Kabanata 41

1604 Words

Wala sa hinagap ni Purol na masasaksihan niya ang ganitong uri ng pangyayari. Kakaiba kasi ito at mistulang ito ay isang bahagi lamang ng kanyang panaginip. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang tunay ang kanyang mga nakita? Nang matabunan silang tatlo nina Pong at Palong ng mga bato at lupa nang lumindol na lamang bigla ay akala niya iyon na ang kanyang katapusan. Mabuti na nga lamang at nagawan niya ng paraan na huwag siyang tamaan ng mga malalaking tipak ng bato lalo na sa kanyang ulo. Ganoon din ang ginawa ng magkambal na batang Tagalipol, ngunit dahil sa dami ng bato at lupang bumagsak mula sa taas ng bundok pababa sa kanila ay hindi na sila nakaalis mula doon. Tinamaan pa si Purol sa isa niyang binti ng isang malaking tipak ng bato at doon na siya natumba at nalibing sa ilalim ng lupa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD