Jacob, bumisita siya rito at binigyan ng magandang silid ang ina'y mo binayaran narin nito lahat ng bills at mga kakailanganin, umukupa rin ito ng private doctor and nurse." Naluha si Ava sa tinuran ng magulang hindi niya akalain na gagawin ito ng binata. "Bakit ka umiiyak hija." Tanong nito sa kanya. "Wala po masaya lang ako dahil may mabuting tao na pinadala satin ng diyos." "Oo nga maski ako nakahinga ng maluwag na wala na tayong dapat isipin." "Magpapahinga po muna ako Aling Tess, mamaya babalik ako dito upang magbantay, marami pong salamat sa kabutihan niyo, abot niya rito ng sobre. Kahit papano'y may naipon siya na kunting halaga, yung pera ni Rob hindi niya gagalawin at ibabalik niya yun sa binata dahil pagaari nito iyon. "Sige hija mabuti pa nga ako muna ang bahala dito." Nagpaalam na si Ava sa ginang. Uuwi muna siya sa kanilang bahay. Nang makarating sumalubong kay Ava ang kalungkutan ng buong paligid, nagtungo siya sa silid ganoon parin ang ayos nito. Humiga siya sa kama at napatitig sa kisame, naalala ang binata. "Salamat Jacob!" Usal niya sa isip. Lumipas ang araw at naging linggo, Sa araw araw na nagdaan naging pangalawang tahanan ni Ava ang hospital. Sabi ng private doctor matatagalan bago makahanap ng kidney donor kaya maghihintay pa sila ng ilang buwan, buwan na puwede maging taon kaya habang wala na kailangan ng ina na magdialysis. Iyak lang ang tanging sagot ni Ava sa lahat ng narinig sa doctor. "Gawin niyo po ang lahat." Pakiusap niya rito. "Don't worry Ms. Ava I assure you, If you'll excuse me" Anito at nagpaalam na. Napahawak siya sa kanyang sintido sumasakit ang ulo niya. Ilang linggo na pala simula ng umalis siya sa poder ng binata, kumusta na kaya ito? Pumasok siya sa silid ng ina, hinawakan niya ang mga kamay nito. "Magiging maayos ka rin Nay wag kang magalala gagawin ko ang lahat." Aniya. Ayaw ni Ava na makita siya ng ina na umiiyak o kaya naman ay nahihirapan hanggat maaari iniiwasan niya ang mga bagay na lalong nagpapalala ng kondisyon nito. Lumapis ang linggo at naging buwan patuloy parin sa gamotan ang kanyang ina, nauubos na ang kanyang naipon, naisip niya ang pera ng binata ngunit ayaw niya itong galawin kasalukuyan siya ngayong nasa Supermarket upang bumili ng mga kakailanganin nila ng kanyang ina, Napadaan siya sa isang bookshelf naagaw ng atensyon niya ang isang magazine. Kinuha niya iyon sapagkat nakita niya ang binata sa front page nito, kumabog ng mabilis ang puso niya. Kita niya ang pinagbago nito sa ilang buwan na lumipas naging maayos narin ang company nito sa lahat ng bansa at ngayon tanyag na ito. Bigla si Ava nakaramdam ng pait, napabuntong hininga siya sobrang layo talaga ng binata sa kanya at kay hirap abutin. Nilapag niya ang magazine, nagtungo siya sa mga pakay. Anim na buwan simula ng maghiwalay sila ng landas anim na buwan narin nararamdaman ang kirot sa kanyang puso, sa maikling panahon na nakasama ito nahulog ang puso niya rito. Ngunit kung anong ikinasaya niya ganoon rin ang sakit na mawalay rito hindi niya masabi sa binata dahil natatakot siyang mareject. Nasa counter na siya ng mag ring ang telephono niya ng makita si Aling Tess agad niyang sinagot, "Hello Aling Tess, bakit po kayo napatawag?" Biglang nanlamig ang buong pagkatao ni Ava sa narinig sa kabilang linya. Hindi kaagad siya nakapag react sa sinabi nito tila nawalan siya ng boses naninikip ang dibdib niya. Dali siyang nagbayad at iniwan ang mga pinamili, nagmamadali syang tinungo ang hospital lakad takbo ang ginawa niya upang makarating agad halo halo ang nararamdaman niya ngunit pinatibay ang kalooban, nakarating siya sa hospital ng hindi niya alam kung paano lutang na lutang ang isip niya. Nang makita si Aling Tess agad syang sinalubong nito ng iyak, humagulgol ito sa harapan niya at niyakap siya. "Anong nang...nang.. nangyari Aling Tess, kumusta ang inay? Ngunit hindi agad nakasagot, "Sagutin moko anong nangyari, bakit?! Sigaw niya dito. Nagtungo siya sa silid ng ina at iniwan ang ginang malayo palang si Ava kita na nya na nagkakagulo ang mga doctor, tila napako ang mga paa niya hindi niya maigalaw palapit sa ina. Nanghihina ang mga tuhod at nanginginig ang buong katawan, sobrang sakit ng dibdib niya gusto nyang umiyak ng mga sandaling ito ngunit kahit duguan ang puso niya ayaw pumatak ng kanyang mga luha pakiramdam niya naging manhid ang buong katawan niya, natulala siya sa kanyang harapan at sasaksikan kung paano nirerevive ang kanyang ina. "Time death 12:30am" Sa narinig na hatol ng mga doctor tila doon na nagbalik ang kaluluwa ni Ava, naramdaman niya ang sakit, matinding sakit. "Hindi, nanay wag po pakiusap, Doc ulitin niyo gawin niyo ulit baka sakaling magising si nanay, pakiusap!!" Parang agos ng isang ilog ang kanyang mga luha, sabay sabay itong nagbagsakan. "I'm sorry Ava but her body can't survive, let her rest" Anito at iniwan na siya. Ang sakit, sobrang sakit wala ng mas sasakit pa na mawalan ng isang mahal buhay. Lumapit siya sa ina at niyakap ito doon binuhos lahat ng hinagpis at sakit. "Nanay bakit po, paano na ako? Gumising ka pakiusap. Wag mokong ganituhin nanay, bakit hindi mo hinintay na makahanap tayo ng donor, diba sabi ko sayo magpalakas ka dahil pupunta tayo ng Singapore, umalis lang ako saglit nay, bakit po, hindi ko kaya nay pakiusap wag mokong iwanan" kausap niya rito ngunit walang sumagot sa kanya. Hindi siya makahinga sa sobrang sakit nanlalabo ang kanyang mga mata. "Diyan kalang nanany ah gagawa ako ng paraan" Lumabas siya ng silid at pumunta sa nurse station wala na siyang paki kung pinagtitinginan na siya ng mga tao naghahanap siya ng mga doctor. "Asan ang doctor dito bakit hindi niya inaasikaso ang nanay ko!" Sigaw niya. "Ms pakiusap wag ka dito magiskandalo." Kausap ng nurse sa kanya. "Manahimik ka hindi ikaw ang kailangan ko, buhay ng nanay ko ang nakataya dito." Singhal niya. "Ms. Ava wala napo ang nanay niyo hinatayin niyo nalang yung funeral na kukuha sa kanya." Lumapit siya rito at sinampal. "Isa kapa manahimik ka, doctor ang kailangan ko hindi kayo!" Aniya, susugod sana ang huli ngunit may humawak sa braso nito. "I can handle this." Lumapit ito sa kanya. "Doc Choi, may pera ako, madami akong pera, pakiusap gawin mo ang lahat diba yun ang sinabi mo, babayaran kita, magkano ba?" Hindi ito sumagot sa sinabi niya bagkus palad nito ang tumama sa kanyang mukha. "Wake up Ava you're mother is dead accept it, hindi mabibili ng pera mo ang buhay ng isang tao!" Tila doon na natauhan si Ava na wala na talagang pag asa pa, wala na ang inay niya, may humawak sa braso niya palingon siya rito agad niya itong niyakap ng makita si Aling Tess. "Tanggapin mo na hija, hayaan na natin syang makapag pahinga." Anito. "Hindi ko kaya, hindi ko matanggap." Umiyak siya rito ng umiyak naninikip ang dibdib niya, maya maya pa'y bigla nalang syang kinapos ng hininga ang sakit ng dibdib niya. "Hindi ako makahinga Aling Tess" Aniya, tiningnan siya nito at hinawakan sa braso ng makitang iba na ang itsura ni Ava nagtawag ito ng doctor. Naramdaman nalang ni Ava na lumutang ang kanyang mga paa at inihiga sa stretcher pagkatapos nilagyan ng oxygen, huling mga alaala ni Ava bago siya mawalan ng malay. Nagising siya na puting kisame ang nabungaran, sa gilid nakita niya si Aling Tess, nang maalala ang nangyari napabalikwas siya ng bangon, nagulat