"It's amazing how you can speak right to my heart." Kantahan yung una kong narinig pagkalabas ko ng hotel. Kitang-kita mula sa aking kinatatayuan kung nasaan silang lahat. Nasa gilid ng dalampasigan kung saan may maliit na campfire na pinaliligiran nila. Si Tristan yung may dala ng gitara habang kumakanta. I didn't even know that he's the type who plays the guitar and sing. Magkatabi sina Carlo at Bee habang pinakinggan si Tristan sa pagkanta. Si Ayieza naman ay nakasandal yung ulo sa balikat ni Stanley. Hindi naman masakit. Habang si Zeus ay nasa tabi ni Tristan. Mula dito kitang-kita ang nakangiting mukha ni Zeus. He looks happy and I don't want to ruin the moment. Tumatak sa akin yung sinabi ni Ayieza. Pakikisama. Just because I hang out with him doesn't mean I like him romantically.

