“Uyy! Rechelle, mukhang marami kang iniisip” Napansin ni Rina si Rechelle maraming iniisip kaya nilapitan niya muna ito.
“Oh, ikaw pala yan Rina, ahh ehh hindi” Nag sabi nalang ng hindi si Rechelle pero ang totoo iniisip niya kung paano sasabihin kay Rina na si James ang kumuha ng diary pero hindi niya pa ito kumpirmado kaya hindi niya rin pwedeng sabihin.
“Weh? Ano yun bestie may umaway ba sayo? Arat bugbugin natin” Ang concern ni Rina ay parang kapatid niya si Rechelle dahil ang nabuo nilang pag kakaibigan ay hindi lamang pag-kakaibigan lamang kundi parang mag kapatid na.
“Wala, iniisip ko lang yung reviewhin natin sa quiz malapit na kasi, bukas na yung quiz natin” Ito nalang tanging paraan na pwedeng sabihin ni Rechelle kay Rina.
“Tsk! Ayan lang pala wag mo ng isipin niya alam ko naman na kayang-kaya mo yan sagutan, oo nga pala nood tayo sa game sa lunes na, laro nila may bebelabs James” Sabi ni Rina kay Rechelle.
“Sige, wala rin naman akong gagawin” Pero chance na yun ni Rechelle kung si James nga ang may hawak ng diary niya.
Kaya’t nag patuloy na sila sa pag lalakad hanggang sa nakarating na sila sa kanilang classroom. Iniisip ni James na pwede na niyang dalhin yung diary ni Rechelle sa tingin niya nakita niya na yung babaeng na may pag-aari ng diary kaya niya ito dinala, habang nag lalakad napag-isip-isip niya na.
“Makikita ko kaya yung babaeng nabangga ko at yung diary niya, hayaan ko na nga lang, basta na sa akin ang kanyang diary” Iniisip niya ito habang nag lalakad at napapangiti ito sa nangyayari sa tingin niya na makikita niya na yung may ari ng diary.
Habang nag lalakad si James biglang may lumapit sa kanya at iyon yung couch niya.
“James may praktis tayo, malapit na yung game niyo” Tila’y kailangan pag handaan ng couch nila para sa gaganapin na laban nila James.
“Pero po mag r-review pa ako para sa quiz naming sir” Nag-aalala si James sa kanyang quiz, pero ang tutuusin kayang-kaya ni James sagutan ang mga quiz na iyon dahil nir-review niya ito pag tapos ng praktis nila.
“Wag mo ng aalalahanin ang inyong quiz dahil excepted kana dun dahil kasali ka naman sa kilalang varsity player dito sa school natin” Tugon ng couch ni James.
“Ahh sige po, palit lang ako ng uniform couch” Wala ng magawa si James kundi mag praktis para sa gaganaping laro pero gusto din ni James na mag aral dahil gusto niya ang pag-aaral.
Lumipas ang mga ilang oras natapos na ang lahat ng mga subject nila Rechelle at James, pero bigo si James na makita yung babaeng pag may aari ng diary kaya inisip niya na lang kukunin niya ito kapag nakita nya na yung babaeng nakuhaan niya ng diary. Kinabukasan oras na ng quiz nila Rechelle at Rina, ang dalawa sa quiz at nakapasa dahil nag review naman itong dalawang ito para sa quiz kaya’t nakapasa ito.
“Bestie ilan ka sa quiz?” Tanong ni Rina kay Rechelle.
“48 yung score ko, kulang ng dalawa para perfect pero okay lang laking pasa naman nito, ikaw bestie?” Nakakuha si Rechelle ng 48 na score dahil pag r-review niya hindi na ito masama dahil ang pasadong score ay 35 malaking bagay narin na naka 48 siya.
“Nice one bestie, naka 49 ako na lakihan kita ng isang puntos not bad bestie” Tila’y natutuwa si Rina sa nakuha niyang quiz.
Bigla nalang na may lumapit sa kanila.
“Hey! Rina, ilan nakuha mong score?” Tanong ni Karl.
“Saang score ba?” Tanong ni din ni Rina kay Karl.
“Malamang sa quiz saang pa bang score?” Tugon ni Karl kay Rina.
“Mababa nga eh” Sinasabi ni Rina na mababa ang kanyang score kahit mataas naman ang kanyang score.
“Wehh? Tingin nga” Tila’y parang nag tataka si Karl na sinabi ni Rina sa kanya
Pagtingin ni Karl sa Score ni Rina.
“Tignan mo mababa na ba yan sayo? Kung ganyan score ko di na ako mag rereklamo e HAHAHA!” Natawa nalang si Karl sa kanyang sinabi.
“Mababa naman ha” Pinagpipilitan parin ni Rina na ang score niya ay mababa
“49 mababa ba niyan? Keso naman sakin 27 lang nakuha kong score pero okay lang HAHAHA!” Natawa parin si Karl sa nangyayari.
Nakakuha ng grade si Mark ng perfect score sa quiz its means, ganun din ang score na makukuha ni James dahil ito’y excepted ito. Kaya’t nag decide muna si Mark na panoodin ang praktis nila James dahil wala naman itong ginagawa, makikita sa court na kahit nag p-praktis ito madaming nanonood dito. Napansin ni James na nonood si Mark sa praktis nila kaya’t pinuntahan niya ito,
“Uy, Mark musta ang quiz?” Tanong ni James kay Mark.
“Okay lang boi” Tugon ni Mark.
“Nood ka ng laro naming sa lunes ha” Gusto ni James na manood si Mark sa kanilang game.
“Sige pa manonood ako, galingan niyo para hindi sayang ang pag punta ko haha” medyo na tawa si Mark sa kanyang sinabi, pero kahit matalo sila James okay lang sa kanya pero ang tutuusin hindi naman matatalo sila James.
“Salamat boi” Pasalamat nalang si James kay Mark.
Habang nag p-praktis si James iniisip niya si Cassandra kung manonood muna ito bago ang game nila kaya’t medyo mawawalan siya ng concentrate para dito kaya’t pinapanood niya si Mark para may lakas na loob ito para mag laro lang ng mag laro.
Sumapit ang araw kung kelan laro na nila James, maraming taong nanonood para sa laban nila James, at syempre nanonood na sila Rechelle at Rina sa laro nila James, habang pinagmamasdan nila ito mag laro si Rechelle ay tila’y parang nagugustuhan na niya rin si James, pero hindi pwede dahil crush ni Rina si James kayang nag d-dalawang isip pa ito.
“Tignan mo si James bestie ang galing niya noh, akala ko dati para lang sa mga bading yung larong volleyball, pero hindi pala kapag si James nag lalaro lalakeng, lalake yung galaw niya” Kinikilig si Rina habang ito’y sinasabi kay Rechelle.
“Kinikilig ka lang bestie, kaya mo nasasabi niyan HAHAHA!” Natawa na lang si Rechelle dahil kung si Karl nga tinataboy niya bakit si James hindi.
Malapit ng matapos ang laro nila James, at ang score nila ay magkadikit lang match point lagi ang nangyayari dahil hindi mo maitatanggi na magaling din ang nakakalaban nila. Hanggang sa may sumigaw.
“Go kaya mo yan James, talunin mo na sila” Isang babaeng sumigaw upang icheer si James.
At nakita ni James ang sumigaw ay walang iba kundi si Cassandra, bugla nalang na buhayan si James na napapagod pinag-patuloy ang laban kahit napapagod na ito at may sumigaw ulit.
“James, naniniwala akong kaya mo yan” Sigaw ni Mark, na sumusupporta kay James.
Hanggang sa mas ginanahan na si James dahil buong court at pangalan na niya ang sinisigaw nito ang iniisip niya nalang
“Hindi ako pwedeng matalo dito, nakasalalay lahat saakin, para sa national gagawin ko ang lahat” Habang iniisip ito ni James, na kailangan niyang manalo para sa pangarap niyang national.
Nag patuloy ang laban hanggang sa nanalo sila James, dahil sa pag block at pag spike niya ng bola kaya sila nanalo, dahil sa sigaw na yun dalawang sigaw mula sa malapit sa kanya hanggang sa sumusupporta sa kanya tulad nila Rina at Rechelle, kaya’t nanalo ito dahil sa support. Hanggang sa tumayo na sila Rechelle at Rina upang umalis na at pumunta sa classroom nila ng biglang napatingin si Rechelle at napatitig kay James.
“Uyy bestie tara na alis na tayo wag kanang tumunganga” Gusto nang umalis ni Rina kaya’t minamadali na niya si Rechelle.
“Ahh, sige bestie, tara” Umalis nalang si Rechelle, hindi niya din alam kung bakit siya napatitig kay James dahil ba gusto niya ito or may something para sa kanilang dalawa.
Habang nag cecelebrate sila James napatitig din si James sa kalayuan
“James, ano bang iniisip mo jan, panalo na tayo wag kanang maraming iniisip” Si Mark na bumababa upang icongrats si James dahil sa pag kapanalo nito sa Volleyball di naging madali ang laban nila James kaya’t hindi nito maiwasan pumunta sa paroroonan ni James.
“Feeling ko kasi may kilala ako dun” Pakiramdam ni James na kaya’t na patitig dahil sa tingin niya may kakilala siya.
“Guni-guni mo lang yan” Tugon ni Mark.
“Siguro nga, sinong panalo, kundi ang team natin! Let’s go!” Sa sobrang excite ni James biglang nabuhayan ang kanyang dugo.
“Aminin mo James, kundi dahil kay Cassandra hindi ka mabubuhayan, kanina pagod na pagod kana kakalaro” Napansin ni Mark kaya’t mas nabuhayan si James dahil kay Cassandra.
“Baliw hindi, magaling lang ako kaya kami nanalo” Iniba nalang ng usapan ni James.
“Pero congrats parin sa pag ka panalo niyo hindi biro ang nakalaban niyo, palaban din dahil gusto din makapasok sa national” Congrats na lang ni Mark si James
Habang nag kakasihayan natapos na ang isang araw, gabi na tila’y iniisip parin ni James ang nangyari sa laro nila kanina
“Ganda ng laban *Smile*” Habang iniisip ni James ang kanyang sinabi.
At may naisip si James, kinuha niya ang diary at nag decide tignan ang pangalawang pahina nito upang tulangan naman ang babae ngunit habang binabasa niya ito nagulat siya sa kanyang na basa at di niya akalain na ayun ang babasa ni James, dahil sa pag ka bigla nag cr muna ito at nakiya niya si Mark na may kausap sa cellphone.
“Mark, ano yan?” Tanong ni James
“Ah ito? Wala lang, may ka text ako” May ka text si Mark na hindi ka kilala kung sino.
“Babae ba yan?” Tanong ni James kung ito’y ba babae ang kausap ni Mark.
“Oo naman babae ito” At kompirmado na babae ang kausap ni Mark.
“Kilala mo ba yang babaeng niyan?” Tanong ni James kay Mark.
“Hindi pa pero may rules bago ito makilala” Tugon ni Mark.
“Rules? May rules pa ang ganda namang text niyan may rules HAHAHA!” Tila’y napatawa nalang si James sa kanyang sinabi mula kay Mark.
“Oo, galing kasi sa Booth Text to, ang galing nga eh, hindi mo ka kilala yung mga nakaka-text mo” Humahanga nalang si Mark sa Booth Text.
“Paano naman niyan?” Nag simula na mag curious si James sa ginagawa ni Mark.
“Simple lang, ibibigay mo yung number mo tapos ilalagay sa bottle, then kapag may gusto mag pa Booth Text ang isang babae bubunot ang babae mula sa bottle, pero kung ayow mo naman mabunot yung number mo, pwedeng ikaw naman bubunot sa bottle ng mga babae, magandang laro siya diba” Inexplain ni Mark ang nangyayari sa Booth Text.
“Paano naman kayo mag kikita?” Tanong ni James.
“1 month rule, kapag nakapag 1 month na kayo tsaka lang kayo mag k-kita at syempre kapag na bunot mo siya kailangan mag pa kilala ka para aware naman siya na may nag text sa kanya galing sa Booth Text” Sabi ni Mark.
“Kelan kaba nag istart?” Tanong ni James kay Mark.
“Itong last week lang na curious ako, mukha namang maganda kaya sinubukan ko” Nag try lang si Mark para Booth Text pero wala siyang interest para dito.
“Parang ambaduy naman niyan, ayoko ng ganyan” Nabaduyan si James kaya’t parang ayow niya itong subukan.
“Ikaw bahala, pero sabihan mo lang ako kapag mag papa-Booth Text ka” Sabi ni Mark.
Hanggang sa umakyat na si James upang ituloy ang pag babasa niya para sa diary.