IVANNA POV Nanginginig ang mga kamay kong tinitingnan ang mga larawan na ipinadala sakin si Henry. Walang duda na anak niya ang nakikita ko dahil halos magkamukha sila ng bata. Agad ko namang binuklat ang isang dokumento na kalakip nito. Ang PSA. "Sirius Melicano Abrenica. Parents name, Veronica Lopez Melicano, Seirge Fabicon Abrenica..... s**t! " Nagsisigaw ako sa aking sasakyan. Hindi maaaring masira ang lahat ng plano ko. Ang lahat ng yaman ni Seirge ay para sa akin lamang!!! Para sa mga anak ko lang!!! Dapat siyang mamatay!!! Oo dapat siyang mamatay! Hindi siya dapat makihati sa yaman na yun. Yun lang ang maaring mangyari dahil sa batas kasama siya sa hatian at yun ang hindi pwedeng mangyari! Nilalamon na ng lason ang katawan ni Seirge ngunit dapat maunang mamatay ang kanyan

