Hanggang ngayon na nandito na sila ni Hiraya sa mansyon ay parang nakalutang pa rin sa alapaap si Atlas. Nahirapan sila sa pag uwi dahil marami ang mga punong nagsitumbahan at napaka dulas ng daan kaya naman natagalan talaga sila. Kaya lang heto at habang nagpapahinga siya sa kanyang kama, hindi pa rin niya makalimutan ang masayang sandali nilang mga pinagsaluhan ni Hiraya sa kubo. Ang bawat halik at yakap pati ng pagdantay ng kanyang kamay sa balat ng kanyang pamangkin ay talagang natitiyak niya na hahanap-hanapin niya iyon. Pero kailangan niyang maging matatag para makita na ang kung ano mang nasimulan nilang dalawa ni jiraiya dahil alam naman niya na mali iyon. Kung maaari lang sana, kung pwede lang na hindi na sila umalis doon ay okay lang kahit na malayo sila sa kanilang pamil

