3- CLUB

1737 Words
Christina's POV Nasa loob pa lang ako ng taxi at habang papalapit sa bahay ay nakikita kong nagkakagulo ang mga tao. Kaya mas pinabilisan ko sa pagmamaneho si Manong driver. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang nasusunog ang bahay namin. "Jusko po! May sunog." alalang-alala ni Manong driver. Habang ako hindi na nakaimik dahil tumigas na ako sa kinauupuan ko. Huminto ang taxi sa tapat ng bahay namin na nasusunog. "Ma'am, alam niyo ho ba kung kaninong bahay 'yang nasusunog?" bumaling siya sa akin. Hindi na ako nakapagsalita pa. Binuksan ko na lang ang pinto at nagmadaling lumabas. Baka nasa loob pa sila Mommy. Tumakbo kaagad ako palapit doon ngunit pinigilan ako ng mga taong tumutulong upang mawala ang apoy. "Ate, ang Mommy at Daddy ko nasa loob pa ba ng bahay?" naiiyak kong tanong dito. Kapitbahay namin itong kausap ko. Napailing ito kaya mas lalo akong kinabahan. Huwag naman sanang mangyari ang nasa isip ko. Oh God! "Christina!" Kaagad akong napalingon sa kinaroroonan ng boses na tumawag sa akin. Ganoon na lang ang paghinga ko ng maluwag ng makita sila Mommy at Daddy. "Mommy!" tumakbo kaagad ako palapit dito at niyakap ng mahigpit. "Ano po ang nangyari? Bakit nasunog ang bahay?" nag-aalalang tanong ko. "Hindi ko rin alam, Hija. Nasa taas kami ng daddy mo para ayusin ang mga gamit natin ngunit bigla na lamang nagsisigaw si Manang Lily na nasusunog ang bahay. Kaya hindi na namin nakuha pa mga gamit natin. Mabilis kumalat ang apoy. Lahat wala na." nanghihinang sabi niya. "Paano na tayo ngayon?" naiiyak na sabi ni Mommy kay Daddy. Niyakap lamang siya ni Daddy at hinaplos ang likod nito. Wala ngang naligtas na gamit sa bahay, lahat ay nasunog. Kaya walang natira sa amin kahit nga damit ko ay wala. Ganoon din sila Mommy at Daddy. Dinaig pa namin ngayon ang dagang walang masisilungan. Nakitulog na muna kami sa iisa sa mga kapitbahay namin ng gabing iyon. Mabuti na lang mabait to at inampon na muna kami kahit isang gabi lang. Simula ng umuwi ako ay puro kamalasan na ang nangyari sa buhay ko. Kinaumagahan nga ay may mga pulis na naghahanap sa mga magulang ko kasama ang taong bumili ng bahay namin. Ayaw nilang magpatawad at magpalugit ng ilang linggo upang maibalik nila Mommy at Daddy ang perang nakuha mula sa kanila. Ang perang pinagbilhan ng bahay ay nadamay sa sunog kaya wala talagang maibabalik sila Mommy. Natulala na lang ako ng lagyan ng posas ng mga pulis ang kamay nila Mommy at Daddy. Bakit nangyayari sa amin 'to? "Christina..." umiiyak na tawag ni Mommy sa akin habang hinihila na sila ng pulis palabas ng bahay nitong aming kapitbahay. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap ito ng mahigpit. "Christina, ikaw lang ang pag-asa namin. Tulungan mo kami anak." "Paano? Wala ho akong pera, Ma." "You know what to do." tiningnan niya ako sa aking mga mata. "The only way para hindi kami tuluyang makulong. Dapat mong kausapin si Harper. Ituloy mo ang kasal." pagmamakaawa ni Mommy sa akin. Napailing ako. Hindi ko talaga kayang magpakasal sa manlolokong 'yon. Pakiramdam ko, habang buhay akong mag-su-suffer sa piling ng lalaking 'yon. "Chris, please..." Naibaling ko ang paningin kay Daddy. Minsan lang 'yan magsalita at minsan lang din niya akong kausapin pero sa pagkakataong ito nakikiusap siya at nagmamakaawa. Wala na ba talagang ibang choice. Kung puwedeng sa ibang lalaki na lang huwag lang sa Harper na 'yon gagawin ko. "Hahanap po ako ng ibang paraan, Ma. Hindi ho ako magmamakaawa kay Harper." "Anak, si Harper lang ang may kakayahang tumulong sa atin." "Mom!" "Halika na, misis. Kailangan na nating umalis." lumapit ang pulis kay Mommy. Hindi ko na nga napigilan pa ang mga ito na dalhin sila Mommy at Daddy sa presinto. Napaluhod na lang ako. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan sila habang isinasakay ito sa patrol car. ----- Sa araw din na iyon ay umalis ako sa bahay ng kapitbahay namin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta't sinundan ko lang ang aking mga paa. Napatingala ako sa napakataas na building sa aking harapan ngayon. Kailangan ko ng trabaho pero ano namang trabaho ang papasukin ko kung kailangan ko kaagad ng malaking pera para maibalik ang pera sa taong bumili ng bahay namin. Pagpasok ko sa loob nakita kong naghahanap sila ng model. Puwedeng-puwede naman ako dahil matangkad, balingkinitan ang aking katawan at pagdating sa ganda, may maibubuga naman ako. "Ahm! Miss puwede bang magtanong? Saan puwedeng mag-apply bilang model?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Tamang-tama po, ma'am kailangan pa ho namin ng isa." "T-talaga? K-kung ganoon puwede ako?" "Puwedeng-puwede po. Sa ganda mo na 'yan." sabi niya. Nagkaroon ako ng pag-asa. "Sumunod ho kayo sa akin, ma'am." Sinundan ko siya. Pumasok kami sa loob ng studio. May kinausap ang babae. Lumapit siya sa bakla kaya napatingin silang pareho sa akin. Maya naya lang ay bumalik nga ang babae. Laglag ang kaniyang mga balikat at hindi rin maipinta ang mukha sa pagkadismaya. "Pasensya na ho, ma'am. May nakuha na ho palang model." Bumagsak rin ang aking mga balikat dahil sa sinabi niya. Sayang na sayang lang dahil malaki pa naman daw ang sahod. Maya maya naman ay lumapit sa amin ang bakla. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Kailangan mo ba ng trabaho?" maarteng tanong nito sa akin. "O-po." "Gaano ka interesado sa trabaho?" "Kailangan ko ng pera." wala ng paligoy-ligoy na sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya. "Tamang-tama ka. Mamayang gabi sa club maraming elite ang pupunta. Isang gabi mo lang doon milyones na kaya kung gusto mo...doon kita ipapasok." "C-club?" "Bakit? Ayaw mo ba? Ang sabi mo kailangan mo ng pera. Kung ayaw mo e 'di hahanap na lang ako ng iba. Sayang ka maganda ka pa naman. I'm sure pag-aagawan ka. Malaki ang offer na ibibigay nila sa 'yo." "Ibig mo bang sabihin? Ibibigay ko rin ang katawan ko sa kung sinong makakabili sa akin?" "Ano pa bang inaasahan mo? Kaya ka nga nila bibilhin 'di ba? Ano? Pumapayag ka ba? Deal or no deal? Sagot na kaagad dahil ayaw kong mag-aksaya ng panahon." Huminga akong malalim. Kakayanin ko bang ibigay ang sarili sa taong hindi ko kilala. Kung kay Harper naman, mas lalong hindi ko kayang ibaba ang dignidad sa taong nanloko sa akin noon. "Ano? kailangan ko kaagad ng sagot mo." "Y-yes." sagot ko kaagad dito. Baka magbago pa ang isip niya. Para sa inyo 'to mommy at daddy. Ayaw ko lang na makitang nahihirapan kayo sa kulungan. Ibebenta ko ang puri ko para sa inyo. ---- Dumating nga ang gabi, nanginginig ang tuhod ko habang nagbibihis ng napakaiksing palda na ito. backless croptop naman sa pang-itaas ko. Parang gusto ko na lang umatras dahil hindi ko pala kaya ito. I can’t imagine myself having s*x with someone I don’t love and don’t even know. Pero nandito na ako. Ano pa bang gagawin ko kundi ituloy ito. Hindi nga ako nagmakaawa kay Harper para lang makalabas sila Mommy sa kulungan. But here I am, selling my virginity to stranger. Tapos na akong magbihis kaya inaayusan na nila ako. Ang kapal ng make-up ko, ang labi ko naman ay pulang-pula. “Tapos na,” sabi ng babaeng nag-aayos sa aking mukha. Hindi ako nakapagsalita Hindi ko magawang tumingin sa sarili ko sa salamin. Natatakot akong makita kung sino na ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Pagkatapos nga ng lahat ay tinahak ko ang pinto upang lumabas na. Pagbukas ng pinto, agad akong sinalubong ng malakas na ingay, mga boses, tawanan, hiyawan. Para bang may engrandeng party. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa entablado. Umaakyat ako sa stage nang marinig ko ang iba't ibang sigawan mula sa ibaba. Nang mapatingin sa harapan ko, napangiwi na lang ako nang makita ko ang mga lalaking nasa harapan ko. Mga matatanda. Mga lalaking may edad, nakatingin sa akin na para bang hinuhubaran na ako. Napaatras ako. “H-Hindi… ayoko—” bulong ko. Aalis na sana ako ng stage ngunit kaagad akong napigilan ng dalawang butler sa magkabilang braso. Mahigpit nila akong hinawakan at muling hinila patungo sa gitna. “Let me go!" nagpumiglas ako ngunit walang nangyari dahil hindi naman nila ako pinakinggan. Napilitan akong tumayo sa gitna ng stage. Tumulo na lang ang luha ko. Hindi ko akalaing aabot sa ganitong sitwasyon ang buhay ko. Nakaraang araw lang ay nasa Estates ako tapos ngayon nandito ako nakatayo at pinag-aagawan ng matatandang elite. Kaagad kong tinakpan ang sarili ko gamit ang mga palad ko, kahit alam kong wala itong silbi. Pakiramdam ko hinuhubaran nila ako sa paraan pa lang ng pagtitig nila sa akin. “Starting bid: five hundred thousand!” sigaw ng announcer. Parang tumigil ang mundo ko. “Six hundred!” “One million!” Sunod-sunod na offer ng mga ito. Parang wala silang pakialam kung magkanong pera ang ilalabas nila para sa akin. “Three million!” “Five million!” Lumalaki pa ang halaga ko ngunit hindi pa doon natapos. “Ten million!” “Twenty!” “Fifty million!” Napasinghap ako. Fifty million? Ganoon kalaki pala ang halaga ko sa kanila? Akala ko doon na matatapos ngunit bigla na lamang ulit may nagsalita. “Five hundred million.” Napatigil ang lahat. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang familiar na boses na 'yon. Hindi ako puwedeng magkamali. Kahit boses pa lang, kilalang-kilala ko na. Dahan-dahan akong napalingon sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na iyon. Napaawang ang labi ko ng makita si Harper. Ang lalaking tinanggihan kong pakasalan. Anong ginagawa niya dito? “Five hundred million.” ulit niya, umigting ang kaniyang panga. “She’s mine.” madiing sabi niya habang nakatutok sa akin ang kaniyang mga mata. Napakapit ako sa laylayan ng aking maiksing palda. Wala rin pala talaga akong kawala. Hanggang ba naman dito nakasunod siya. Please...sana may mag-offer pa ng mas malaki. Ayaw ko sa lalaking 'yan. Naipikit ko ang aking mga mata. Kanina lang hinihiling kong sana may mas batang mag-offer ng mas malaki pero ngayon hinihiling ko na lang na sana doon na natapos sa fifty million. "Ahm! W-wala na bang dadagdag sa five hundred million?" tanong ng announcer. Naimulat ko ang aking mga mata. Lahat sila ay nanahimik at wala ng ibang nag-offer pa. Ugh, s**t! That f*****g asshole. Don’t tell me I’m really going to give my virginity to him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD