TEASER

615 Words
A/N: This is a work of fiction. All names, characters, businesses, places, and events are either the product of the authors imagination or inspiration. Any resemblance of anything are purely coincidental. DISCLAIMER: Do not distribute, publish, transmit or exploit the content of this story in any way without the author's permission. ||TEASER NAKATANAW lamang ako sa likoran ng sasakyan. Tinitingnan ang lumiliit ng mga gusali ng school hanggang sa mag laho na ang mga ito. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang telepono para bumili ng ticket online ng pinaka maagang flight patungong amerika. Sinubukan ko ring tawagan si Daddy pero hindi ito sumasagot. Huminga na lamang ako ng malalim tinatahan ang sarili pero napahagulhol nalang ako, at naisip ang mga taong iiwan ko sa school na yun. Si Kayne, kakausapin ko nalang siguro siya tungkol roon. Bakit ba kasi to nangyayari sakin? Masama ba akong tao? May nagawa ba akong masama? Napalingon pa ang driver sa direksyon ko at nanahimik na lamang. Hindi rin nag tagal ay nakarating na agad kami sa airport. Nag bayad muna ako bago lumabas ng taxi at nag simulang mag lakad papasok sa airport. Napapatingin pa sa direksyon ko ang ibang mga tao roon dahil sa ayos ko. Sigurado ako na nag mumukha na akong zombie ngayon. g**o g**o na ang mahabang buhok at namumugto na ang mga mata ko dahil sa kaiiyak. Umupo na lamang ako roon sa waiting area, nag hihintay lamang ng ilang minuto sa sasakyang eroplano. Naramdaman ko ang sunod sunod na pag vibrate ng hawak na telepono kasunod ng pag tunog nito. Tining nan ko iyon at natigilan, nag sisimula na namang mamuo ang mumunting luha sa mga mata. Dark Calling... Naikuyom ko ang kamao, pinipigilan ang sariling sagot ito. Hindi ko nalang iyon sinagot at itatago na sana ang cellphone nang makatanggap ng isang mensahe galing rito. Binuksan ko iyon. From Dark: Where are you? Why aren't you answering me? I'm worried! Naka tanggap pa ako ng isang mensahe galing rito. Dahilan ng mas lalong pag sikip ng dibdib ko. From Dark: Don't leave me, Gray. I love you. Nag simula akong tumipa ng isasagot rito, naninikip ang dibdib. Umaagos na ang mga luha. To Dark: Don't you ever try to find me. I don't want see your face ever again and I don't love you. I hate you! Nanginginig ang mga kamay na isened ko iyon sa kaniya at napahawak sa naninikip na dibdib, papatayin na sana ang cellphone nang tumunog na naman ito. Dark Calling... Napatitig ako sa pangalan nito, nag aalinlangang sagotin ito at wala sa sariling napindot ang tawag nito. I just wanted to hear his voice for the last time, just this once... [...Gray? Can you hear me? Are you listening...?] Mahinang sabi ng kabilang linya pero hindi ko ito sinagot. [If so... I just wanted to say that I love you even if you don't love me back... I will always love you that it hurts for me thinking of the thought of you leaving me... a-again.] Narinig ko pa ang mahinang pag hikbi nito bago ito ma wala sa kabilang linya. 'Am I hurting him?' Nakita ko ang isang butil ng luha na pumatak sa cellphone ko. Napahawak nalang ako sa mukha at hinayaang umagos ang mga luha roon, naninikip ang dibdib. Hindi pinapansin ang mga matang nakatutok sa direksyon ko. I'm sorry... ~~ A/N: First story ko po ito, sana magustohan at suportahan niyo ang kuwentong ito and hindi po talaga ako mahilig mag english. Charrr! Hindi pala marunong Amphhh! Hehe. XD But I hope you'll enjoy reading the following chapters! Kasi wala na rin akong masabi. Hehe. Enjoy reading loves! MUAHHH!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD