Chapter 45 “Tara,” nakangiting sabi niya sa kaibigan at kay Daemon. Nang makaalis ang mga ito ay siya namang pagdating ng totoong Tina sa booth. “Nasaan na iyong sinasabi niyong magpapahula?” tanong nito sa dalawang kasamahan habang taban ang bolang crystal na gagamitin sa panghuhula. “Ha? Nakaalis na, nasaan ka ba? Akala ko ay nahulaan mo na si Robin kasi nagpasalamat pa sa amin bago umalis.” “Anong nahulaan ‘diba sabi ko aalis ako at babalik sa room para kunin itong bolang crystal kasi nakalimutan kong dalhin. Sayang! Unang customer ko pa naman sana siya!” Kakamot-kamot si Ricko sa batok dahill sa sinabi ni Tina. “Hayaan na nga. Wala naman sinabi si Robin, siguro ay nahiya na lang sabihin na kanina pa siya naghihintay sa loob.” Sa hindi kalayuan ay nakatanaw kay Robin ang babaen

