Nang marinig ni Purol na sasabog na ang bulkan na ito ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Tinungo niya ang walang malay na matandang babae at inakay ito. Nabigla pa nga siya nang makita niya ang wangis nito. Tunay ngang may kung ano'ng sumpa ang dumapo rito dahilang balat nito ay may kung ano'ng nagsitubong mga bilog na animo'y bunga. Kaya pala ito tinatawag na 'hukluban' ng Mahal na Dian. "Anong balak mo, Purol?" tanong sa kanya ni Arowana. Nang maalalayan na kasi niya ang matanda ay nagsimula naman siyang maglakad kasama ito, patungo sa daan kung saan sila nagmula. "Hindi na tayo makakabalik sa daang iyon! Hindi mo ba nararamdaman ang matinding init na nagmumula doon? Ibig sabihin lang noon ay bumulwak na ang apoy doon mula sa ilalim ng lupa! Hindi nga talaga nagbibiro si Kanlaon na

