"Hi Dane!" masiglang bati niya. Nakatitig lang ako sa kanya, naguguluhan kung bakit siya nandito. Why is she here? Yung ngiti din niya ay sobrang sinsero. Sinsero nga ba? Hindi ko talaga masabi. Before I could even react, she pushed the door open kaya napadikit ako sa dingding. Her eyes went wide when she saw Stanley behind me. "Lee! My love!" sigaw niya at dali-daling lumapit ni Stan at yumakap. Hindi iyon inasahan ni Stan kaya naitaas niya yung magkabila niyang kamay. He looked at me worried but still surprised with the uninvited guest. "Iza. What are you doing here?" gulat niyang tanong habang hindi naman tinugunan yung yakap ng babae. "You're having a get together tapos hindi niyo ako in-invite. Nakakatampo kayo," she sounded offended. Hindi pa rin siya bumibitaw kay Stan kaya n