si Aling Tess sa ginawa niya. Agad syang tumayo kailangan niyang maasikaso ang ina hinanap niya ito ngunit ayon kay Aling Tess kinuha na ng funeral, nanghihinang napaupo siya sa hsopital bed. "Kailangan mo ng sapat na lakas Ava para maasikaso mo ang iyong ina sa susunod na araw." Anito. Tango lang naisagot niya, wala syang gana na kumausap o magsalita man lang. Nahiga siyang mula, wala na talaga ang Nanay Maya niya kailangan na niyang tanggapin. Tumagilid siya ng higa doon hinayaan maglandas ang kanyang mga luha at umiyak ng tahimik. Hindi parin siya makapaniwala sobrang bilis ng mga pangyayari, sa burol ng ina muling nagbagsakan ang mga luha ni Ava, pakiramdam niya'y wala siya sa sarili sa mga nagdaang araw na nakahimlay ang kanyang ina. Hindi niya alam kung paano at kung saan magsisimula gayong wala na ito. Kasalukuyang syang nasa silid ng ina inaalala ang mga bawat sandali nila na magkasama. Humiga siya sa kama nito, patuloy sa pag agos ang kanyang luha na walang patid, yakap yakap ang litrato nito na sa ganoong paraan naiibsan ang sakit. "Nanay patawad sa lahat ng pagkukulang ko, patawad sa lahat pakiusap bumalik kana sakin, hindi ko na kaya!" Hagulgol niya. Napansin niya ang isang drawer na kahit kailan pinagbawalan siya ng ina na galawin ito, natungo siya doon at binuksan sinara niya ulit sapagkat puro papel lang ang laman. Ngunit agad rin binuksan ng mapukaw ng atensyon niya ang isang litratpo at liham. Habang binabasa ang nakasulat parang nanikip ang dibdib ni Ava, mas lalong nadagdag ang sakit dahil sa nakapaloob sa liham napaupo siya sa sahig tila hindi makapaniwala, aguunahan tumulo ang mga luha niya. "Bakit nay? Bakit nagawa mo sakin magsinungaling, aaaaaaahhhhhhhhh, ang sakit sakit!" Sigaw niya dahil kung hindi niya gagawin yun at patuloy lang kikimkimin pakiramdam niya'y mababaliw siya. Agad na bumukas ang pinto nakita siya ni Aling Tess at agad lumapit sa dalaga. "Anong nangyari hija." Alo nito sa kanya. "Ang sakit sakit po!" Niyakap siya ng ginang "Sssshhhuuuu sige iiyak mo lang hija ibuhos mong lahat lahat lagi mong tandaan na hindi ka nagiisa nandito ako para sayo!" Anito. Sa sinabi nito'y kumalma si Ava laking pasasalamat niya at nandito ang ginang. "Kung ano man ang nalaman mo ngayon na isirekreto sa iyo ng iyong ina malamang para iyon sa iyong kapakanan." Mahabang litanya nito. Dinala siya nito sa kama tahimik lamang si Ava tila ayaw ng magsalita o wala ng ganang makipagusap sa mga tao, pinahiga siya ng ginang. "Magpahinga kana muna at ako ng bahala sa lahat, ilang araw ka ng kulang sa tulog." Tumango si Ava, nagpaalam narin ang ginang sa kanya. Gabi na ng magising si Ava, nandatnan niya ang ginang na abala sa pagaasikaso sa mga bisita. Nakapaligo at nakapag ayos narin siya, lumapit siya rito. "Ikaw naman po ang magpahinga at ako naman po dito, wag kayong magaalala ayos napo ako." "Mabuti naman kung ganoon labis labis na akong nagaalala sayo." Pakiramdam ni Ava nawalan siya ng gana sa lahat mula sa pakikitungo, pakikipagusap. Tahimik lamang siyang nagmamasid sa mga bisita na dumarating at umaalis kung sakali man na may nagpaabot ng pakikiramay tango lamang ang isinasagot niya. Lumipas ang tatlong araw na nakahimlay ang ina, paulit ulit lamang ang mga nangyayari at sa araw ng libing nito bumuhos mula ang masaganang luha sa kanya mga mata. "Paalam nanay, Maraming salamat sa lahat hanggang sa mula nating pagkikita!" Natapos ang seremonya ng libing at nandoon parin si Ava, ayaw nyang umuwi sa kanilang bahay sapagkat malulungkot lamang siya, mas mabuti na rito kahit paano'y kasama ang ina, naglagay siya ng sapin at nahiga. Hindi namalayan ni Ava na nakatulog