PHILLIP POV “Iniisip ko pa lang na hindi kita katabing matulog mamaya Honey ko, nanghihina na ang junior ko!” sabi ko kay Amber habang hawak ang isang kamay nito. “H-honey.” Saway nito sabay kurot sa tagiliran ko. Hinuli ko ang kamay nito at hinalikan. “Hindi ka ba napapagod?” Namumulang tanong ni Amber sa akin. “Hindi ako mapapagod pagdating sa’yo Honey ko! Dahil sagad na sagad ang pagmamahal ko sa iyo.” Biglang namula ang mukha ni Amber na sa tingin ko ay may ibang iniisip. Narito kami sa loob ng sasakyan ko na nasa kanto malapit sa bahay ni Amber, Ayaw pumayag ng dalaga na ihatid ko siya sa mismong bahay nito. Sinabi ko kay Amber na gusto kong makilala ang Nanay niya pero tumanggi ito, nahihiya pa ang dalaga dahil nagpaligaw ito ng hindi nalalaman ng Nanay niya. Dinukwang ko ang n

