8. A NEW BEGINNING

1837 Words
Christina's POV Nagpupumiglas ako habang buhat ni Harper, pinilit kong makawala sa mahigpit niyang pagkakabuhat sa akin. “Bitawan mo ‘ko, Harper Dickson!” sigaw ko, halos mawalan na ng boses sa pagpupumiglas ko. Mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin, na para bang wala siyang pakialam kung nasasaktan na ako. Pero hindi ako tumigil. Tinulak ko siya, siniko, hanggang sa wakas, binitawan rin niya ako. Napatingin ako sa paligid. Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga staff. Lahat sila nakatingin sa amin. May mga nagbubulong-bulungan, may mga halatang nagtataka, at may mga nakataas pa ang kilay. Pero si Harper? Wala siyang pakialam. Kahit pa pinagtitinginan kami kanina. “Matagal na tayong quits, Harper!” sigaw ko, direkta sa mukha niya. “Huwag mo na ‘kong pakialaman pa at Huwag mo na rin akong sundan puwede ba?” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad palayo. “Christina!” mariing tawag niya. Hindi ko siya pinansin. Hindi ako lumingon. Bahala ka diyan. Akala mo siguro nabaliw ako sa unang s*x natin. Sa totoo lang, matagal ko ng kinalimutan 'yon. Magaling ka nga sa kama pero hindi ibig sabihin nun na magmamakaawa ako sa 'yong angkinin muli noh! No way! Sa una, mabagal lang ang mga hakbang ko. Pero nang maramdaman kong medyo malayo na ako sa kaniya, doon ko binilisan ang mga lakad ko. Hinihingal tuloy ako. Nakalimutan kong tahi itong tiyan ko. Nang makalayo na ay napahinto na nga ako. Hindi na rin naman kasi ako sinundan pa ni Harper. Nasapo ko ang dibdib ko, dahil sa sobrang hingal ko. “Ahh…” mahinang daing ko. Ang bigat na rin pala ng dibdib ko. Kanina pa ako hindi nakakapag-pump. Napatingin ako sa paligid nasa parking lot na pala ako. Hindi ko man lang namalayang nakalabas na pala ako ng building. Dahan-dahan akong lumapit sa isang sasakyan at bahagyang nagtago sa likod nito. Wala namang tao kaya maingat kong kinuha ang breast pump at lalagyan ng gatas mula sa bag ko. Sanay na ako sa ganito, sa isang araw, kapag hindi ako nakakapag-pump, sobrang bumibigat at sumasakit talaga ang aking mga s**o. Tahimik akong umupo, habang ginagawa ang kailangan kong gawin. Ilang minuto rin ang lumipas nang matapos ako, napabuntong-hininga na lang ako. Gumaan bigla ang pakiramdam ko. Kamusta na kaya si baby Charles. Sigurado akong nagugutom siya kaya sa mga oras na ito baka dumedede siya. Maingat kong inayos ang mga gamit ko bago tuluyang tumayo. Huminga ako nang malalim tsaka ako tuluyang umalis sa parking lot. Sumakay kaagad ako ng jeep. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Iniisip ko pa nga kung saan ako. Sa apartment o mag-ho-hotel na lang ako. Yung mura lang. Sa huli, nakapagdesisyon akong apartment na ang kukunin ko dahil kailangan ko rin naman 'yon. Paano kung matanggap ako sa trabaho? May matitirahan na kaagad ako. “Kukunin ko si baby Charles at si yaya Chai kapag nagkaroon na ako ng trabaho.” bulong ko sa sarili ko. Sana lang hindi na ulit manggugulo pa si Harper sa buhay ko. Sila Mommy at Daddy? Wala na akong balita sa kanila. Kamusta na kaya sila Nandito na ako ngayon sa lugar kung saan maghahanap ako ng matitirahan kong apartment. Magkakadikit ang mga bahay pero ayos na siguro ito sa nag-uumpisang tulad ko. Mag-iinarte pa ba ako? Sapat lang ang pera ko sa paghahanap ng trabaho at sa matitirahan ko sa isang buwan na renta. Inutang ko pa nga ito kay Cedric. Buti na lang talaga wala man lang reklamo ang pinsan kong 'yon. Wala akong narinig na kahit na anong masakit na salita mula sa kaniya kahit pa napakalaki na ng gastos niya