CHAPTER 40 "Magandang gabi po," "Ako po pala si Robin Callie Simmonne." Napatingin sa kanya ang ina at ama ni Conny pati na ang kapatid nito. Nasa sala ang mga ito at parang hindi makapaniwala na nakatingin kay Robin. "S-Siya na ba iyong kaibigan mo kamo, Con? Nako ay kagandang bata naman nito. Halika, halika at maupo ka dito. Pasensya ka na sa bahay naming ha? Maliit lang." Umiling si Robin sa ina ni Conny at naupo siya sa tapat ng mga ito, nakita niyang ibinaba ng ama ni ni Conn yang dyaryo na binabasa at humigop sa kape nito. Naalala ni Robin ang kanyang ama, Gawain din nito ang pag-inom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo. Dad, kamusta na po kay d'yan? May dyraryo din po ba kayong binabasa d'yan sa langit? "Magandang gabi din naman sa 'yo, Hija. Welcome sa munting tahanan naming

