KRESHA’S POV
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang mabasa ko ang message ni Kyle. Kaya naman maaga na akong tumayo para makapunta sa cafe.
Matapos kong mag-asikaso ay agad akong bumaba par mag-drive. Alas sais pa lang kaya ang sarap pa ng hangin. Nakaka-miss talaga ang ganitong simoy ng hangin.
Nang makarating ako sa may cafe ay mabilis naman akong pumasok. Gaya ng inaasahan ko ay maraming tao dahil maaga pa. Halos lahat ng night shift o day shift ay andito. Ganitong oras ang sobrang daming tao. Kaya naman minabuti kong tumulong na lang muna. Mamaya na ako magkakape.
Matapos ang mahabang oras ay naisipan kong umupo na muna. Nawala na rin ang maraming tao kaya makakain na ako ng almusal. Pagpasok ko ng office nakita ko agad ang pandesal sa lamesa. Mainit-init pa kaya naman mas lalo akong nagutom.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang biglang may kumatok kasunod noon ang pagpasok ni Senia.
“OMG, Mars! May chika ako sa iyo,” sabi niya pa kaya naman tinginan ko naman siya ng nagtataka.
“Si Brent, niya
ya niya akong lumabas kami at mag-date.,” sabi niya pa kaya naman hindi ako umimik habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
“He wanted to courting me again,” sabi niya pa na ikinagulat ko.
“Anong ginawa mo at nagpaligaw ka ulit?” tanong ko sa kaniya.
“Gaga, sinong may sabing nagpaligaw ako? Anong tingin mo sa akin? Marupok? Syempre tinarayan ko siya,” sabi niya pa kaya naman natawa ako sa inasal niya.
“Akala ko ba gusto mong gumanti? Bakit naman ni-reject mo siya?” sabi ko pa at kumain muli ng pandesal.
“Duh! Syempre kailangan niya akong paghirapan!” maarteng sabi niya pa.
“Loka ka talaga,” sabi ko at tumawa pa.
Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan nang biglang bumukas ang pin to. Nakita ko naman si Jaylie na nakatayo sa pinto.
“Ma’am pasensya na po pero may naghahanap po sa inyo,” sabi niya kaya naman nagkatinginan kami ni Senia habang hinuhulaan kung sino ang naghahanap sa amin.
Lumabas na kami at sa di kalayuan ay nakita ko si Alison na pinapagalitan ang isang waiter. Agad akong lumapit para alamin kung ano ang nangyari.
“Please excuse me. This cafe is owned by me. Why did you yell at one of my employees?” formal na tanong ko sa kaniya. Nakita ko namang lumingon siya at napangiti ng makita ako.
“Natapunan ng coffee ang damit ko ng isa sa mga empleyado mo. Is this really a high-end coffee shop? Why don't they appear to have received any training?” tanong niya pa kaya naman napatingin ako sa damit niya na may stain ng kape.
Muli akong tumingin sa waitress na nakayuko at halatang naiyak sa sobrang kahihiyan.
“Ma’am sorry po talaga,” sabi niya pa. Tinignan ko siya ng seryoso bago napapikit. Bakit sa dami ng pwede niyang matapunan itong babaeng ito pa?
Hindi ako galit sa kaniya. Ayoko lang talaga makausap itong babaeng ito. Isa pa sa dami ng cafe bakit dito pa siya nag-stay?
“Sige na mag-asikaso ka na sa ibang costumer,” sabi ko sa kaniya.
“Ma’am sorry po talaga, babayaran ko na lang po yung dress niyo,” sabi niya pa kay Alison. Nakita kong tumawa ito na parang nang-iinsulto.
“Are you serious? You couldn't afford my clothing even if you had a year's salar.” natawang sambit niya habang nakatingin sa waitress.
“Sige na, ako na ang bahala dito,” sabi ko pa sa akniya nagpasalaamt at humingi naman siya ng tawad.
“Sorry for what happened,” sabi ko sa kaniya.
“Sorry? Are you joking? Anong magagawa ng sorry mo para sa damit ko?” tanong niya pa sa akin kaya naman tumingin ako sa kaniya ng seryoso.
“So, what do you want me to do?” seryosong tanong ko kahit naiinis na ako sa kaniya.
“Why don’t you used your brain? Why don’t you fire her? She is so stupid,” maarteng sabi niya pa.
