Luhaan na umalis si Ava sa poder ng binata, sumasakit na ang kanyang binti at balakang dahil sa pagtakbo kanina upang makalayo sa tiyak na kapahamakan umupo siya sa nakitang upuan malapit sa kalsada, minasahe niya ang kanyang binti pataas sa kanyang hita. Hanggang ngayon nanginginig parin ang kanyang buong katawan at walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha pinagtitinginan narin siya ng iilang tao na dumaraan. Napatingala siya sa langit ilang sandali na lamang lulubog na ang araw umiihip ang malamig na hangin at tumama sa kanyang balat napayakap siya sa kanyang sarili, iniisip kung saan siya puwedeng tumuloy wala syang alam na pupuntahan sapagkat wala syang kakilala dito. Hindi siya puwedeng magpa-abot ng gabi sa daan sapagkat siya ay nagdadalang tao. Inumpisahan na nyang maglak