siya hapon na ng magising niligpit ang mga kalat sa puntod ng ina, "Lagi kitang dadalawin rito, sa ngayon kailangan ko munang umuwi." Kausap niya sa puntod. Maya maya lang napaangat ng tingin si Ava sa sapatos na nasa kanyang harapan, gulat siya ng makita si Ben, tama si Ben. Biglang bumangon na pakiramdam sa dibdib niya agad siyang napatingin sa likuran nito. "Mr. Raven extends his condolences to you, I'm sorry about what happened." Hindi niya ito pinansin. "Kasama mo ba siya?" Tanong sa lalaki. "He's on Paris." Anito, biglang nawala ang panandaliang saya ng malaman na wala ito bansa. "Mr. Raven gave you this read it." Abot nito sa isang liham agad niya itong tinanggap at binasa, nanlaki ang kanyang mga mata at napatingin sa lalaki. "Mr. Raven doesn't want to have any connection with you anymore, whatever you started in Singapore, put it into oblivion." Muntik na malukot ni Ava ang papel parang may kumurot sa puso niya sunod sunod na bumabagsak na tila bomba sa harapan niya ang mga pangyayari. Ngumiti siya sa kaharap, hindi dahil masaya o malungkot, "Nasimulan? Saan? Lahat nangyari sa Singapore ay wala lang sa akin, hindi na siya dapat nagabala pa na magpapunta ng tao para lang sabihin ito, katunayan ng umalis ako sa poder niya wala na sa akin iyon, Nilimot ko na lahat!" Nagpupuyos sa galit ang kalooban niya, hindi naman niya ginusto makipaglapit rito. "Then that's good, do everything so that you don't see each other!" Anito at tumalikod na pinagtakhan niya ang sinabi nito, sa likod nakalagay ang isang itim na baril na kalimitan nyang nakikita kay Ben dahil tinatago nito ang baril palagi, pinagsawalang bahala nalang ng dalaga at nagtuloy na sa pakay. Dumaan muna siya sa isang fast food upang kumain bago umuwi sa kanilang tahanan, mula pa kaninang umaga siya walang kain sa mga oras na to ngayon lang siya nakaramdam ng gutom. Lumipas ang araw, linggo at naging isang buwan hanggang nasundan ng tatlo. Paulit ulit lang nang nangyayari sa buhay ni Ava sa nakalipas na tatlong buwan naroon parin ang sakit ng kahapon. Sa pagiwan sa kanya ng kanyang ina sa pagputol ng binata sa lahat ng koneskyon nila at sa nalaman niya doon sa liham na itinago sa kanya ng kanyang ina. Kasalukuyan syang nagiimpake ng nga damit, napagpasyahan nyang lisanin ang Sagay Bacolod, sapagkat sa mga buwan na lumipas unti unti syang kinakain ng lungkot at sakit sariwang sariwa pa kay Ava ang lahat na kung hindi siya aalis sa lalong madaling panahon baka mabaliw siya at tuluyan ng kitlin ang buhay, ngunit hindi pwede kailangan nyang labanan ang sariling pagiisip at damdaman may mission pa syang kailangan gawin. Dumaan muna siya sa kanyang ina "Aalis na muna ako hindi ko kaya ang ganito lalo akong nangungulila sa iyo sa paglipas ng mga buwan, kapag naghilom na ang sakit babalikan kita pangako yan." Pakusap sa puntod tumayo na siya at umalis. Lulan ng eroplano sa himpapawid tanaw ang buong bacolod, mamimiss ko ang lugar kung saan ako lumaki siguro babalik ako dito kapag naging maayos na ang lahat. Tila parang kidlat sa bilis na lumipas ang mga araw tatlong buwan na simula ng lisanin ang bacolod, unti unti ng nakakalimutan ni Ava ang pait ng kahapon. "Mica, pakisuyo sa table 15." Utos niya sa isang empleyado. "Yes, Mam" agad naman itong tumalima. Kasalukuyan syang manager ng isang Highclass Bar ngayon sa Quezon City matapos lumuwas patungong maynila at nakuha ang credentials sa school na pinapasukan nagsimula syang maghanap ng trabaho gamit ang maliit na ipon. "Mam, hinahanap ka po ni Sir Nick." Ani Jane, Si nick ay isang business tycoon at isang important costumer ng kanilang bar na nanliligaw sa kanya. "Sige ikaw na