“I'm sorry, but I can't do that to her, especially since she's one of my employees,” sabi ko sa kaniya nakita ko naman ang pagngisi niya.
“Do you mean you're going to let her stupidity spread here at your cheap cafe?” tanong niya pa kaya huminga ako ng malalim.
“My cafe has its own set of rules. So I'll be the one to decide what makes my cafe great. That is not to say she should be fired,” seryosong sambit ko sa kaniya.
“Oh, okay. Then pay my dress,” sambit niya pa kaya tinignan ko siya ng seryoso.
“Name the price.” Napalingon kaming lahat nang may magsalita mula sa entrance. Nagulat ako nang makita ko si Kyle na papalapit.
“Tristan?” tanong niya pa habang nagbago ang kaninang masayang mukha niya.
Agad namang lumapit sa amin si Kyle bago ako hinalikan sa pisngi bagay na sobrang ikinagalit ni Alison.
“Tell me the price, and I'll pay for everything,” seryosong sambit ni Kyle habang nakatingin kay Alison.
“Kyle, no need,” sabi ko pa sa kaniya. Ngumiti lang siya bago muling tumingin kay Alison.
“My ghad, Tristan. That girl just used you for her own good. Wake up!” sabi niya pa kaya naman medyo nainis ako sa sinabi niya.
“Stop saying anything, Alison. Just name the price and I will pay you. But after this, I don’t want to see you again while bothering my girlfriend,” seryosong sabi ni Kyle sa kaniya kaya naman napangiti ako. Ang sweet niya kahit kailan.
“Is that what you're looking for? But, regrettably, I will do whatever I want. So this is just practice for you to see me here,” nakangiting sabi ni Alison habang nakatingin sa akin.
Naiwan kami dito habang papalabas sila ng cafe.
“Nakakaloka talaga ang dalawang impakta na iyon!Lagi na lang nagawa ng iskandalo! Napaka-low class!” sigaw pa ni Senia. Habang nakatingin sa dalawang papalabas ng cafe.
Humarap naman sa akin si Kyle at hinawakan ang mukha ko.
“Are you okay? Did she hurt you?” tanong niya sa akin at kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.
“No, I’m fine,” sabi ko sa akniya at ngumiti.
“Hay nako! Nabitin tuloy ang chikahan namin! Paepal kasi yung impaktang iyon!” naiinis na sabi pa ni Senia. Natawa naman ako dahil alam kong kanina pa siya nangangating sumagot pero pinipigilan ko siya.
Maya-maya lang ay dumating ang waitress na kanina ay pinahiya ni Alison..
“Ma’am, Sir. I’m sorry po talaga,” sabi niya habang nakayuko.
“Ano ba ang nangyari? Paanong natapunan mo ang damit ni Alison?” nagtatakang tanong ko. Matagal na siya ditong waiter at bihira siyang magkamali lalo na kung maraming tao. Hindi naman ganong marami ang tao kaya napaka-imposible talaga nito.
“Bigla po kasi siyang humarap sakto po na ilalapg ko na ang coffee nila,” sabi niya pa kaya napataas ang kilay ko.
“Bigla siyang humarap?” tanong ko ulit at maski si Kyle ay parang alam na ang iniisip ko.
“Opo, Ma’am,’ sabi niya pa kaya naman biglang may pumasok sa isip ko.
“I will check the cctv,” sabi ko sa kaniya at agad na pumasok sa office ko.
Sinubukan kong i-check yung mga oras na nag-uusap kami ni Senia rito. Mga alas otso iyon kaya naman tinignan ko naman ang time. Nakita kong pumasok si Alison at lumingon-lingon na tila may hinahanap. Matapos iyon at umupo sila sa malapit na chair. Inasikaso naman agad sila ni Angel. Ilang minuto lang ang lumipas nang lumabas si Angel. Papalapit na siya abgo humarap si Alison. Tumapon sa kaniya ang mainit na kape. Pero kitang-kita ang pagngiti niya. Kaya nagkatinginan pa kami ni Kyle. Sinadya nga niya. Tama ako sa hinala ko. Ano bang napapala niya sa ganito? Tulad niyan, siya tuloy ang nasaktan dahil alam kong mainit ang kape. Mabuti na lang at hindi dumiretso sa balat niya at kaunti lang ang natapon sa kaniya.