"Ano, kumusta ng pakiramdam mo? Uuwi na ba tayo? Malapit ng gumabi baka mag-aalala na ang papa mo, pati na si Don Apolinario baka hinahanap na tayo ng mga iyon." Wika ni Rodel sa kanya. Hiniling kasi niya dito na huwag na muna silang umuwi, gusto niya muna niyang makalayo sa hasyenda at hindi muna niya makita ang kanyang pamilya lalong-lalo na ang kanyang Tiyo Atlas. "Pwede bang maya-maya na lang, anong oras pa lang naman hindi ba wala pa yatang 6:00 p.m. Mas okay kasi kung tulog na ang pamilya ko bago ako umuwi. Ayokong malaman nila ang tungkol dito at ayaw kong sagutin din ang mga katanungan nila. Siguro naman nagawa na ng paraan ni manang kapag hinanap ako nila tiyo." Sagot niya kay Rodel. Ang laki din ng pasalamat niya sa lalaking ito kasi eto nga, sinamahan siya nito na magmukmok

