"I can't believe this! Bakit niyo ako iniwan kasama si Tristan?" pagmamaktol ni Bee. "Hindi naman ako masamang kasama 'a. Didn't you like the bear I got you?" depensa ni Tristan. "I liked it," ngumiti si Bee na ikinangiti din naman ni Tristan pero agad itong naglaho at sinamaan ng tingin si Tristan. "I liked it before you got it! Mas magugustuhan ko pa yun kapag si Stanley ang nakakuha nun!" Kanina pa dada nang dada si Bee tungkol sa pag-iwan namin sakanya. Ewan ko ba kung ngingiti ba ako o ano. I was guilty though. I know how much he hates Tristan's presence pero iniwan pa rin namin siya kasama ito. Well, wala naman siya magagawa— at wala din akong magagawa. Basta-basta nalang akong hinila ni Stan. Andito kami ngayon sa isang fastfood chain. Nag-aya si Tristan na kumain muna kami bag