sa amin ng anak ko. Nagpapasalamat na lang talaga ako dahil nagkaroon ako ng pinsan katulad ni Cedric. "Ineng? Anong kailangan mo?" mula sa pinto ay bumungad ang isang matandang babaeng nagyoyosi. "Magtatanong lang po sana ako kung may bakante pa ho kayong apartment." "Aba'y oo naman. Tamang-tama kaaalis lang ng nakatira doon sa kabilang unit. Halika ipapakita ko sa iyo." Itinapon niya ang kaniyang yosi. Nauna itong maglakad sa akin habang ako naman ay nakasunod sa kaniya. Napahinto ito kaya napahinto rin ako. Binuksan niya ang pintuan ng nasa tapat namin ngayong apartment. Binuksan niya ang pinto tsaka muling bumaling sa akin. "Neng, halika, tingnan mo sa loob kung magustuhan mo." Humakbang ako papasok sa loob. Nakita ko ang maliit lamang na sala. May sala set na sofa na doon. "Sa akin ang sofa na 'yan. Hindi ko na talaga kinukuha. Palibre ko na sa mga nag-re-rent. Ngunit kung gusto mo naman kunin dahil may sarili kang sofa sabihin mo lang dahil ipapakuha ko sa mga anak ko." "A-ayos na ho siguro 'yan, Manang." sabi ko. Hindi naman masyadong luma ang sofa. Maayos pa at mukhang alaga ng dating nakatira dito. "Yung dati kasing nakatira dito mag-asawa lang kaya talagang malinis ito. Tingnan mo naman 'yong dingding parang bagong pintura lang. Halika, ipapakita ko sa iyo ang kusina at ang isang kwarto." nauna na naman siyang maglakad. Ilang hakbang lang din naman ay narating na rin namin ang kusina. Mayroon doong gas stove, lababo at lamesa. May dalawang upuan rin naman. Hindi ko na pala kailangan bumiling malulutuan. Mabuti na lang. "Yung gas stove babayaran mo 'yan sa akin ng five hundred a month. Bukod pa ang tubig at kuryente sa bayad ng apartment." "M-magkano ang rent?" "Five thousand pesos lang naman. One month deposit and one month advance." Oh my goodness! Kailangan ko pala ng ten thousand. Hindi pa ako sigurado sa trabaho kung makakahanap kaagad ako. Napabuntong hininga na lang ako. Mabuti na lang may dala akong twenty thousand. May pambili pa ako ng mga kailangan ko at panggastos sa pag-aaply ko ng trabaho. "Wala ka ng makikitang mura dito, hija. Mura na nga ito. Sa iba nga ang five thousand pesos nilang apartment walang banyo at kwarto. Dito may banyo na at isang kwarto. Swerte ka na rito." "Kukunin ko na ho ito." "O sige, ibibigay ko na sa iyo ang susi." tuwang-tuwa na sabi nitong matanda. "Ibibigay ko na rin ho ang bayad ko." "Ikaw ang bahala iha kung ngayon mo na ibibigay. Puwede naman bukas." "Ngayon na ho. Baka magiging busy ho ako bukas." "O, sige." Kinuha ko ang aking wallet sa loob ng aking bag. Kinuha ko ang sampung libo at ibinigay dito. "Salamat dito, Ineng. Lalabas na ako. Ikaw na ang bahala rito." "Sige po." Humakbang na palabas ang matandang babae hanggang sa tuluyan na nga itong lumabas. Isinarado ko ang pinto at napasandal. Namiss ko bigla ang anak ko. Maggagabi na. Hindi ako sanay na hindi ko siya katabing matulog. Mag-isa akong matutulog ngayong gabi. Napabuntong hininga na lang ako. Tinahak ko ang kwarto. May kama na doon at may foam na rin. Naupo na lang ako sa kama at humingang malalim. Panibagong buhay na hindi kasama si Cedric. Sa mga susunod na araw ay kukunin ko na si baby Charles para makasama ko na siya dito. Kinuha ko ang cellphone upang tawagan si Cedric. Mabuti na lang isang ring pa lang ay sumagot na kaagad ito. "Oh, Tina bakit ngayon ka lang tumawag?" "Anong ngayon lang? Kanina pa nga kita tinatawagan ngunit hindi mo naman sinasagot." "Pasensya naman busy ako kanina. May mga clients akong kausap kanina. Pinuntahan ko pala sa kwarto si baby Charles. Ayon tulog na