Elen:
“Larson... gusto kong lumayo muna sa Metro Manila. Gusto kong magkaroon ng sariling direksyon. Pero kung totoo ang iniisip mo… baka nga may nagtatangkang iligaw tayo pareho.”
Larson:
“Ayaw mo nang sumama?”
Elen:
“Delikado ka. At ayokong malagay sa panganib ang tatay ko. Kailangan kong manatili malapit sa kanya. Kahit pa… kahit pa ikaw ang gusto ko.”
Bago pa man siya makasagot, KLIK!
Nakadinig sila ng sabay-sabay na pag-lock ng mga pinto ng gym.
Tumayo si Multo.
Larson:
“Putangina.”
Lumingon siya sa paligid. Isa-isang nagsara ang mga blinds sa bintana. Ang receptionist kanina, ngayon ay may hawak na combat knife. Ang mga nag-eehersisyo kanina, mga peke lang. Tumayo, kinuha ang mga patalim mula sa ilalim ng benches.
Elen (nagulat):
“Larson—lahat sila… tauhan!”
Larson:
“Tangina. Setup ‘to.”
Tauhan 1:
“Paalam na, Geonad. At ikaw rin, Barasaoin.”
Sabay-sabay silang umatake. Wala silang armas, maliban sa mga gym equipment.
Kinuha ni Multo ang barbell plate, inikot ito at ibinato sa unang umatake. Tumama ito sa panga ng kalaban, tumilapon.
Si Elen naman, nag-backflip paatras, tumama ang paa sa dibdib ng isa pang kalaban. Capoeira. Mga ikot, sipa, at biglang hampas na parang sayaw ng kamatayan.
Larson (naguguluhan):
“Alam mo ‘to?!”
Elen (seryoso):
“Ikaw lang ba may sikreto?”
Bumunot si Multo ng resistance band at ipinulupot sa leeg ng isang kalaban. Hinila ito hanggang mawalan ng malay.
Dalawang kalaban ang may hawak na dumbbell, pinagtulungan si Elen, pero umiikot siya’t sumasayaw. Tumama ang sipa niya sa sintido ng isa, tapos gumulong palayo.
Larson:
“Barbell, kanan mo!”
Kinuha niya ang barbell bar, inikot ito at tinamaan ang tiyan ng kalaban. Isa pa, tadyak. Bagsak.
Dugo. Pawis. Pukpukan ng bakal sa bakal. Parang impiyerno.
Nang matumba na ang huli, parehong hingal na hingal sina Elen at Multo. Nagkatinginan sila. Tumatawa si Elen, hindi sa saya, kundi sa inis.
Elen:
“Ang gulo mo. Kahit kailan hindi tahimik ang araw kapag kasama ka.”
Larson (hingal):
“Masarap ‘to kesa mamatay, ‘di ba?”
Lumabas sila ng gym. Walang nakapansin. Parang wala lang. Pero sa loob, may limang taong walang malay o patay.
Naglakad sila palayo. Tahimik.
Elen (malungkot ang tono):
“Hindi na ako pwedeng sumama, Larson. Kung ganito ang mundo mo, ayokong maging target pa ng mas marami. Hindi na lang buhay ko ang delikado, pati na rin ng tatay ko. Kailangan kong maging oiling sa tabi niya, kahit hindi ko siya lubos na maintindihan.”
Larson (nakatitig lang):
“Alam kong hindi siya ang kalaban. Pero hindi ko pa rin alam sino talaga.”
Tumango si Elen. Seryoso.
Elen:
“Baka pareho tayong niloloko. Parehong ginagawang pain sa larong hindi natin maintindihan.”
Naglakad sila sa magkaibang direksyon. Si Elen, pabalik sa sasakyan. Si Multo, pabalik sa dilim.
At sa bawat hakbang… mas lumalalim ang hiwaga.
Nasa labas pa rin sila ng gym ni Multo. Basag ang salamin. Tumutulo ang pawis sa gilid ng mukha ni Elen habang nakahawak sa dumbbell, nakabantay pa rin sa paligid. Si Larson naman ay tahimik na, hawak ang nabasag na barbell, nakasandal sa pader habang humihingal.
Larson:
“Tapos na. Wala nang susunod.”
