All the days that remained were well spent. Hindi na akong pwedeng lumabas kaya sa loob nalang ng hospital room kami nag-bond. Hindi na nawala sa tabi ko si Stan. Pagkagising ko ay nand'yan na siya hanggang sa pagtulog. Hindi na rin siya umuwi para palagi kaming magkasama. Alam kong alam na ng nga kaibigan namin. Nandito kaming lahat para magsaya pero kitang-kita sa mga mata nila yung kalungkutan. Panay yung pagtago nila sa kanilang mga luha pero nakita ko pa rin. "Sweetheart!" tawag ni Tristan sa akin pagkapasok niya ng room. Nanghihina man ay nagawa ko pang lumingon sa kanya. Isang napakalawak na ngiti ang bumungad sa akin kaya kumunot yung noo ko. I tried to say something pero hindi ko na magawa. I woke up this morning and found our how difficult it was to talk. All I could do is to

