Chapter 72 Mahihinang katok mula sa pinto ang nakakuha ng atensyon ni Khia. Akala niya ay si Johnny o hindi kaya naman ay si Marcus kaya’t hindi na niya tinanong kung sino ito. Tumayo si Khia buhat sa pagkakahiga sa kama at lumapit sa pinto. Nang buksan niya iyon ay ang nag-aalalang mukha ni Daemon ang bumungad sa kanya. Daemon looked at her, “Are you okay, Khia?” Hindi kaagad nakapagsalita si Khia dahil hindi niya inaasahan na ito ang bubungad sa harap ng kanyang pinto. Sa tuwing aksidenteng mababanggit nina Johnny at Marcus ang tungkol kay Mavis at ganoon ang reaksyon niya ay iniiwan niya ang mga ito. Kaagad namang hihingi ng tawad sa kanya ang dalawa, ngunit sa kaso kanina ay hindi ang mga ito ang nakabanggit kay Mavis. Si Daemon pero sa klase ng tingin ni Johnny kanina ay gusto ni

