Chapter 68 “Bullshit!” Rinig na rinig ni Khia ang pagmumura ni Alex. Nasa sala sila at si Alex ay nasa silid nito. Tahimik silang lahat at inaabangan ang susunod na magiging desisyon nito. Lahat sila ay nagulat dahil sa nangyari. Hindi nila inaasahan iyon lalo na at mga black wizards ang kumuha kay Robin. “Mom, what do you know about Robin’s necklace? I heard you called her, Princess.” Tanong ni Xandro sa ina. Si Meredith ay hawak ang magkabilang braso habang nakahalukipkip. Nakaalalay naman dito ang asawa na si Aleister. Hinding-hindi niya makakalimutan ang tungkol sa kwintas na iyon dahil ang kwintas na iyon ay galing sa Reyna ng Verthron. “Mukhang si Robin talaga ang nawawalang Prinsesa ng Verthron. Hindi niyo ba nabalitaan ang kwento ng pamilya nila?” tanong ni Marcus Umiling

