PHILLIP POV “F*ck!” Sigaw ko kay Kevin kasabay ng malakas na hampas ko sa table. “Did you guys come here para inisin ako?” “Why Phillip? totoo naman ang sinabi ni Kevin, na grabe ang kamanyakan mo!” Sigaw ni Daddy. “Hindi ka na nahiya kay Amber, hindi ka na nga makatiis nakaharap pa kami nila James—” “Dad please, pwede bang umalis na kayo, baka magising pa si Amber—” “F*ck Phil, iuwi mo na si Amber sa Nanay niya!” Galit na utos ni Dad. Hindi ko ito masisisi, hindi nito nagustuhan na hindi muna ako nanligaw kay Amber bago ko ito nakuha. Nagtanong ito sa akin kahapon sa mansion bago pa nagising si Amber kahapon matapos ng ilang ulit namin na pagniniig. “Dad, hindi ba ito naman ang gusto mo?” sagot ko sa ama. Si Kevin ay tahimik lang na nakikinig sa pag-aaway naming mag ama. Hindi ko na