tulog. Mabuti na lang hindi nahihirapan si Chai sa kaniya. Napakabait talaga ng anak mo." "Mabuti naman kung ganoon." "So, anong balita sa lakad mo? Natanggap ka ba?" "Na-late ako." kaagad na sagot ko. "Ano? So, hindi ka natanggap?" "Ano pa nga ba? Inalok ako sa pagiging janitress pero hindi ko tinanggap. Hindi kasi kayanin ng gastusin at pambayad ko pa kay Chai ang suswelduhin ko." "Ano ka ba? Kapag kailangan mo ng pera huwag kang mahihiya magsabi sa akin, okay? Marami ako niyan." "Nahihiya na nga ako sa 'yo eh! Ang dami ko ng utang sa 'yo." "Ano ka ba? What are cousins for?" natawa sa kabilang linya si Cedric. "Ikaw lang naman itong gusto magtrabaho eh! Kung tutuusin puwede naman kayo dito sa bahay kahit pa tumanda tayong magkakasama at ako lang ang bubuhay sa inyo ng pamangkin ko. Ayos lang sa akin. Wala rin naman akong asawa. Dahil nga bading ako. Hindi rin naman ako mag-aasawa ng lalaki noh! Ipapahamak ko pa kayo." dagdag pa na sabi ni Cedric. Ang bait talaga ng pinsan kong ito. "Hayaan mo. Kapag ako naman ay magkaroon ng trabaho babawi din ako sa iyo, Cedri—c." Napahinto ako at napatingin sa pinto ng marinig kong may kumakatok doon sa labas. "May bisita ka ba?" tanong ni Cedric. "Baka yung may-ari ng apartment. Sige, papatayin ko na itong tawag ko." "Christina, mag-iingat ka diyan. Huwag kang magbubukas na lang ng pinto lalo pa at gabi na." "Opo, ma'am." pabirong sabi ko sa kaniya. Ibinaba ko na ng tuluyan ang aking phone sa kama. Naglakad ako palabas ng kwarto at nilapitan ang pintuan. Paulit-ulit ang mga katok sa pinto. Hindi humihinto. "Sino 'yan?" "Ineng, ako ito." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang boses ng may-ari. Akala ko kung sino na. Binuksan ko ang pintuan. Sumalubong naman kaagad sa akin ang napakabangong ulam. "Ineng, dahil bago ka lang dito ito ang paraan ng pag-welcome ko sa mga bagong nagrerenta ng apartment ko. Sinigang na baboy at ito naman adobong manok." nakangiting sabi nito sa akin. "Nag-abala pa ho kayo. Salamat po dito." tinanggap ko naman ito. Hindi naman puwedeng tanggihan. Pagkain ito at baka isipin nitong napakaarte ko. "Sige, aalis na ako." nagpaalam rin naman ito kaagad. Kaya isinarado ko na lang ulit ang pinto. Naglakad ako papuntang kusina para dalhin doon ang ulam ngunit narinig kong may kumatok na naman sa pintuan. Natigilan ako at napalingon doon. Baka may nakalimutan yung matanda. Napabuntong hininga na lang ako tsaka muling naglakad pabalik sa pinto. Hindi ko pa nailalagay ang ulam sa mesa. Baka kasi may nakalimutan yung matanda. Hinawakan ko sa doorknob. "Mayroon po ba kayong nakalimu—" hindi ko natapos ang pagsasalita ng makita kong sino ngayon ang nasa harapan ko. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko ngayon si Harper at nakangisi para bang ikinatutuwa ko na nandito siya. "Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sa kaniya. "Hindi mo ba ako papapasukin?" nakangising tanong niya sa akin kasabay ng pagsilip sa loob. Kaagad uminit ang ulo ko. Sa inis ko ay hinawakan ko ang pintuan at malakas kong isinarado ito. Napasigaw siya sa labas. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang paghiyaw niya na tila ba nasasaktan ito. "s**t! s**t! Christina! f**k!" he shouted from outside. Mukhang naipit ko pa yata ito. "Ano bang ginagawa mo dito? Umalis ka na puwede ba?" sigaw ko rin. Paano niya natunton 'to? Ang alam ko hindi niya ako nasundan pero paano niya nalamang nandito ako? Arrgh! Nakakainis ka talaga Harper Dickson! Anong gagawin ko para mawala ka sa buhay ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD