Alam kong alam na ng Dean yung nangyari sa akin. Before she could call me to the office, I decided to go home. Kabisado ko naman yung daan papauwi kaya okay lang na maglalakad nalang ako. Walang kabuhay-buhay akong naglakad. Makikita ang mga kalmot sa mukha, namamagang mata at sabog na buhok. Hindi ko na nga nadala yung bag ko. Hindi ko na naisip na bumalik pa sa room para kunin yung bag ko. Basta-basta nalang akong lumabas ng campus na walang pasabi. Tutal dala ko naman yung phone at wallet ko. Nakatingin lang ako sa kawalan. The pain is still there. Gusto kong mamanhid nalang yung puso ko. For the first time, ayaw kong makaramdam ng sakit. I want my life to be painless again. Pagod na pagod na ako. Napahinto ako sa labas ng bahay. Tumingala ako para pagmasdan ang gate. T. Tizon. Isa

