TUMIGIL saglit ang pagtibok ng puso niya at nahigit ang hininga. Gino is moving! "Unghh..." ungol nito. Nakagat ni Mushroom ang labi kasabay noon ang pamamalisbis nga luha. "Gino..." aniyang hinawakan ng mahigpit ang kamay nito. Bahagyang gumalaw ang ulo nito saka unti-unting bumuka ang mga mata para lang mapapikit ulit dahil tila nasilaw sa liwanag. Saka muling napakurap-kurap at humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Oh good God... mahinang usal niya, kasabay ang pagtulo ng luha. She's felt so happy her heart could not almost contain it. Sa loob ng isang buwan, wala siyang ibang hinihiling sa Diyos kundi ang magising si Gino. Araw-araw, ipinagdarasal niya na sana'y makita ulit ang ngiti nito, marinig ang boses nito, ang maramdaman ang yakap nito. Wala siyang ibang hinihintay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


