CHARLES POV
Nagulat ako ng bumalik ako sa room ay napakaraming bulaklak ang bumungad sa mga mata ko. Ang halimuyak nito ang siyang kumalat sa loob. Puno na ang isang table ni sir Top sa likuran at mayroon pang nakapatong sa mga estante. Karamihan sa mga babae kong classmate ay nagpapapicture pa sa mga ito.
"Ang dami naman niyan! Kanino yan? May flower shop na tayo dito ah. " kalabit ko kay Aragon na nagsusulat sa kanyang notes.
"Huwag ka ng magtaka. Masanay ka na at malapit ng magdalaga ng baby girl natin! " tugon nya.
"Kay Irish!? "
"Oo. College department palang yan"
"Wooohh!"
Speaking of Irish ay hinahanap na ito ng aking mga mata. Nakita ko si Carlo na kausap si Pia. Sila Geon ay narito rin.
"Charles! " tawag sakin ni Pia ng nahagip ng kanyang mata kung nasaan ako, kaya ngumiti na lamang ako.
At sa pagngiti ko ay patakbo naman itong sumalubong sakin at hinalikan ako sa labi.
"Whooooaaah!!! " sabay na chorus ng lahat.
"Walang aangal guys! Matagal ko ng nililigawan toh kaya please lang wag na kayong tumutol. " lakas ng loob niyang sabihin iyon!!!
Kababae niyang tao!
"Oks lang samin Pia, bagay naman kayo! " tukso pa ng mga kaklase ko lalo na si Carlo.
Napabuntong hininga na lamang ako. At tumikhim. Sa totoo lang nalilito na ko sa nararamdaman ko ngayon. Kung ano ang nararamdaman ko kay Irish ay nararamdaman ko na rin sa kanya ngayon.
"Talk to you later Pia. Balik ka na sa classroom mo. " -me in my serious tone.
"Ok. " pagkasagot nya ay mabilis muli niya akong hinalikan f**k!!!!
Ang lambot ng labi nya at ang bango nya. Amoy strawberry. Muli akong napalunok ng dumikit din sa dibdib ko ang dibdib nya... ang lambot. Shiiit!!! "
Sa totoo lang, nakaramdam ako ng pag-init sa ginawa nya, feeling ko nga ay nangamatis ang mukha ko. Pero hindi tama yun.
Si Irish nga pala ang alaga ko ng muli kong maalala.
"Carlo si Irish!? " seryoso kong baling ng tingin kay Carlo.
"Hmmm, nagpaalam na mag cCR lang daw sya, pero....oh my God, kanina pa yun!!! Lahhh!! " at bigla itong tumingin sa kanyang orasan.
Hindi na tuloy ako mapakali. Naghintay pa ako ng ilang minuto. Pero kanina pa.... chill lang self.
"Hey tell me, what happened ba kanina? " ng hindi na ko makatiis.
"Andito kanina si fafa John Rafael, tapos pagkaalis alis nya, nagpaalam narin sya magccr."
John Rafael.....shiiitttt, bakit ba tuwing naririnig ko ang pangalan nya ay nababahala ako....
"Sigurado ka bang yun lang ang nangyari!?"
"Yes. "
Agad na akong lumabas. Agad kong pinuntahan ang ladies room pero wala sya sa loob ng nakisuyo ako sa isang student na babae.
Nagbuzzer na at magsisimula na ulit ang isang club sa pagpapakilala. Inisa isa ko na lahat ng sulok ng building ng junior high at wala akong Irish na nakita!!! Muli akong bumalik sa room at nagbabakasakali na naroon na sya. Pero wala parin siya at naroon na si sir Top.
Nagkatinginan kami at wari ko ay may hinihintay syang kasunod ko.
"Good afternoon sir. " bati ko at umupo na ko pero akupado ng isipan ko si Irish.
Alam kong narito lamang siya sa loob ng campus dahil ang pre school at junior high ay hindi makakalabas ng campus without authorization letter.
"Hey, nakita mo ba!? " si Carlo
"No. Carlo sigurado kabang walang nangyari kanina?"
"Si John Rafael lang talaga...... Wait, Maykakaiba sa kanya eh, napansin ko lang na tinititigan nya kanina si Miss Savanna Abrenica, yung napapabalitang GF ni John. " bulong niya sakin.
"f**k! " napalakas kong ani na ikinagulat ng lahat.
Di ko namalayang nasa tabi ko na pala si sir Top.
"Mr. Yapilito, ikaw na muna ang bahala rito. May aasikasuhin lang ako. "
"Sir! Pwede pong mag CR!? " - Geon.
"Sir! Mag-ccr lng din po ako! " - Harry.
"Me too! " - Carlo.
"Sir baka po pwedeng si Leido nalang at napapaCR din po ako!" -me na nagbabakasakaling makalusot.
"Ok lang po sir. Ako na po mag-aasist. Alam ko rin namang ioperate ang machine. " si Leido na kinindatan ako at nasasaloob kong alam nito ang nangyayari.
"Sir behave po kami. Di kami mag-iingay. " segunda ng iba.
"Sir, CR din po ako! " si Renz.
"Tangna sir Top, pumayag ka na" sigaw ng isip ko.
"You know you can't Mr. Yapilito. I wanted to remind you na scholar ka at my protocol ang school na toh na dapat mong sundin. I'll be back soon. I don't want you to trust me but, I am Top Cannor Green that you should trust." derecho niyang sabi sakin kaya naikuyom ko ang aking mga kamay.
Naiinis ako!!!! Fuuuckkk bakit pa kasi ako tumagal dun!!! Di ko inaasahan na.....
Huwag naman sana....
"Class makipagcooperate kayo kay Mr. Yapilito! I'll be back soon. " paalam ni sir kung kayat di na ako nakapagpigil at nasabunot ko ang aking buhok bago ko sinuntok ang armchair ko.
I have to deep sigh.
Tumayo na ako at binuksan ang monitor. Tinulungan na ko ng Leido at tahimik ang lahat. Inaasikaso narin namin ang electronic machine.
Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tumatakbo na papuntang college building. Ayaw kong nakatunganga lamang ako. Si Leido na ang umasikaso.
Kahit ako lang. Ok lang. Masiguro ko lang na ok lang sya. Si Miss Savanna.... Alam ko, nararamdaman ko, sinundan nya ito!!! Alam kong alam nya na kapatid nya ito. Nabanggit na ito ni tita Olive sakin at sinabi nya na gusto nyang maramdaman na makasama ang mga kapatid nya, ang makita sila ng personal.
Kilala nya ang mga kapatid nya dahil ayon sa kwento ni Tita ay pinakikilala sa kanya ng ama nya ang mga kapatid nito through picture.
Pero for pete's sake, kung mahal nya ang mga kapatid niya ay kabaliktaran naman iyon ng nararamdaman ng kabilang parte. Dahil galit na galit sa kanya ang pamilya ng ama niya,,, dahil anak siya sa labas!!!!
Alam na ng pamilya ni sir Seirge ang tungkol kay Irish. Wala lang silang idea kung nasaan ito.
My God Irish!!!! asan ka na ba!!!!
Narito na ko sa college. Then ang masama dito ay wala na akong idea kung saan ako magsisimula.... Fuckkkk talaga!!!! Irish!!!!
John Rafael.....