KRESHA’S POV Palabas na ako ng coffee shop nang salubungin ako ni Senia. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. “Hoy, Mars! May hindi ka ba sinasabi sa akin?” tanong niya pa kaya naman mas lalo akong nagtaka. “What do you mean?” tanong ko sa kaniya. “ Anong meron sa inyo ng gwapong lalaking iyon?” tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin. Tumingin naman ako sa kaniya. Hindi ko alam pero sa ngayon ay kailangan ko ng kaibigan ngayon. Gulong-gulo na talaga ako sa mga nangyayari sa akin. Huminga ako ng malalim bago tinignan siya. Na-gets naman niya at sumunod siya sa akin sa kotse. Ilang minuto lang ay nakarating kami sa malapit na restaurant. Ayoko kasing may makarinig sa amin. Baka makarating pa kay Vince. “May problema ba, Mars? Bakit kailngang dito pa tayo? Hindi ba pwede

