SPG ALERT! Read at your own risk. PHILLIP POV “Did you tell Amber na siya ang recipient ng puso ni Charlotte?” Seryosong tanong ni Daddy. “No Dad.” sagot ko. “At hindi na niya kailangan pang malaman. Ayokong dumating ang panahon na isipin niya na minahal ko siya dahil sa puso niya. Ayokong magselos pa siya sa taong patay na Daddy.” “How about her pregnancy, kailangan mo na siyang ayain magpakasal Phil, hanggang ngayon ba ay hindi kayo nag-uusap?” Tanong muli ni Daddy. Nalaman kong buntis si Amber nang magkita kami mula sa pagkakadakip sa dalaga. Nang mahimatay ito ay agad namin sinugod nila Daddy sa Doctor at doon nalaman na three weeks pregnant na si Amber. Pinilit kong kausapin si Amber pero galit na galit ito sa akin. I understand her, wala ako sa tabi nito nang mga panahon na hina

