Chapter 82 “Ano ang sinabi mo?!” Isang malakas na itim na mahika ang pumuno sa buong silid kung nasaan si Khalisa, isang masamang balita ang ang bumungad sa kaniya matapos niyang magpakasaya sa mga lalake na pinaslang kanina. “Namatay po ang tatlong ipinadala ninyo sa vampire’s haven, sina Erebus, nakaenkwentro nila ang susunod na hari ng mga bampira at ang dalawang kapatid nito,” sabi ng isang black wizard. Kaya naman pala nakaramdam ng kakaiba si Khalisa kanina, nawalan pala siya ng tatlong papet, ang mga black wizards na iyon ay nakakonekta sa kaniya dahil siya ang gumawa sa mga ito. “Nasaan si Gandalf? Alam na ba niya ang tungkol dito?” tanong ni Khalisa. Gigil na itinapon niya sa harap ng black wizard ang putol na kamay ng lalakeng pinaslang niya kanina. Hindi ganito ang gusto

