CHAPTER 11

1455 Words
MIGZ POV Muntik na akong malate kanina. Paano ba naman anong oras na akong nakatulog. Its 3am na yun. Sino ba namang di makakatulog kung si Sirius ang tumatakbo sa isip ko!!!! Paulit ulit ko kasing naiisip ang paghalik ko sa kanya at natauhan ako kanina. Iniisip ko kung anong mangyayari kung maalala nya yung halik nayun! Baka hindi na ako makaporma!!! Sakto ay nagbuzzer na yung bell ng building. Malapit na ako sa door namin nung napansin kong ang daming nakatambay sa window glass ng section C. Eh malapit lang yun samin. Hindi naman ako chizmuzo pero ng marinig ko na si Janel Tomiyas at Sirius ang pinag-uusapan nila na katabi daw si Zack si Sirius at nangungulay kamatis na daw yung lalaki ay napatakbo ako sa kinaroroonan nila! Hindi ako makapasok sa pinto kasi masikip. Sa bintana na ako nagpupumilit na sumilip. Nahagip pa ng aking mata ang ginagawa ni Janel pero si Si ay di ko makita gawa ng may humaharang na katawan ang putik!!!! Sino ba yung damuhong na yun na napakamajimbo ang katawan! Angggg walang hiya hindi pa magdiet!!!! Tapos si Maam Teope ay nakita ko na halos di makapasok. At si Maam Torate naman ay pumasok na sa room namin kaya kumalabit na ko sa mga kasamahan ko. Bahala na yung iba!!! Pero di mawala sa isip ko yung ginagawa ni Janel na nakaluhod. Anong dahilan nun? Anong ginagawa ni Si? After siguro mga 16 to 17 minutes ay nakita ko si Maam Principal kasunod nito si Miss Tomiya na nakayuko, si Si na kasunod nito ay nagmumustra ng kamay ng....? Parang alam ko yung ganung....? para sa larong!!!? Fuckkkk!!!! Tama kaya iniisip ko!!? Kasunod noon ay si Harry na tawang tawang na inilagay ang kamay sa bibig para magpigil sa sarili at ganuon din si Geon. At si Charles naman ay bitbit ang bag ni Sirius. Mabuti na lamang kahit inaantok ako ay nakapag-aral ako kaya nakakasagot ako at mataas ang nakuha kong score sa quiz. Natapos na ang first period. Recess na. Tinitingnan ko ang topper wear na dala ko na pinabibigay ni mommy. Napahugot ako ng malalim na buntong hininga. Palabas na sana ako at ang tropa kong sila Cedrick ng marinig ko ang tropa ni Zack na sila Dave at Tupas na pinagkwekwentuhan si Si. Ang putik, nadagdagan ang tagahanga ni Si!!! Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang mga classmate nila Charles na hindi daw nakaattend ang mga ito ng klase at pinarusahan sa office. Hayun sikat ang lima at tama nga hinala ko, yung paper frog nga ang nilalaro ng dalawa at nadamay lamang ang tatlo. Ang kutong lupa, grupo pala ni Zack ang nagsimula pero ang nagtapos ay mga section A. Dumayo pa sa kabilang section ang mga yun kaya sila ang naparusahan. "Pre, si Zack oh, pinupurmahan si baby Si mo!!!! " report ni Cedrick na nabatukan ko. Ang lakas ng boses!!!! Di naman ako bulag para di makita! Nagsipagtinginan tuloy mga fans ko. Baka mamaya pag-initan nila si Si. Yabang ko noh. Humugot ako ng lakas ng loob at agad akong lumapit sa kinaroroonan niya. Agad kong ipinatong ang topper wear at yakult. Tumingin lamang ito sakin at naningkit ang mga mata. Fuccckkkk!!!! Naalala nya kaya!!!? "Hehe, pinapaabot ni mom. " sabay talikod ko. Haiiissstttt bakit parang tumaas ang balahibo ko sa likod!!!! Halahhhh!!!! Yung mga classmate ni Si ang sama ng mga tingin!!!!! GEON POV Hindi parin ok ang tiyan ko. Pag tumitingin sakin si Baby Sirius my love ko naniningkit ang mata. Paano ako makakatabi sa kanya? Nasa room na kami. TLE na sunod naming klase. Nilapitan ko ang classmate ko sa unang chair malapit sa may pinto. "Miss Aragon, palit muna tayo ng upuan. " "Why??? " "Ehhh ayaw akong katabi ni Ms Melicano ngayon. " "Why???" "Flatulence." "Ano yun!!!? " Ang hanepppp!!!! Naturingan nasa class A hindi alam ang english ng utot!!!! Gusto pa atang ipabantot ko ang salitang utot para maintindihan nya. Napatawa naman si Ms. Bautista liit at napahalakhak na. "Palit na kayo girl, baka pag nasa huli yan, pare pareho tayong patay dito. As in UTOT yun friend!! " "Broadcast talaga Bautista! " singhal ko! "Nahiya ka pa!!! Yahahaha!!! Kaya pala ang sama ng tingin sayo ni Melicano!!! Nyahahaha!!! " "Hayop na toh, hindi pa kasi tagalugin!!!! Segi na nga!! Pero teyka, mabait ba yun!? Di kasi marunong ngumiti! Kakailang katabi! " "Oo, mabait yun!!!! At wag mo nalang hilingin ngumiti, maiinsecure ka lang!!!!" "Wheee!!! " **** CHARLES POV Heto nanaman siya. Napapansin ko ulit na inaantok nanaman si Irish. Bakit kasi pag ganitong oras ay masungit ang teacher namin. **** ARAGON POV Hanga talaga ako sa babaeng ito ah ah, pumipikit na ang mata nakakaenumerate parin. "The 10 methods of food processing are baking food in an oven to dry it out, air-drying food, potting, blanching, jellying, freezing, fermentation, and preserving in salt or sugar." - Sirius Teyka nga muna habang nagrerecite sya ay nakaisip ako ng pagkakaabalahan.... "And about baking, it is a type of dry heat cooking, similar to roasting, that’s done in an enclosed space such as an oven, not over a direct flame. Most people think of roasting as something that’s done to savory meats and vegetables, while baking usually refers to desserts or savory dishes using flour." - Sirius "Wowww!!!! Bravo dhay!!!! Pakopya ako mamaya sa quiz ha!!? " Bulong ko sa kanya habang may mga bato akong nilalagay sa bag ni Jayson Garcia ng palihim. Yung mga bato na yun ay matagal ko ng tinatago dun sa ilalim ng table ni Sir sa likuran. Mga apat na araw na plus saturday at sunday na lumipas. Oh diba. Nangangati na kasi ang kamay ko, di ko magawa ang binabalak ko kasi masyadong mapapansin ako dahil nasa unahan ako. Then umupo na sya at nakatulala siyang nakatingin sakin. Napapagalaw pa ang kanyang ulo at pinag-aaralan ata ang kilos ko. Ang mapungay niyang mata na naniningkit ay lumaki na. "What are you doing!? " Lahhh kinausap ako!!!! Nabulong din!!! Teyka english yun!!! Pesteng yawa, bisaya ko dhay! Hilig talaga ng mga classmate kong mag-english!!! "Exciting toh, silent ka lang dhay! Fun ito fun! " seryuso kong bulong na binibigyan ko pa ng eye contact habang nagdidisscuss pa si Maam. "Let me try!!!! " "Lahhhh!!! sige bah!!! " Kumuha nalang siya ng bato sa paper bag na brown tapos si Leslie Herras yung naisipan niyang lagyan ng bato. Patay!!!! Mamahalin pa naman ang bag nyang channel!!!! Tapos nakita ko si Carlo nakatingin pala sa ginagawa nya. Nanlalaki ang mata. "This is Fun!! " dinig kong bulong nya kay Carlo at binigyan nya rin ng bato. Lahhhh!!!! Tinuturo nya ang bag ni Ignacio!!!! Isang mamahalin din ang shoulder bag nun!!!! Si Carlo, parang tanga na tinitingnan lang bato. "Sabihin mo baby girl, lunukin nya bato! Wag nya titigan! " "It's dangerous!" nakakunot noo niyang sagot. "Lahhhh!!!! Di mo ko nagets!!!? Pagnilunok nya yun, isisigaw nya lang ang darna!!! Magiging babae sya promise!!!! Sabihin mo. " udyok ko. Kaya lang ang bobishhhh naman ni genius!!! Di pa rin ako nagets!!!! Pero sinunod naman nya ako. "Carlo, she said na swallow mo daw ang stone then shout mo daw ang DARNA? Tapos magiging girl ka na daw!!!? Its that true!?" Ang inosente talaga ni baby girl!!! Ang lupit!!! "Carlo Forio!!! " tawag ni Maam!!! Ang lakas ng boses!!! Lahhhh yung bato ni Carlo hayun lumipad. Sapol si Jinky Namul Pan!!! Patay ka bakla!!!! JINKY PAN POV "Friend, siguro ka ba ayaw mo? " pangalawang beses ko na itong tanong sa kanya. Ayyyy kasi naman kahapon pa pala siya kinausap ni sir kung anong gusto nya raw na club at kung gusto nya raw lumaban. Hayun kahapon pa rin pala siya tumanggi. Ang dahilan nya napakasimple. Hallleeerrr!!! Baka daw mawalan siya ng oras sa pagbabasa ehhh she love reading books daw!!! Tapos sabi nya na parang si Dora the explorer lang ang peg, mag-eexplore nalang daw sya sa lahat!!!! Pero chika muna, papaano kami naging friend na?, simple lang, lahat ng chair nasa tabi, lahat ng girls naglaban laban sa paper frog!!! Kaming mga anak mayaman hah ang putik!!! Nakakaluka!!! Pati kami nadamay gawa ni Janel!!!! Mabuti nalang lunch break na. Ang mga kamay namin ang iitim kasi super dirty ng floor kahit nakatiles pa yan pero nakakatuwa for the first time kahit si Leido na masungit ay napalaro!!!! Akalain mo yun walang ka arte arte, tapos promise para kaming may baby as in bunsong kapatid na napakainosente, daming alam sa aklat pero sa actual my gulay kanya kanya kaming turo!!!! Ng kalukuhan!!!! Ang about Carlo, panay ang tawa ng bakla!!!! For the first time nakijoin sa paper frog!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD