Nakarating sila sa pakay ng walang imikan, tila parang hindi sila magkakilala, pagbaba ng sasakyan umalalay ang binata sa kanya. Napansin ni Ava na nakasunod lang ang bodyguard ng binata ngunit nasa malayo ito kung hindi nito kilala ang mga bodyguard para lang rin silang torista na namamasyal sa lugar. Nagikot-ikot sila ng binata at pinagmasdan ang ganda ng kalikasan. "Alam mo ba gustong gusto namin na pumunta dito ni nanay kaso mas inuuna naman ang ibang gastusin, ngayon nakapunta ako dito ngunit wala na siya." Malungkot syang bumaling rito kanina pa tahimik ang binata na tila kay lalim ng iniisip kaya si Ava na ang unang kumausap rito. Naglakad sila sa dalampasigan "I know that your mother still happy up there!" Tukoy nito sa kabilang buhay. "Sana nga ganoon." Nakita ni Ava ang isan

