AMBER'S POV “Mr. Peralta!” Laking gulat ko nang makita ang madilim na mukha ng matandang binata na papalapit sa amin. Labis na kaba ang naramdaman ko. Paano ko ipapaliwanag kung bakit narito si Ken ngayon. Napayuko na lang ako sa kahihiyan. Naririnig ko ang mga bulungan ng mga empleyadong papalabas ng opisina. Nakaramdam ako ng inis kay Ken. Hindi pa rin ito nagbabago... kahit na maraming tao ay ginagawa ang gusto. Tuluyan nang nakalapit sa amin ni Kenneth ang ermitanyo. Habang hindi ko naman maiangat ang ulo. Nakikita ko ang pagkuyom ng kamao nito. Bahagya akong tumingin dito. Hindi ko mabasa ang expresyon ng mukha nito. Pormal na humarap si Sir Phillip kay Ken. “Mr. Madriaga, seeing you here in the Peralta building is nice.” Bungad nito kay Ken. “Thank you, Mr. Phillip.” sabi ni K