muna ang bahala rito." Tumalima ito. Nagtungo si Ava sa binata,q sa madalas nitong pwesto, gabi gabi ang binata rito simula ng ihayag nito ang damdamin sa kanya. Dahil sa ingay at dilim ng paligid tanging si Nick lang ang nakita ni Ava, hindi niya napansin na may mga kasama ito na hindi masyadong natatamaan ng ilaw na ng gagaling sa dance floor. "Hi" Bati nito sa kanya pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi, pinamulahan ng mukha si Ava sa madalas na gawin ng binata sa kanya hindi pa sya nasasanay. "Hi, ang aga mo naman yata pumarito." "Namiss kasi kita kaagad." Anito, inaya nitong maupo si Ava sa tabi ng binata hindi naman agad na tumalima ang dalaga, doon lang napansin ni Ava na may mga kasama ito biglang nakaramdam ng hiya ang dalaga at ng magsalita ang isa sa kanila tila kilala niya ang boses, kaya agad syang napabaling dito. "I'm with friends Ava, Reunite." Ani Nick "its been a long time Ava, you look even better." Anito. "Sam? Ikaw ba yan?" Aniya sa hindi makapaniwalang tinig. "You know each other? What a coincidence!" Gulat na ani nick. "Yes" Sagot ng isa napalingon si Ava roon. "Adam?" Hindi parin makapaniwala si Ava na kaharap niya ang dalawang binata, ganoon nalang ang bundol ng kaba sa puso niya ng maalala ang isang tao. Si Jacob, ipiniksi niya yun sa isip at pilit ngumiti, nakapag kumustahan siya sa mga ito. "You're part of our friendship now Ava since you are the girlfriend of Jacob before." Ani Sam, nawala ang ngiti sa labi ng dalaga. "I didn't know that you knew my friends Ava, ex-girlfriend of Jacob!" Ani Nick tila parang nairita ang binata sa nalaman. "Mahabang kwento Nick, isa pa hindi naman talaga kami." Pilit inaalis ang pagkailang. "We heard that your mother passed away, we're sorry Ava." Ani ni Adam, pakiramdam ni Ava nakahinga siya ng maluwag ng ilihis ni Adam ang usapan. "Okay lang, Salamat." Nginitian niya ito ng tipid. "So since you knew each other we can get along, right Jacob?" Ani Nick tingin sa isang upuan na madilim "Yes, Ofcourse!" Ani Jacob. Biglang nanginig sa kaba si Ava ng marinig ang pangalan ng binata at ang pagbanggit ni Nick sa ngalan nito, kanina paba ito nandito? bakit hindi ko naramdaman o maski ang presensya man nya lang ganito naba naba sya naging ukupado? Nang magsalita ito tila ba'y nagbalik kay Ava ang lahat, pati narin ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, iba talaga ang presensya sa kanya ng binata. Aminin man niya o hindi, hindi ito nawala sa isip niya sa nagdaang anim na buwan. Kaya ang puso niya parang gusto ng kumala sa sobrang lakas ng pintig napahawak siya rito. Nang umayos ng upo si Jacob doob niya lang nakita, Naka all black ito kaya malabong makita sa dilim lalo na ang ilaw lamang ay ang nanggagaling pa sa dance floor. "How are you Ava!" Ani Jacob sa malalim na tinig. "A.. aa.. ayos lang naman." Yumuko siya dahil sa pagkapahiya bakit siya nauutal. Napabaling siya kay Nick ng hawakan nito ang kamay niya at ipinaparating na wag magalala ayon sa mga mata nito. "So, let's have a drink." Basag ni Sam sa namumuong tensyon. Puro business o hindi naman kaya'y personal na buhay ang pinaguusapan ng mga binata tahimik lang syang nakikinig at ayon sa mga ito kababalik lang ni Jacob galing Paris. Nagpaalam siya sa mga ito na babalik nalang kapag out of duty na niya, bago siya makatayo hinawakan siya ni Nick sa mukha at hinalikan at tumagal ng sampong segundo sa harap mismo ng mga kaibigan ng binata na syang ikinagulat ni Ava. Nang matapos humarap ito kay Jacob sa nanguuyam na tingin. Nakahinga ng maluwag si Ava ng makalayo sa mga lalaki, inasikaso muna niya ang ibang mga costumer, tila ayaw na ni Ava na bumalik roon lalo pa't nandoon si Jacob. Kinakabahan siya ng hindi niya mawari, maya maya lang biglang nagkagulo, nataranta si Ava ng makita ang isang staff na nanginginig sa takot lumapit siya dito tinanong kung aong nangyayari. "May nagsusuntukan po doon sa table 9, biglang bumangon ang kaba sa puso ng Ava ito agad syang nagtungo doon at ng makita si Nick na nakahandusay nilapitan niya ito kaagad, putok ang kilay at labi. "Anong nangyari? Bakit ka nakikipag away!" Ani niya sa binata dinaluhan niya ito. "Wala lang ito, LOVE, ganito kami magbatian!" Diniinan nito ang salitang LOVE bago tumayo at gumanti sa kalaban. Pagtataka ang makikita sa mukha ni Ava. Nang tumayo siya si Jacob naman ang nakita niya duguan ang pisngi nito, Sinong mga kaaway ng mga to? Nang makita na nagsuguran ang dalawa napatili si Ava, hinagilap ng mga mata niya si Sam at Adam nakatingin lamang ang mga ito habang seryosong nanonood sa away ng kaibigan. Hindi niya kaya ang dalawa dahil bukod sa maliit siya sa mga ito baka siya pa ang tamaan, nagtungo siya sa dalawa. "Hindi niyo ba nakikita na nagkakagulo yung dalawa? Bakit hindi niyo awatin?" Gigil na sambit niya. Tinungga lamang mga ito ang alak at wala syang nakuhang sagot. Nagtawag siya ng security upang palabasin ang dalawa at hindi na makakuha ng atensyon sa mga tao, Lumabas narin si Sam at Adam. Napahawak si Ava sa sintido biglang sumakit ang ulo niya. Sumunod siya sa mga ito uoang kausapin, agad nyang nilapitan si Nick na kasalukuyang nagpupunas ng dugo sa kamao at mukha ng balingan niya ang binata ganoon rin ito, tila kumalma silang pareho. Samantala si Sam at Adam ay nakamasid lang. "Anong bang nangyayari sa inyo bakit dito pa ninyo maisipan na manggulo?" Ani ni Ava. Masamang tingin lang ang pinukol ni Jacob kay Ava. "Hindi kami nagaaway LOVE ganoon talaga kami magbatian" Ani Nick. "Batian? Halos magpatayan na kayo!" Paghihisterya niya. "That's normal to us Ava." Ani Adam. "Normal?" Sarkastimong ani Ava. "She knows everything Nick." Sabay silang lahat napalingon kay Jacob pagkatapos sa kanya. "What do you mean by that?" Ani Nick. "The organization." Ani Jacob Litong lito si Ava sa mga binibitawang salita ni Jacob, anong organization? Wala naman syang alam. "I ordered Ben to kill her, 6months ago." Napabaling siya sa binata gulat sa nalaman, pinapatay siya nito? Ngunit bakit hindi niya nalaman ito ba yung araw na nagpunta si Ben sa puntod ng nanay niya at may ipinaabot, kaya pinagtaka niya rin na may dala itong baril. Tama ba? Gulong gulo ang isip niya. Hinawakan ni Nick ang kamay niya at nilagay siya sa likod "I will take the full responsibility of her act Jacob, So better f**k off!" Gigil na sambit nito. Nagigtingan ang panga ni Jacob ang mga mata animo'y may apoy dahil sa galit na nararamdaman. "You give me no choice Nick, Rules is rules, She's my prey!" Nagkasa ito ng baril, tila bumangon ang takot sa puso ni Ava ng makita si Jacob na may hawak na baril, takot na matagal na nyang binaon kasabay ng paglipas ng panahon. Takot na takot litong lito si Ava sa lahat ng mga naganap, sa isang iglap balik nanaman siya sa dating pakiramdam. Lumapit siya kay Jacob. "Ano bang kailangan mo? Papatayin moko sige, Wag mo lang pakialamanan si Nick, pakiusap! Wala syang alam sa nakaraan nating dalawa!" Naguunahan tumulo ang kanyang mga luha bakit ba palagi nalang syang nalalagay sa bingit ng kamatayan sana ito na ang huli. Nang makita ni Ava na aamba si Nick na lalapit pinigilan niya ito gamit ang mga kamay. "Kung sa ganitong paraan hindi kayo magkakasakitan, hayaan mo nako Nick na sumama sa kanya, pakiusap!" Aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD