Ngumisi lang si Zeus at humakbang papalayo sa akin. Matalim pa rin yung mga tingin ni Stan sa kanya habang ito naman yung papalapit sa akin. "What are you grinning about?" tanong niya kay Zeus. "Wala," he shrugged. "Huwag kang lumapit, dude," parang bata niyang sabi. He pushed the wheelchair while glaring at the latter. Napailing nalang si Zeus hanggang sa tuluyan na nga kaming nakalayo sa kanya. "Why is he here?" tanong niya. "To visit me?" iling ko. "Baby, we're friends. Saka may gusto na siyang iba." "Alam ko," he sigh. "Pero hindi pa rin mawala sa isip ko na baka magugustuhan ka na naman niya. Kaya ayokong umaaligid siya sa'yo," nguso niya. "Kung magugustuhan man niya ako, wala naman siyang magagawa kasi ikaw naman gusto ko," I grin. "Mas matimbang ka pa rin." "Sorry, baby,"

