12- MINE

1886 Words
Christina's POV “Christina?” Napalingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Nakasuot siya ng isang tailored blazer na kulay beige, eksaktong sakto sa hubog ng kaniyang katawan. “Yes po,” sagot ko kaagad at napatayo. “So, it's you." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Follow me.” Medyo mataray ang aura niya. Kung makatingin para bang sa isip pa lang kinukurot na ako. Pero hindi naman ako kinakabahan sa mga tingin niya. Ayos lang, sanay na ako sa mga taong ganito ang tingin. Kahit noong nasa State ako, mas marami pa ngang masungit doon pero hindi naman sila nanalo sa akin. Sumunod na lamang ako. Habang naglalakad kami, pakiramdam ko lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Lalo na mula sa ibang mga models dito. Ang sama nila makatingin sa akin. Ano bang nagawa ko sa kanila? Huminto kami sa isang conference room. Pumasok kami sa loob. Naupo siya sa swivel chair bago niya ako tiningnan. “Sit.” Umupo naman ako. “Welcome to H.D Model Management,” sabi niya habang inilalapag ang folder sa harap ko. “Before anything else, you need to understand how things work here.” Tahimik lamang akong tumango. Binuksan niya ang folder at isa-isang ipinakita ang laman. “First, orientation. You follow schedules. You don’t miss calls. And you represent the brand properly at all times.” Napatango na lamang ako. “Second, kailangan ko munang makita kung kaya mo ba talaga ito.” Tumayo siya. “Come with me.” Naglakad siya palabas. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang makarating kami sa isang malaking room na puno ng damit na iba’t ibang styles. Humarap siya sa akin. “Stand straight.” utos niya. Kaagad ko namang inayos ang tindig ko. May isang babae na lumapit sa akin at nagsimulang kumuha ng sukat ko. Ang balikat, baywang at balakang ko. “Relax your shoulders,” sabi nito. Sinunod ko naman kahit medyo naiilang. “Third, test shoot.” sabi ng babae sa akin mula sa likod ko. “We need to see how you move in front of the camera.” dagdag niya. Maya-maya, dinala nila ako sa studio. Napatingin sa akin ang ibang model na naroon. "Girls! Tama na muna 'yan. Gusto kong makita si Christina kung paano niya ihandle ang sarili sa camera!" sigaw ng babae. “Go to the center, Christina." utos niya sa akin. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gitna. May puting background doon at medyo nakakasilaw ang ilaw. Nakatayo na ako ngayon sa camera. Pakiramdam ko, lahat sila nakatingin sa akin. “Look at the camera!” Tumingin ako naman ako. “Relax. Don’t think too much, Christina.” sabi ng photographer sa akin. Don’t think too much? Paano ’yon? Hindi naman ako nag-iisip ng kung ano-ano. Naka-pose na nga ako. “Imagine you’re confident. That you belong here.” muli ay sabi ng photographer. Unti-unti kong inayos ang postura ko. Tinaas ang baba ko ng kaunti. Hinayaan kong lumambot ang expression ko. Nagulat na lang ako ng biglang mag-click ang camera. Ano naman kaya postura ko doon. Hindi pa nga ako handa. “Good!” sabi ng photographer. Wow! Good daw? Ibig sabihin maganda yung kuha ko. “Again.” muli ay sigaw niya. Nag-pose ulit ako. Yung fierce pose. Basta ganoon na 'yon. Maya maya narinig ko ulit ang pag-click ng camera. "Very good!" muling sigaw nito. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman nagawa ko. Akala ko pa naman mahihirapan ako. Umalis na ako sa gitna at nilapitan ang phtographer. "Puwede ko bang makita ang picture?" Ipinakita niya ito sa akin. Napakaganda ko naman doon sa kuha ko. "Kahit anong anggulo maganda ka, Christina." komento niya. "Salamat." "Christina!" Napalingon ako ng marinig ang boses ng babaeng kausap ko kanina. Nakakausap ko siya pero hindi ko siya kilala. "Sumunod ka sa akin. Ihahanda ko ang iyong kontrata." sabi niya tsaka naglakad na. Sumunod na lamang ako sa kaniya. Pagdating sa kaniyang office ay umupo ito sa swivel chair at maging ako ay pinaupo din niya. Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa kontratang nasa harapan ko. “Take your time, Christina, you can read everything written there.” Hindi na siguro kailangan 'yon. Nasabi niya na rin naman kanina mga dapat kong gawin. Kaya hindi ko na binasa pa ang kontrata. Pinirmahan ko na kaagad ito tsaka ibinigay sa kaniya. "By the way, I'm Gem. Just call me Ms. Gem." Sa wakas! Nagpakilala din siya. Akala ko wala siyang balak magkilala ng sarili niya. Kinuha ni Ms. Gem ang kontrata at maingat na isinara ang folder bago muling tumingin sa akin. “The process isn’t over yet, Christina." sabi niya. Napakunot ang noo ko. “Ma'am?” “The final signature on your contract will come from the CEO,” she answered directly. “He will also be the one to decide if you are officially accepted.” Hindi ko inaasahan ‘yon. Akala ko tapos na. Meron pa pala. Tumayo si Ms. Gem at inayos ang folder sa kamay niya. “Sumunod ka sa akin. Kailangan ka niyang makita—personally.” Wala akong nagawa kundi tumango. Tumayo rin ako. Kanina pa kami lakad ng lakad. Yung dede ko bigat na bigat na. Hindi nga pala ako nakapag-pump bago umalis kaninang umaga. Baby, nagugutom ka na ba? Please, huwag muna ngayon. Makikipagkita pa ako sa CEO. Kaunting tiis na lang. Makakapag-pump rin ako. Paglabas nga namin ay narinig ko ang bulungan ng ibang model na naroon. "Buti pa siya makikita niya si Mr. CEO." narinig ko ang isang babae “Have you seen the CEO?” dagdag pa ng isang babaeng nadaanan namin. Nagkumpulan sila doon. Ang bagal pa ng lakad ko kaya rinig na rinig ko sila. "Nakita ko siya kanina. Kararating lang niya and he is so hot." Binalewala ko na lang ang mga ito. Dinaanan lang namin sila ni Ms. Gem..Naglakad kami sa hall way patungong office ng CEO. Siguraduhin lang nilang hot itong CEO na 'to. Baka naman duling ang mga babaeng 'yon. Huminto kami sa isang malaking pinto sa dulo ng hallway. Mas elegante ito kumpara sa ibang opisina. Napalunok ako.Bakit kaya bigla akong kinabahan? Kumatok si Ms. Gem nang dalawang beses bago marahang pinihit ang doorknob. Bahagya niyang binuksan ang pinto at sumilip sa loob. “Sir, the new model is here.” "Let her in." Binuksan ni Ms. Gem ang pintuan. Tumabi siya at bahagyang ngumiti sa akin. “Go in, Christina.” Sinimulan kong ihakbang ang aking mga paa papasok ng opisina. Huminga ako nang malalim. This is it. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Ako na lang mag-isa dahil si Ms. Gem umalis na. Natanaw ko ang lalaking nakatalikod mula sa akin. Nakaupo sa swevil chair. "Close the door." maawtoridad nitong utos sa akin. Hindi naman siya palautos. Okay. Sinunod ko ang utos niya bago tuluyang humakbang palapit sa kaniya. Hindi pa rin naman ito humaharap sa akin kaya tumikhim ako. "Sir, pinapunta ako rito ni Ms. Gem para papirmahan itong kontrata.” sabi ko sa kaniya. “Hmm.” unti-unti siyang humarap sa akin. Sa mga sandaling iyon parang tumigil ang mundo ko ng makita ang kaniyang mukha. “Harper?" bigla akong napatayo. Hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko dito. Bakit ba palaging ang taong ito na lang ang nakikita ko? Kahit anong iwas ko siya pa rin itong bumubumugad sa pagmumukha ko. Shit! Baka naman malabo na itong mata ko. Kinusot ko pa para makasigurado. Ngunit hindi talaga nag-iba. Siya talaga si Harper. Hindi ako makapaniwala. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya na para bang inaasar ako sa reaksyon ko. “Miss me?” he said casually. Napaatras ako agad. “Ikaw? Ikaw ang CEO?” “You didn’t know?” he smirked. Naramdaman kong uminit ang mukha ko. Kung alam ko lang sana hindi ko na tinanggap 'to. “I’m backing out.” mabilis kong sabi. “Ayoko na ituloy ‘to.” inis na sabi ko. Kinuha niya ang contract at itinaas ito sa ere. “You already signed the contract, Christina.” he said with a smirk. Napatigil ako. “You can’t just walk away that easily, Christina.” “Then cancel it!” matapang na sabi ko. He chuckled softly. "It doesn’t work that way.” Dahan-dahan siyang tumayo at umikot sa kaniyang table para lapitan ako. Napaatras kaagad ako. “I want to see something first,” he continued, his eyes scanning me. “If you’re really worthy of being a model under my company." he playfully said. Napalunok ako. Naramdaman kong uminit ang dibdib ko sa paraan ng pagtingin niya. Parang sasabog na nga itong dede ko, dinagdagan pa niya ng tensyon ang nararamdaman ko ngayon. Kaya ito, hindi na lang dede ko ang pasabog kundi pati na rin ang pantog ko. “Raise your outfit a little." Kaagad akong napailing. “No.” Napangiti siya, parang mas lalo pang naaliw. “I said, raise it.” malumanay niyang utos habang pilyo itong nakangiti. “I said no!” mas matigas kong sagot. “Magba-back out na ako.” Hindi siya sumagot. Sa halip, tuluyan siyang lumapit sa akin. Ako naman ay napaatras. Hanggang tuluyang tumama ang likod ko sa pader. Wala na akong matakbuhan. Tuluyan na niya akong na-corner. Napahigpit ang hawak ko sa sarili kong damit habang nakatingala sa kaniya. Sa tangkad ba naman niya. Napakalapit niya sa akin habang nakayuko ito at diretsong nakatingin sa aking mga mata. “Why are you avoiding me, Christina?” he asked. "Kagabi lang maraming beses kang umungol sa akin habang isinisigaw ang pangalan ko." Shit! Biglang nag-init ang mukha ko. Pakiramdam ko namumula ako. "Huwag na natin pag-usapan ang nangyari kagabi puwede ba?" masungit na sabi ko sa kaniya. "Then, gawin mo ang inuutos ko sa 'yo. Itaas mo ang damit mo upang makita ko kung pasado ka ba sa standard ko." Umarko ang aking mga kilay. Inis na inis dahil sa sinabi niya. Para bang sinasabi niyang hindi pa ako pasado sa kaniya. "Nahihiya ka pa bang makita ko ang katawan mo? Wala ka ng itatago pa sa akin, Christina. Nakita ko na lahat 'yan." ngumisi siya. "Akala ko ba nakita mo na lahat? Bakit ipinapataas mo pa sa akin ang damit ko? Pervert! Lahat ba ng model mo dito ganoon ang ginagawa mo?" taas noong tanong ko sa kaniya. Nagulat na lamang ako ng hawakan niya ang braso ko. Hindi ko inaasahang patalikurin niya ako at mahigpit na hinawakan ang dalawang kamay ko mula sa likod ko. Hindi tuloy ako makagalaw. Naipit pa ang dede ko. Pasabog na nga ito. Bumilis ang t***k ng puso ko ng maramdaman ko ang hininga niya ay nasa leeg ko pagkatapos hawiin ang buhok ko. Sunod-sunod akong napalunok. "Sa iyo ko lang ginawa 'to, Christina." "Sigurado ka ba? Baka nga yung iba nakikipag-s*x pa sa 'yo bago momtinatanggap." inis na inis na sabi ko sa kaniya kahit hindi na ako makagalaw pa. "Kung ganoon, gawin natin 'yon ngayon." "Anong—" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong halikan sa leeg. "Harper!" sigaw ko. Pumapalag ako pero hindi naman ako makagalaw dahil nga hawak niya ang kamay ko na nasa likuran ko. Inipit pa niya mga hita ko. "Akin ka lang, Christina. Every part of you is mine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD