Sa kalagitnaan ng pagiisip may tumabi sa kanya at naglapag ng isang breakfast food sa harap niya. "Let's eat!" Anito, tumingin siya sa binata ngunit abala ito sa pagsandok ng pagkain. Sobrang swerte ng kasintahan nito sapagkat makikita sa mga mata nito na talagang mahal na mahal ito ng binata. Hindi namalayan ni Ava na nakatitig lang pala siya sa binata at tapos na ito sa ginagawa. "Ayoko na sa kahibangan na ito!" Mababakas sa tinig ni Ava ang kalungkutan, naghahalo ang damdamin na gustong umalis at ayaw. Nagulat siya ng pabagsak nitong binitawan ang sandok saka tumayo. "Stop staring at me and finish your food!" Saka ito nawala sa kanyang harapan. May nagawa nanaman ba siya na kinagalit nito kung ganoon nariyan nanaman sa dibdib niya ang pangamba. Maya maya pa'y bumalik ito, na

