CHAPTER 14

1671 Words
CHARLES POV Kasalukuyan akong nasa opisina ni sir Seirge Abrenica ang ama ni Sirius. Narito ako dahil sa gusto nitong marinig mismo ang mga naobserbahan ko sa kanyang anak. Sa madaling salita ay magrereport ako. Bukod rito ay personal daw kasi nitong iaabot ang allowance ko for the week. Noong sunday kasi ay kababalik lang nila ng Pilipinas ni Sirius at kahapon naman ay hindi ako nakapunta dahil sa may pinag-utos sakin ang inay. Napakabait ni sir Sierge sakin dahil sa bukod sa nakukuha kong school allowances from pagiging scholar ko under his name ay may personal pa akong allowance sa kanya katumbas na parang nagpapartime job na ko ng triple. Ang laki ng naitutulong nito sa amin nila inay at itay. Binigyan nya nga rin ako ng motorcycle na pangservice ko. Tuwang tuwa si sir Sierge sa mga kwento ko maging ang kanyang bisita na si Sir Timj Cannor. Nagulat nga ako na personal kong makikilala ang may ari ng university na pinapasukan ko na never ko pang naencounter ng personal pero madalas ko siyang naririnig at nakikita sa magazine. May tatlo pa nga itong kamukha na kapag magkadikit sila ay tiyak na mahihirapan kang malaman kung sino si sir Timj Cannor dahil sila ay quadruplets. Ipinakita ko rin ang kuha kong video ni Sirius sa kanila na siya ay nagsosolving ng approximate distance ng nilalaro nilang craft frog na mas lalong ikinatawa nila sir Timj. Puring puri nga nila si Sirius. Pero ang kinapansin nila ay ang mga mata ng mga kalalakihan na ngayon ko lang rin napansin. "Oh my God brod! Panigurado na doble pahirap ito sa anak ko. Kagabi pa nga lang halos hindi na sya makapaniwala!!!! She's rare!!! Napakaunique ng batang yan. I can't imagine na ngayon palang ay I can't wait na. Hindi ako nagsisisi back then!" -Timj " It's been 10 years brod! Akalain mo ba namang naisipan nila yun! Tsk! " -Sierge " You must protect her no matter what brod. And asahan mo, hindi ka magsisising inilapit mo na sya agad sa kanya although kailangan talaga ang salitang patient for him. He really need lot of sacks of patient. " "I know. Iniisip ko tuloy kung anong kayang gawin ni Savanna lalo nat sa isang campus lamang sila nag-aaral. Dalawang araw pa lamang kasi ay naging matunog na ang pangalan ni Sirius." ani ni sir Sierge na mababakas sa boses niya ang pag-aalala. Napahawak pa ito sa kanyang sentido at nag-iisip ng malalim ng muli siyang magsalita. "Charles, nakikiusap ako na huwag mong lulubayan si Sirius. Ikaw ang madalas niyang kasama keysa kay sir Top mo. Top is a busy man. Marami din siyang pinagkakaabalahan. " mata sa mata niyang sinasabi sakin. Si sir Top? Pati pala si sir Top ay katuwang ko sa pagsusubaybay kay Sirius. Kaya pala kanina ay may kakaibang ikinikilos si sir... "Like what I said kung dumating man ang kinatatakutan mo brod, Top can protect your daughter. Ngayon palang ay makikita natin kung deserving ba siya o hindi at ng magawan pa ng paraan habang maaga. " Nakauwe na ko dito sa bahay pero di parin maalis sa isip ko ang huling sinabi ni sir Timj. Medyo naguguluhan ako. And about Miss Savanna, first year college ito na anak rin ni sir Seirge. Kilala rin yun sa college department bilang spoiled brat at isang shopaholic na kabaliktaran ni Sirius. May isa pa nga itong anak na lalaki na nasa kabilang university. Second year college naman yun. No matter what. Tulad ng ipinangako ko, ay mananatili ako sa tabi nya at gagawin ko yun. Aalalay ako kay Sirius hanggang sa magcollege kami. ***** MIGZ POV Ang galing talaga ni mom! Dahil amega nya na si Tita Olive ay narito ulit sila sa bahay. Dito uli sila magdidinner. Alasingko palang ay magkasama na kaming nag-aaral ngayon ni Si. Tinuturuan pa nya ako ngayon sa subject ng Math at Science. Halos isang oras na kaming ganito. Dito kasi gustong mag-aral ni Si at gustong gusto niya ang mga books ni dad. Habang gumagawa ako ng homeworks ko ay nagbabasa naman siya ng cultural book. May lima pa nga itong reserba na hihiramin nya raw. Inaabala ko lamang siya kapag may hindi ako maintindihan. Hindi ko nga alam kung nakakapag-aral pa nga ako kasi hindi ko mapigilan tumitig sa kanya at pag-aralan ang mukha niya. Napakatamik nya, kaya gusto ko rin siyang abalahin sa pagbabasa para marinig ko ang boses nya. Ibang iba sya kapag nakainom. Tatangkain ko na sanang magtanong ng bumukas ang pintuan at ang mga hinayupak kong tropa na sina Cedrick, Nokie at Joed pati si Regienald ay nandito!!!! "Tol! "sabay nilang bati at napatigil nalang sila sa may pintuan ng nakanganga. Maski ako!!!! Gulat na gulat sa mga pagmumukha nila!!!! "Anong ginagawa nyo dito!!!? " "Hi Miss Sai!!!! " sabay pa nilang bati kay Si ng makabawi. Parang wala ako! Akalain mo yun may tawag narin sila kay Si, at nagawa nilang deadmahin ako? "Oy bakit kayo ng dito!?" tumayo na ko at sinalubong sila. Bawal silang pumasok at umuwi na sila!!! " Pero ang bilis kumilos ng mga hinayupak at nakalapit na sila sa couch kung saan nakaupo si Si. "Cedrick sai. Call me rick if you want!?" at nakipaghandshake. "Reginald! Nald for short! " na agad kinuha ang kamay ni Si. "Nokie Sai. You can call me yours if you want!! " at siyang inagaw nya rin ang kamay ni Si pero napanganga kami ng ngumiti dito si Si. " Wow!!!! Can you do that again!? May I try!? I think it's fun!!!" - Sirius "f**k!!!" - ani ko ng makabawe. Mas lalo akong naiinlove kay Si sa mga gesture nya!!! Ang tinutukoy nya ay ang bubblegum ni Nokie na pinalobo sa bibig bago ito nagsalita!!! "Ooohhhh sure I have lots in my bag. Wait!!! " - Nokie "Bag!? Teyka bakit kayo may mga bag!? " " Sleep over toll!! Nag-usap na tayo kanina diba!!! Sabi mo pa nga group study para makabawi tayo!!! Sabay sabay tayong babalik sa section A!!! " - Rick "f**k!!! Ngayon na ba yun!? I forgot!! " -me "Susssss!!! Forgot daw, gusto mo lang masolo si Sai eh!!! " - Nald "Teyka tol bakit nandito si Sai!!!? " - Joed "Magkakilala na ba kayo ni Sai dati pa!? " - Nald "Oy magkwento naman!!! " Rick "Ang daya mo tol! Kelan pa kayo may one on one tutorial!!! " -Joed " Ang gugulo nyo!!! Ihatid nyo na gamit nyo sa taas! At pwede ba, bawal maingay. Mag-aral kayo pagkatapos. May isang oras pa bago maghapunan!" - me At hindi ko napansin na may sarili ng mundo si Nokie at Si. Ang animal!!! Kinuha nito ang atensiyon ng Si ko. Prenting prente itong nakaupo sa couch at halos maduling na sa kanyang mata sa katititig ng kanyang ginagawang palobo sa bibig at cute na tumatawa kapag naputok at pasimple pa si Nokie na tumatouch sa mukha ng Si ko!!!! mababatukan ko toh EH!!! Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong aliw sa panonood sa kanya saka ko lang namalayang ang mga animal kong tropa ay gayun din. Simpleng simple lang talaga si Si. Hilig nitong magsuot ng mga mahahabang manggas. Yung tipong nakajacket at ngayon nga ay nakaturtle neck na skinstone while at naka leggings na pink at panda na slipper. Mabilis lumipas ang isang oras , hito na nga't kumakain na kami. Ako at ang tropa ko nakanganga pati si mom at dad, samantalang maayos namang kumakain si Tita Olive but si Si, yung pagkain ng tropa ko ay ang kaya niyang ubusin. Ang lakas niyang kumain. "Tita Melody, May melon green juice pa po ba kayo? " "What the-" "Naku nak, gawan nalang kita ng mango shake ha. Liqour yung tinutukoy mo nak eh. Para samin ng Tita Olive mo yun. " Ehhh? Nak daw as in anak daw!? Ahhhh si mom!!! Kaya mahal ko mom eh!!!! Napangiti ako ng pagkalapad lapad at ang sama naman ng tingin sakin ng tropa ko. "Ohhhh wowwww Tita masarap po pala ang taste ng liquor , may be I can drink it too...." Oh shiiit!!! Nagpapacute si Si and it make her more cuter!!! "Si baby, wag na.... Mapapagalitan tayo ng papa mo kapag nalaman nya, baka hindi na tayo makalabas ng bahay at hindi na kita maisama dito... " "Ok, mango shake is enough po. " Nagspend pa sila Si ng two hours dito sa bahay kaya ang mga tropa ko at ako ay natulungan niya sa mga homeworks namin at nakapagadvance aral narin kami. Ang galing niyang magexplain. May mga words kaming di namin naintindihan dahil malalalim ang kahulugan pero dahil sa dami niyang alam na words na pwedeng erephase ay mabilis naming nauunawaan. Naituro nya pa samin ang out of the blue which is hindi na related sa subject namin pero napakainteresting. Hinatid na namin siya sa gate ng kanilang bahay na ikinagulat nila Cedrick. Di sila makapaniwala na kaharap lamang ng bahay namin ang bahay rin ni Si. Inaantok na kasi ito at sila mommy ay hindi pa tapos makipag-inuman. Walang katapusang tawanan. Jologs kasi si mommy. Kinabukasan ay sabay sabay na kaming papasok ng makita namin si Charles na inalalayan niya si Si papasok sana ng kanyang kotse pero si Nokie ay tinawag ito. "Sai!!!!! Good morning!!! " Bahagyang nagulat si Charles ng makita nya kami. At ang naging moves nito ang hindi ko nagustuhan. May mali. Kumaway lamang si Si samin at hinawakan na siya sa ulo si Charles pagiya paloob ng kotse. Alam mo yung sa harap mo ay kitang kita mo yung nakacorner siya kay Si ng malapitan na tipong payakap na dahil sa may pintuan sila ng kotse. Kumukulo ang dugo ko. OK may mali talaga dahil napag-alaman kong siya ay pamangkin ni Tita Olive at hindi pala kamag-anak ni Si itong si Charles. Ang malala pa ay ipinagkatiwala si Si ng kanyang ama kay Charles. Kaya pala nakakaramdam ako na parang maaagawan ako at siya ang magiging matindi kong kaagaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD