Chapter 7

2331 Words
Chapter 7 "Call me, Alex." Hindi pinatulog si Robin ng nangyari kagabi. Ano ang pumasok sa isip ni Alexan- ni Alex at ginawa nito iyon? Bakit nito dinilaan ang leeg niya? Sa tuwing naaalala niya ang ginawa ng lalake ay mas nadadagdagan pa ang inis niya dito. Napahawak si Robin sa kanyang leeg at dinama 'yon.  "Ah! Ano ba kasi ang trip niya? pinaglalaruan ba niya ako?" Maaga siyang pumasok ngayon sa Academy dahil siya ang naatasan na magdilig ng mga halaman sa garden sa likod ng Lazeu. Iyon ay isa sa daily activity nila sa science subject. Kailangan mabuhay ng mga halaman na iyon at kung hindi wala silang grado ng buong sem. "Huwag lang magpapakita sa akin ang Alex na 'yon at makikita niya talaga." She murmured. Ibinaba niya ang gamit sa upuan doon at kinuha na ang pandilig ng mga halaman. Maaga pa at nasa alas otso y media pa lamang. Malamig ang simoy ng hangin at nagsasayawan ang mga halaman sa tuwing hahangin ng malakas. Magaganda ang mga tanim na bulaklak sa likod ng Lazeu at hindi niya maiwasang hindi tingnan ang mga iyon. Sa dulo ay mga sunflower ang nakatanim, iba't-ibang klase ng bulaklak. May mga rosas at marigold. Napakagaling dahil ang daming iba't-ibang klase ng bulaklak dito. Ang kanilang tanim ay mga puting rosas samantalang ang nasa pinakadulo ay mga pulang rosas naman at ang ibang block na ang nag-aalaga doon. Paikot ang garden sa likod ng Lazeu at sa gitna nito ay may fountain. Makikita ang kalumaan ng lugar lalo na at hindi naman ito napipinturahan. Ngunit ang nakapagbigay kulay sa lugar ay ang iba't-ibang klase ng mga bulaklak. Nagsimula na si Robin na magdilig. Sigurado siya na aabutin siya ng hanggang Alas diyes kung hindi pa siya magsisimula. Medyo malawak ang hardin at mag-isa lamang siya kaya't kailangan na niyang magsimula. "Meow.." "Ay palaka ka!" Napatingin si Robin sa kanyang paanan at nakita ang itim na pusa na tumalon sa kanya noong nasa classroom siya. Humihimas ang mukha ng pusa sa kanyang paa at parang nakangiti itong nakatingin sa kanya. Dinidilaan nito ang kamay at pagkatapos ay hihimas sa kanyang paanan. Naupo si Robin at hinimas sa ulo ang itim na Pusa. Hindi na niya kasi ito nakita noong bigla itong tumalon paalis nang nasa main library sila ng school. "Buti bumalik ka? Hindi na kita nahanap no'n dahil may klase na ako. Dito kaba nakatira sa academy? Gusto mo ay iuwi nalang kita sa amin?" Hinihimas niya ang balahibo ng pusa, natutuwa siya dahil napapapikit pa ito sa kanyang ginagawa. "Meow.." Binuhat ni Robin ang pusa at inilagay niya ito sa tabi ng bag niya. "Dito ka lang ha? Magdidilig lang ako ng mga halaman." Sabi niya at bumalik na sa pagdidilig ng mga halaman. Habang abala siya sa ginagawa ay bigla na lamang siyang nakarinig ng ingay ng pusa at nang tingnan niya ang iniwan niyang pusa katabi ng bag niya ay pinagtitripan na ito ng mga ka-klase niyang lalake. Kilala niya ang mukha ng mga ito pero hindi niya alam ang mga pangalan. Natakot siya nang makitang binuhat ng isang lalake ang pusa. Kaagad siyang naglakad sa direksyon ng mga ito. Pinagpapasa-pasahan ng mga ito ang itim na pusa at nangangamba siya na baka bigla nalang itong hindi masalo at mahulog sa lupa.  Kaagad na lumapit si Robin sa mga ito. "P-Pusa ko yan." Sabi niya at kaagad na inagaw ang pusang itim sa isang ka-klase niyang lalake. "Andito pala si Weirdo? Pusa mo pala iyan. Ang sabi kapag itim na pusa dapat pinapatay kasi malas 'yan." Nagtawanan ang mga ito at akmang kukuhanin na naman sa kanya ang pusa ng umtras siya at lumayo sa mga ito. Mukhang nainis sa kanya ang ka-klase kaya't bigla siya nitong itinulak na naging dahilan nang pagkakabagsak niya. Mabuti na lamang at taban pa rin niya ang pusa at hindi ito nasaktan pero ngayon ay ramdam niya ang sakit sa gawing tagliran. Wala na naman magawa ang mga ito kaya't nandito ang nambu-bully. "Alam mo Robin hindi ka na dapat nakikialam. Amina iyang pusa at wala na tayong magiging problema. Saka bawal ang pusa dito sa academy gusto mo bang ma-guidance ka? Itatapon lang namin iyang pusa." Umiling siya sa mga ito at niyakap ang pusa. Ang sumunod naman na pangyayari ang hindi niya inaasahan. Biglang kinuha ng lalake ang pandilig ng tubig at ibinuhos iyon sa kanya. Kaagad na kumawala ang pusa at nagtatakbo papunta sa dulo ng Garden. "What the.." Basang-basa siya. Kaagad na inilabas niya ang cellphone dahil sa pag-aalalang nabasa rin ito--at hindi nga siya nagkakamali. Tumutulo pa ang kanyang cellphone nang ilabas niya. Naku po! Sana ay hindi masira! "A-Ano bang problema niyo? Wala na iyong pusa, umalis na. Pwede ba umalis na rin kayo." Tumayo si Robin at inayos ang unifrom niya. Ang tatlong lalake naman ay napatingin sa kanya at may kakaibang ngiti sa mga labi. Doon napagtanto ni Robin na kitang-kita na ang kanyang Bra dahil sa pagkabasa ng kanyang polo ay bumakat na iyon. "Baka pwedeng maglaro lang tayo saglit Robin? Pwede ba?" "Oo nga... Saka tayo-tayo lang naman ang nandito." Sagot nang isang kaklase niya. Dahan-dahan ang paglakad na ginawa ng mga ito habang siya ay umaatras sa takot. No... Sa takot ay biglang tumalikod si Robin ngunit dahil sa pagmamadali ay nadapa siya. Nagtawanan ang mga lalake dahil sa nangyari. Tatayo na sana siya ng tabanan siya sa paa ng isang kaklase at hitakin siya palapit dito. No! "Ah! Ano ba!" Sigaw niya. Nakaramdam siya ng hapdi sa kanyang binti at braso dala ng pagkakasadsad niya sa lupa dahil sa paghila ng isa niyang ka-klase. "Makinis at maganda ka naman Robin, Kahit weird ka ay pwede na rin. Ang sabi-sabi pa naman sa academy ay mangkukulam ka kaya walang lumalapit sa 'yo pero sa tingin ko naman ay good witch ka?" Nanlaki ang mata ni Robin ng bigla nalang siyang kubabawan ng lalake at itinaas ang dalawang kamay niya sa uluhan niya. Sa sobrang takot ay napaiyak na siya sa sitwasyon. Tatlong lalake ang nasa harap niya at pinagtatawanan siya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nagdasal na sana ay may dumating para tulungan siya. "Robin... Robin..." Bumaba ang mukha ng lalake sa kanya, agad niyang inilayo ang kanyang mukha ngunit maagap ito at tinabanan siya sa baba. Nang ilayo niya muli ang mukha ay bigla na lamang siyang sinampal ng lalake.  "T-Tama na please.." Masakit ang kanyang kaliwang pisngi at sigurado siya na namumula na iyon dahil sa lakas ng sampal nito. "What.. are you doing?" Nanlaki ang mga mata ni Robin at kaagad hinanap ng mga mata niya ang nagsalita na iyon. And there she saw Alex, taban nito ang pusang itim. Agad napagawi ang tingin nito sa kanya at nang makita siya sa ganoong sitwasyon ay ibinaba nito ang pusa at walang salitang hinila ang lalakeng nakakubabaw sa kanya. Sa klase ng pwersa na mayroon ito ay nakaladkad ang lalake at narinig niya pa ang hiyaw nito ng tumama ang likod sa pader. "What are you doing to her?" Napabangon si Robin mula sa pagkakahiga at takot na takot na napakapit kay Alex. "A-Alexander... w-wala." "Wala? What the fck did I saw?" Napatingin si Robin sa kaliwanag kamay ni Alex na nakakuyom. His veins are visibile.  Nilapitan niya si Alex at hinila ito sa kamay pero hindi siya nito tinitingnan. Galit na galit ang mga mata nito na nakatingin sa kanyang kaklase na nakakubabaw sa kanya kanina. "Alex." Napatingin si Robin sa bagong dating na lalake, nang mapansin siya ay ngumiti sa kanya ito. Magkasama pala ang dalawang magkapatid. Nang makita ng dalawa pang kaklase niya ang bagong dating ay kaagad na tumakbo ang mga ito at nawala na parang bula. "X-Xandro.." "B-Bitiwan mo ako Alexander!" Sigaw ng kaklase niya. Pumagitan na si Xandro sa mga ito at tinatanggal ang kaliwang kamay ni Alex ngunit mahigpit itong nakataban sa kuwelyo ng kanyang kaklase. Sa sobrang higpit ay nakikita niya na ang pamumutla nito. "Alex, calm down." Si Xandro na pinipigilan ang kapatid. Sa takot ni Robin na lumala pa ang pangyayari ay kinuha nya ang atensyon ni Alex sa pamamagitan ng paghila nya sa kamay nito. Agad naman itong napatingin sa kanya at ang kaninang madilim na itsura ay ngayon unti-unti nang nawawala. Nang lumuwag ang pagkakataban ni Alex sa kuwelyo ng kaklase ay bigla na lamang itong nagtatakbo paalis sa lugar na iyon. "Are you okay Robin?" Tanong sa kanya ni Xandro. Umiling siya pagkatapos ay ngumiti dito. Ipinakita niya kay Xandro ang cellphone na nabasa at ang mga gamit niya na basa rin. Nakakunot pa rin ang noo ni Alex at masama ang itsura nito, pero kumpara kanina ay nabawasan na. May ibinubulong ito na hindi niya marinig. "S-Salamat Alex. Kung hindi ka siguro dumating ay baka itinuloy na nila ang panti-trip sa akin." Lumapit sa kanya si Alex at pinitik nito ang noo niya. "Aw." Sisinghalan niya sana ito nang makita niyang hinubad nito ang itim na coat at kaagad na isinuot sa kanya. Ngayon ay ang puting polo nalang nito ang suot. "Next time call me if you are going to make a task alone. I'm free." Sabi nito sa kanya na ikinasimangot niya. Hindi naman nito kailangan gawin iyon lalo pa at siya lang naman ang naatasan na magdilig sa garden. Isa pa ayaw niya din itong abalahin pa. "Mukhang nagiging mabait ka?" Tanong ni Robin dito. Narinig niya pa ang pagtawa ni Xandro sa kanyang gilid. Ngunit hindi naman pinansin ni Alex ang kanyang sinabi dahil nakatingin lamang sa kanya ito. "Did he hurt you?" Alex asked her. Gumawi ang tingin nito sa pisngi niya. Mataman siyang tinitingnan nito sa gawing iyon at nagulat siya ng lumapat ang palad nito sa kanyang pisngi. "Did that guy slap you?" Hinawakan ni Alex ang pisngi niya at dinama iyon. Lumambit ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kanyang pisngi. Hindi malaman ni Robin ang isasagot dahil nagulat siya sa naging reaksyon ni Alex. HIndi rin niya inaasahan ang ipinapakita nitong concern sa kanya ngayon. "A-Ayos lang naman ako. Hindi naman masyadong masakit itong sampal sa akin." "He did?" Nakita niya ang pag-igting ng panga ni Alex, Bigla itong lumingon kay Xandro at parang nagkaintindihan ang dalawa kahit na nagtinginan lamang. Hindi siya mapakali. Hindi siya kumportable na ganito si Alex dahil kahapon lamang ay para itong walang pakialam sa mundo. "If you are the Daughter of the School's director bakit mo hinahayaan na gawin sa iyo ang ganoon Robin?" Xandro asked. Pinulot nito ang bag niya at napangiwi ng tumulo pa ang naipong tubig doon. Sigurado siyang basa ang mga notebooks niya.  "A-Ako na dyan... h-hindi ko na rin naman iyan magagamit itatapon ko nalang mamaya. Nakakahiya huwag mo na pulutin marurumihan ka lang." Sabi ni Robin sa lalake pero ngiti lang ang iginanti nito. "You need to change your clothes. Lalamigin ka. Malamig pa naman ang panahon ngayon." Nang maalala ni Robin na wala siyang pamalit na damit sa locker niya ay napangiwi siya. Hindi kasi siya madalas magdala ng extra clothes dahil hindi naman niya naisip na maaaring mangyari ang ganitong problema.  Uuwi na lang siguro ako ng ganito? pero may klase... ayaw ko naman na lumiban. Ngayon lang din siya napagtripan ng ganito dahil dati ay puro salita lamang na hindi maganda ang natatanggap niya.  "You hurt your knee. Fck. What are those assholes thinking?" Mahina lang pero rinig na rinig ni Robin ang sinabing iyon ni Alex. Lalakad na sana siya para kunin kay Xandro ang gamit niya nang biglang lumuhod sa harap niya si Alex at naglabas ito ng panyo. Tinalian nito ang tuhod niya na may kaunting dugo. Nagtataka man sa mga ikinikilos ni Alex ay hindi na nagsalita pa si Robin at hinayaan na lang niya ito. Tahimik lang din sa Xandro sa gilid niya at hindi nagsasalita ngunit may ngiti sa mga labi ng lalake. Mukhang inaantay lang din sila nitong mauna sa paglalakad. "Do you have spare clothes on your locker room?" Tanong ni Alex sa kanya. Napailing naman siya dito. Hindi niya ugali magdala. Sa susunod ay alam na niya ang gagawin. "Uuwi na lang ako. M-Malapit lang naman ang bahay namin dito." "Pero may klase ka ng 11 am hindi ba?" Si Xandro. Nagtaka siya kung bakit nito nalaman iyon gayong hindi naman nila ito kaklase... pero baka dahil narin kay Alex dahil same block lang naman sila? Siguro ay inalam din nito ang schedule ng kapatid. Nahihiya siya kay Xandro dahil hawak pa rin nito ang mga basang gamit niya lalo na ang cellphone niya na itatapon na niya sana kania dahil mukhang hindi namana gagana pa. Siguro ay uuwi na lang din talaga sya. Liliban muna siya sa kalse at ipapaliwanag ang nangyari sa kanya sa garden. Tiyak na pagkauwi ay magtatanong ang kanyang Ina sa nangyari. Hindi rin naman niya kayang magsinungaling dito kaya't masasabi at masasabi niya ang totoo. "You can use my shirt and pants." Nagulat si Robin sa sinabi ni Alex. Magrereklamo pa sana siya at igigiit na lang na uuwi nang bigla siyang umangat sa ere. Walang sabi-sabing binuhat siya ni Alex. Napaawang ang kanyang mga labi dahil sa hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Maingat ang naging kilos ni Alex at kaagad na inilagay ang kamay niya sa likod ng batok para hindi sya malaglag. "W-What the... Ibaba mo ako, Alex!" Hindi siya pinakinggan ni Alex at naglakad lang ito patungo sa locker room ng mga ito. At dahil hindi pa halos nagsisimula ang klase ng mga estudyante sa university at kitang-kita ng mga ito na buhat-buhat siya ni Alex. Ang ilan ay napatakip sa kanilang bibig at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanila. Hindi rin nakalampas sa kanya ang mga sinasabi ng mga babae na nadaraanan nila. "What? Anong nangyari sa Weirdo na iyon at buhat-buhat ito ni Alex?" "Nag-magandang loob lang siguro si Alex!" "Oh nag-inarte iyang Werido na 'yan" Nakagat ni Robin ang pang-ibabang labi niya dahil sa mga naririnig mula sa mga estudyanteng nadadaanan nila. Alex blew her on her face to caught her attention.  His breath... "Don't mind them. They don't matter." Sabi nito na ikinatango na lang niya. Itinago niya ang ulo sa dibdib ng lalake dahil nahihiya siya sa mga tingin. Ayaw rin niyang makita ang galit na mukha ng mga kababaihan na may gusto kay Alex. I'm sure may panibagong issue na naman ang lalabas nito. Kailangan kong paghandaan ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD