CALVIN Napataas ang kilay ko nang mapatulala lamang sa akin si Alaina, ilang segundo ring hindi kumurap ang mga mata niya at naiwang nakabuka ang mga labi niyang parang inaakit ako. Naikuyom ko ang kamao ko upang pigilin ang sarili sa kung anumang nararamdaman ko, "What?" untag ko dito. Ipinilig naman nito ang ulo niya, hindi makatingin sa akin ng deretso. "S-sir... I'm sorry for barging in your office earlier, I didn't mean to see you i-" nauutal na paliwanag nito, para naman akong nawala sa wisyo nang marinig ang ipinapahiwatig niya, umiling ako upang hindi niya ituloy ang nais niyang sabihin. "That's not me Ms. Perez, that's my cousin. He looks like me yes, but that's not me," tumikhim ako at tinanguan si Denver upang ipabatid na ako na ang bahala mula rito, "You wanna talk to me?"

