Chapter 17

1417 Words
Pagbukas niya ng pinto ay saktong pagdilim ng paligid. Sandali siyang nakiramdam. He heard Alena’s trembling voice asking who was there. Medyo may kalayuan iyon sa main door ng opisina. He took a step silently. Nang nakailang hakbang siya ay naaninaw niya ang bulto ng lalaki na nakaharap kay Alena. Balot ang ulo at buong mukha nito ng itim na tela at tanging mga mata lang ang nakalabas. Mabilis siyang kumilos nang sinunggaban nito si Alena at tinakpan ang bibig nito. Nagpumiglas si Alena sa yakap ng lalaki mula sa likuran niya habang mahigpit nitong idinidiin sa bibig nito ang hawak na panyo na sigurado siya na may halong pampatulog. He grabbed the man’s arms covering Alena’s face and twisted it off. Saka siya nagpakawala ng malakas na sipa na tumama sa likuran nito. Sa lakas ng pagpilipit niya sa braso ng lalaki at marahil ay sa hindi inaasahang pag-atake rito ay napahiyaw ang lalaki sa sakit dahilan para bitawan nito ang noo’y wala nang malay na si Alena. He gave him a strong and hard punch on his face saka alertong inalalayan si Alena bago pa ito tuluyang bumagsak sa sahig. Nabuwal ang lalaki at akmang susugurin siya nang tila nagdalawang isip ito nang makita ang mukha niya saka mabilis na kumaripas ng takbo palabas. He didn’t plan to let the bastard go. Binuhat niya si Alena at inihiga sa naaninag niyang sofa saka mabilis na hinabol ang lalaki. Ngunit hindi na niya naabutan iyon. Napatingin siya sa exit door ng palapag at agad na tinungo iyon. Tama siya. Doon nga dumaan ang lalaki. Nahagip pa ng mga mata niya ang tumatakbong pigura nito patungo sa isang nakaparadang kotse sa harap ng building. He gritted his teeth and balled his hands into fist. He won’t allow him to get away with it. Binalikan niya si Alena sa loob. Hinanap niya ang switch ng ilaw saka muling binuhay iyon. She was still unconscious. Binuhat niya ito saka marahang ipinasok sa loob ng kotse niya. He let the car window open saka pinaypayan ito. Ilang sandali pa ay unti unting gumalaw si Alena kasabay ng dahan dahang pagmulat ng mga mata nito. Naaalarmang napalinga si Alena at binalot ng takot ang mga mata niya na hindi pa nakakapag-adjust mula sa sandaling pagkakatulog. “Please, h’wag kang lalapit,” pakiusap niya nang maaninag ang isang lalaki sa tabi niya. Akmang hahawakan siya nito nang pumiksi siya. Sa takot na nararamdaman ay halos gusto na niyang tumalon sa bintana ng kotse. “H’wag mo ‘kong hahawakan! H’wag!” Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at tila may kamay na pumiga sa puso niya nang makita ang nanginginig nitong katawan at ang sobrang takot na bumabalot dito. Sigurado siya na walang ginawa rito ang lalaki bukod sa pagtangkang pagdukot dito but her body seems to react too much fear. He clenched his jaw while giving her a complicated look. Kung hindi siya dumating at nailigtas si Alena ay siguradong mapapatay niya ang may kagagawan noon. Hindi niya maintindihan ang awang bigla niyang naramdaman para sa dating asawa. He wanted to hug and comfort her. And tell her that everything is fine but he restrained himself. “Alena, it’s me,” malumanay na sambit niya. Pinilit niya ang sarili na bawiin ang kamay niya dahil sa pag-aalala na mas lalo itong matakot. She shook her head and was totally afraid to lift her head up. Muli niyang tinawag ang pangalan nito. That’s the only time her body slowly stops trembling saka unti-unting lumingon sa kanya. “D.. Duncan?” paniniguro ni Alena saka tiningnang mabuti ang kaharap niya. “A.. anong nangyari?” Akala niya ay nadala na siya ng lalaking pumasok sa opisina nila. For some reason, she instantly felt secured the moment she saw his eyes. “Nakatakas ang lalaking pumasok sa opisina niyo but don’t worry, I already called the investigator. And I’ll make sure na hindi na mauulit iyon.” Tumango siya saka huminga nang malalim. Napahawak siya sa dibdib saka luminga sa paligid. Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya mula sa labas. She bit her bottom lip and dismissed that thought. Siguro ay napa-praning lang siya dala ng takot. Kinuha niya ang bote ng tubig na iniabot sa kanya ni Duncan saka uminom doon to calm her nerves. Wala naman siyang atraso kahit kanino. Kung pagnanakaw naman ang intensyon ng lalaki ay siguradong nadamay lang siya dahil wala naman itong makukuha sa kanya. Kahit papaano ay kumalma siya sa naisip. Maaaring pagnanakaw nga lang ang motibo nito pero dahil naroon siya kaya nadamay siya at hindi talaga siya ang puntirya ng lalaking iyon. Kaya wala siyang dapat ipag-alala. “S.. salamat,” aniya saka kinapa ang bag na nasa tabi niya. “Mauna na ‘ko.” Binuksan niya ang pinto pero naka-lock iyon. Nilingon niya si Duncan na nakatingin lang sa kanya. “I waited for you for several hours. Can we have dinner first?” Napakunot ang noo niya habang sinasalubong ang titig nito. Tama ba ang narinig niya na hinintay siya nito? Tiningnan niya ang suot nitong damit. Iyon din ang suot nito kanina nang lapitan siya nito. Ibig sabihin ay ilang oras itong naghintay sa kanya rito? “Hindi ko naman sinabi na maghintay ka. It’s your own free will kaya hindi ko na problema kung nagutom ka.” She bit her lip and averted his deep gaze. Bigla na lang lumabas iyon sa bibig niya pagkatapos niyang kumalma mula sa insidente kanina. She was grateful that he saved her from the culprit pero hindi matatabunan noon ang ginawa nito sa kanya. “Ok, I’ll send you home,” saad nito na agad sumuko. She was about to protest pero mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan bago pa man siya makapagsalita. Sa huli ay hinayaan na lang niya itong mag-drive pero hindi niya sinabi ang lugar kung saan siya nakatira. Bahala siyang mag-ikot at mapagod. Nakaramdam siya ng gutom pero tiniis niya. She doesn’t want to talk to him neither see him. Lalo na ang kumain kasama ito. Though, ganoon na lang ang pasasalamat niya na iniligtas siya nito kanina at kung paano man nangyari iyon ay hindi niya na aalamin pa. Iko-consider na lang niya na isa iyon sa kabayaran sa ginawa nito sa kanya. Pagkalipas ng ilang minuto ay bahagya siyang nagulat nang itigil nito ang kotse sa tapat ng bahay ng Papa niya. Nagtatakang napasulyap siya kay Duncan na bahagyang ngumiti saka tumingin sa harap ng bahay. She twitched her lips and kept her questioning look. She was about to push the door open nang magsalita ito, “Your workplace is not safe enough. You should quit that job.” Napatigil siya at biglang umahon na naman ang inis sa dibdib niya pagkatapos marinig ang sinabi nito. “And who do you think you are to tell me what to do?” sarkastikong tanong niya. “Hindi porke’t iniligtas mo ako ay may karapatan ka ng utusan ako at pakialaman ang buhay ko.” “Aren’t you afraid that he would come back and succeed in abducting you next time?” Napatikom ang bibig niya. Posible nga ba na bumalik iyon? Umiling siya. “Nagkataon lang na nando’n ako nang dumating ang magnanakaw na ‘yon—” “Thieves are also wise. Sa palagay mo ba mamamasok sila sa oras na alam nilang may empleyedo pa sa loob? I don’t want you to worry but I want you to be vigilant enough.” He sighed “He came after you, Alena.” Napakurap kurap siya habang iniisip ang mga sinasabi nito. She suddenly imagine what horrible things could have been happened when the man succeeded in taking her and doing his evil act. Ngayon pa lang ay kinikilabutan na siya maisip pa lang niya iyon. But she doesn’t want to let Duncan see her fear. At hindi siya susunod sa kahit na anong sabihin nito sa kanya. Whatever is going on in her life now should not concern him. “Salamat sa concern at pagpapa-alala, Mr. Fortalejo. Pero problema ko na siguro iyon. Don’t bother yourself with my business anymore. Since we are now strangers to each other, it has totally nothing to with you, right?” kaswal na sambit niya. Binuksan niya ang pinto ng kotse pero agad din siyang lumingon. “Thanks for saving me tonight.” Pagkasabi noon ay agad siyang lumabas sa kotse nito saka tuloy tuloy na pumasok sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD