I woke up by a smell of food. Inimulat ko yung aking mga mata at nag-unat. Inilibot ko yung aking mga mata at naalalang nasa Pilipinas na pala kami. I smiled at the thought that I am reunited with the four-cornered room that watched me grow. Kumunot yung noo ko sa naamoy. I usually smell this kind of smell kapag may selebrasyon doon sa Amerika. Mahilig kasing magluto si Tita at kapag may selebrasyon ay siya mismo yung nagluluto. Wala naman sigurong birthday ngayon. Nilingon ko yung kalendaryo sa gilid. Hindi pa naman birthday ni Caitlyn. Tapos na din yung birthday ni Bretman. Matagal pa din yung birthday ni Tita. Mas lalong hindi ko pa birthday. Nakapagtataka lang. Kumibit balikat nalang ako. Siguro type lang din ni Tita ang magluto kasi bagong kusina yung paglutuan niya. Tumayo ako at