Hindi sumagot si Elen. Tumingin lang siya kay Multo, tinatantya kung totoo nga bang wala na. Bumuntong hininga siya. Nilapag ang gamit at naglakad palayo. Hinugot ang cellphone mula sa kanyang leggings.
Elen:
“Tatawagan ko si Manong. Papasundo na ako.”
Larson (mahinang boses):
“Iintayin kita.”
Elen (lumingon):
“Larson... wag.”
Tahimik si Multo. Tinakpan niya ng cap ang ulo niya habang tinignan si Elen papasakay ng SUV ng ama niya. Sa mga mata niya, alam niyang tama si Elenz hindi siya dapat mapasok pa sa ganitong mundo. Sa mismong mundo na bumura sa lahat ng mahal ni Multo.
Nang mawala na ang sasakyan ni Elen, sumakay na rin si Multo sa sarili niyang kotse. Pinaandar ito nang walang salita. Pero sa likod ng kanyang salamin,bpuno ng emosyon, at poot.
q
SA MANSYON NI EMILIO – GABING GABI
Elen, bagong paligo, basang-basa pa ang buhok. Naka-oversized shirt, walang make-up. Tumakbo siya paakyat sa hagdan at agad kumatok sa pintuan ng silid ng kanyang ama.
Emilio:
“Pumasok ka.”
Binuksan ni Elen ang pinto. Nasa loob si Emilio, nakaupo sa leather chair, naninigarilyo habang nakatitig sa laptop screen. Binaling niya ang tingin sa anak.
Emilio:
“Anong problema?”
Elen (umiiyak):
“Pa… kailangan ko munang umalis. Kahit ilang linggo lang. Please. Delikado na dito.”
Emilio (tumayo):
“Delikado? Bakit, anong nangyari?”
Elen (naiiyak pa rin):
“May nangyari sa gym. May umatake. Lahat ng tao ro’n, mga hitman. Wala ni isa ang tunay na nagtatrabaho sa gym. Buti nalang… buti nalang may kasama ako.”
Emilio:
“Kasama?”
Elen (napatigil, nadulas):
“…Oo.”
Emilio (lumapit):
“Sino? Sino ang kasama mo, Elen?”
Tahimik si Elen. Hawak ang palad niya sa dibdib. Pilit niyang tinatago ang panginginig sa kanyang boses.
Elen:
“… si Multo.”
Tahimik. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Emilio. Inapakan niya ang yosi at humugot ng malalim na hininga.
Emilio:
“Multo… pinakapanganib na tao sa ilalim ng lupa. Bakit mo siya kasama?”
Elen:
“Hindi ko alam... hindi ko siya sinasadya makita. Pero niligtas niya ako, Pa. At ngayon, sa palagay ko, may nagtatangka na ring patayin ako.”
Emilio:
“Elen…”
Nilapitan siya ni Emilio at marahang hinawakan sa balikat.
Emilio:
“Ang mga taong ganyan, kahit pa minsan akala mong may kabutihan… dala nila ang bangungot ng mga pinaslang nila. Si Multo, hindi mo kailangang katakutan dahil baka saktan ka, ang ikatakot mo, ay yung mga may galit sa kanya.”
Elen (mahina):
“Pa… pinapatay si Nica ang pinaka mamahal niya na babae. Halos siya na lang ang tunay na mahal ni Multo. At ngayon, pati siya pinapatay. Sino ba may gawa nito?”
Tumingin si Emilio sa anak. Pero sa halip na sumagot, kinuha lang nito ang baso ng brandy at uminom.
Emilio (malamig):
“Hindi ako ang kalaban, Elen.”
Elen:
“Hindi mo siya pina-patay?”
Emilio (umiling):
“Hindi. Pero may mga taong gustong mawala siya. At gusto ka ring gamitin laban sa kanya. Kaya umalis ka muna. Hindi para sa akin, kundi para sa sarili mo.”
Tumango si Elen, pero halatang may kaba pa rin sa dibdib.
Elen:
“Hindi ko alam kung sino ang may gawa nito. Pero kung magtatagal pa ako dito, baka mawala na lahat ng taong may halaga sa buhay ko.”
Emilio (tinitigan siya):
“Anak… minsan, ang kalaban ay hindi yung may hawak ng baril. Minsan, yung ngumingiti sa tabi mo.”
Tumulo ang luha ni Elen. Pero tumayo siya, naglakad palabas ng kwarto.
Hindi pa tapos ang laban.